Chapter 5

1K 14 0
                                    

Ang sumunod na dalawang buwan ang naging pinakamakulay sa buhay ni Camille. Dahil pinakamatamis pala ang first love, at alam niya, siya ang sentro ng inggit ng maraming babae sa loob ng university. At unang-una na sa listahan si Mikee.

Habang nakikilala niya si Justin, the feeling grew deeper at nabura na ang pagdududa niya sa binata. Malinaw na sa kanya nag-iilusyon lamang si Mikee. Ito ang napahiya sa nangyari. Kaya sa tuwing magkakasalubong sila sa campus, laging matalim na tingin ang ipinupukol nito sa kanya. Sa kabila ng pagsisikap ni Justin na maging magkaibigan sila, itinuturing pa rin itong kaibigan ng binata.

Nang mag-sem break, halos hilahin ni Camille ang mga araw para makabalik na siya sa Maynila. Miss na miss na niya si Justin. Hindi naman niya ma-share sa ina ang damdaming nag-uumapaw sa puso dahil sa pag-aalalang magalit ito.

Halos buong maghapon ang ginugol nila ni Justin na magkasama nang unang araw na makabalik siya sa Maynila para sa pagsisimula ng second semester. "Bakit kasi hindi mo pa kumbinsihin ang mother mo na dito na lang kayo mag-stay para hindi ka na kailangang magpabalik-balik pa sa Aklan?" suhestiyon nito. Palabas sila ng Megamall at galing sila sa panonood ng sine.

"May plano kami, pero hindi pa raw ngayon. Hindi maiwan ni Nanay yung dalawang ektaryang lupang ipinamana sa kanya ng lolo. Pero kapag naka-graduate na ako, makukumbinsi ko na rin iyon. Saka may feeling akong may iba pang dahilan."

"Ano pang dahilan?"

"Umiiwas siyang magkita sila ng isa pang babaing pinakasalan ng daddy ko." Bilang pinakamalapit na tao sa puso niya, nai-share na niya kay Justin ang love story ng mga magulang. "Hanggang ngayon, sa picture niya pa lang 'yon nakikita."

"Kapag tayong dalawa ang ikinasal, sisiguruhin kong ikaw lang ang magiging Mrs. Justin Dela Rosa."

"Promises are made to be broken. Kaya huwag kang mangako. Nasa iyo naman iyon kung magiging faithful ka sa akin. Kahit aaminin ko sa iyo, parati akong may kaba na isang araw, maagaw ka na lang ng iba. Lalo na si Mikee, baka aswangin ka niya."

Palambing na pinisil ni Justin ang ilong niya. "Gusto mo, pakasalan na kita ngayon, eh."

"Diyan na magwawala ang nanay ko."

Ginawang inspirasyon ni Camille ang relasyon nila ni Justin. Lalong tumaas ang grades niya kaya hindi nakahalata si Chat na nakikipag-boyfriend na siya. Pero sabi nga nila, wala namang perpektong bagay sa mundo, kung paanong wala ring perpektong relasyon. Kahit na napakaganda ng relasyon nila, hindi nawawala ang mga taong gustong sumira sa kanila.

Isang gabing inabot ng alas-nueve ang rehearsal ng play sa campus, kung saan isa si Camille sa cast, ay may isang schoolmate na nag-aabang lamang pala sa kanya. "Hi, Camille. Wala yata ang tagahatid mo?" Makahulugan ang ngiti nito habang nakasandal sa kotse nitong kasama sa mangilan-ngilan na lang na sasakyan sa loob ng campus.

"May importanteng lakad si Justin, eh. Kaya hindi na rin ako nagpasundo," sagot niya sa lalaki.

"E, di ako na lang ang maghahatid sa iyo."

Matagal nang napapansin ni Camille ang malalagkit na tingin ni Dwight sa kanya sa tuwing magkikita sila. May isang subject na kaklase niya ito dahil pangkaraniwan na lamang dito ang mag-take ng mga subjects dahil palaging bumabagsak. At ayon sa instinct niya, hindi siya dapat magtiwala rito.

"Thanks na lang, Dwight. Pero magko-commute na lang ako. Malapit lang naman ang boarding house na tinitirhan ko."

"Kahit ba wala ang boyfriend mo, isnabera ka pa rin?"

Napaatras siya nang lapitan siya't bigla na lamang hawakan sa braso si Dwight. "Ang yabang mo porke si Justin Dela Rosa ang boyfriend mo, ha? E, kung papakin kaya kita ngayon, may magawa kaya siya?"

The Man Who Used To Be Mine - Cora ClementeWhere stories live. Discover now