PAGKALIPAS ng walong buwan, tumanggap sila ng tawag mula kay Justin. Unti-unting nanghina at lumala ang kalagayan ni Mikee dahil sa dami ng na-intake nitong drugs na bawal na bawal sa sakit nito. Naging madalas ang atake. Dahil na rin sa psychological imbalance nito na mula pagkabata ay napapansin na ng mga magulang ngunit pinilit takpan sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng lahat ng maibigan nito. Naging paranoid ito na iiwan ni Justin. Kaya lingid sa binata, nag-take pa rin ito ng cocaine. Lumabas ng bahay. Nagpilit magmaneho kahit alam na masama sa kalagayan nito dahil pabalik-balik ito sa ospital.
Hindi pa nakakalayo sa bahay ay sinumpong ito ng epilepsy. Bumangga ang sinasakyan nito sa isang nakaparadang truck.
Ilang araw daw itong namalagi sa ospital. Ngunit hindi na rin daw nito ginustong mabuhay, marahil dahil sa guilt. At bago raw ito mamatay, humingi ng tawad kay Justin, ganoon din sa daddy niya.
HINDI namalayan ni Camille ang paglipas ng isa pang taon dahil naging abala siya sa trabaho at sa paglilibang sa amang masyadong dinamdam ang pagkawala ni Mikee.
Simula na pala iyon ng maliligayang araw sa buhay niya.
"May aakyat daw ng ligaw sa iyo," sabi ni Meynard sa anak isang hapong nagmemeryenda ang mag-anak sa lawn.
"Gustong sumama sa mahabang listahan ng mga binasted ko?"
"I don't think mababasted siya."
"Mukhang malaki ang tiwala n'yo sa kung sinumang manok n'yong 'yan," nangingiting sabi ni Camille. "Alam naming siya ang lalaki para sa iyo, anak. Dahil ikaw lang din ang babae para sa kanya."
Napapantastikuhang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga magulang. Mayamaya'y may iniabot sa kanya si Meynard, isang stem ng rose. May naalala siya.
At may iniabot din si Chat, isa ring rosas. "Mula 'yan sa lalaking gustong umakyat ng ligaw sa iyo mamaya."
Nangiti siya. At bago pa siya makapagtanong sa mga magulang, nakarinig na siya ng katok.
"Please do the honor of opening the door, hija," sabi ng kanyang daddy. Kinakabahang binuksan niya iyon. At isang guwapo at simpatikong nilalang ang tumambad sa kanya, na tila nakangiti pati mga mata.
"Justin..."
May kinuha ito mula sa likuran—isang stem ng rose. Iniabot sa kanya. "Ikaw lang ang minahal ko, Camille. But I'm sorry kung hindi ako nakatupad sa pangako ko noon na ikaw lang ang gagawin kong Mrs. Justin Dela Rosa."
Muli ay nangiti si Camille at bahagyang pinilig ang ulo. "Nagpo-propose ka na ba ng wedding niyan? Akala ko ba, manliligaw ka ulit? Saka, 'tong style mo ng installment na rose, palitan mo na. Gasgas na, eh."
Nagkatawanan pa sila, saka nagyakap. "Ang dami-dami nang nangyari. Nasaktan ka nang maraming ulit."
"Immature pa siguro tayo no'n. Ngayon, anuman ang dumating, makakaya na natin, at hindi na tayo basta mabubuwag."
"God knows, ikaw lang ang ginusto kong maging Mrs. Justin Dela Rosa."
"Huwag nang importante kung hindi ako ang naging una. Basta ako na ang huli."
"I swear, Camille." Sinundan iyon ng masiil na halik ni Justin sa mga labi niya. "Napatawad mo na ba si Mikee?" tanong nito pagkuwa.
"Kapatid ko pa rin siya."
"That's my girl."
Muli ay nagyakap sila upang hindi na muling magkahiwalay pa.
Wakas
YOU ARE READING
The Man Who Used To Be Mine - Cora Clemente
Romantizm"Kung meron man akong gustong pakasalan, it's you. Pero nasaan ka no'ng mga time na iyon?"