4 Years Later.
Kamusta anak may nahagilap kabang balita? takang tanong ni Nhikkie sa kanyang bunsong anak na kakabalik lamang galing Mindanao.
Wala pa po dada eh..... malungkot na sagot ni Kia saka tumabi sa kanyang ama, tanapik naman ni Nhikkie ang balikat ng kanyang anak Bago ito payuhan siguro anak Tama na.... siguro ito na yung time para tuluyan mo ng kalimutan si Ellaira.... mahigit Isang taon ka ng nag papabalik balik sa Mindanao para hanapin siya pero wala ka namang nakukuhang information about her....
Siguro nga po dada.... siguro nga po Kailangan ko ng tanggapin sa sarili kong matagal na siyang Patay at hindi na muli pang babalik.....
Sinabi man iyon ni Kia sa kanyang ama ngunit sa loob loob niya ay desidido Padin siyang hanapin Ang doctor, hinding hindi ako mapapagod na hanapin ka doc Yan kahit ikamatay ko pa yung pag hahanap ko sayo basta't hindi ako susuko gayong nararamdaman ko naman talaga na buhay kapa mag papahinga lang Ako doc Yan pero pangako hahanapin padin kita bulong ng kanyang isip.
Seryoso silang nag uusap mag ama ng biglang tumunog Ang cellphone ni kia mabilis niya iyong kinuha sa kanyang bulsa at saka sinagot.
Hello ate anj?
Hello kia this is ate Deanna.... sambit nito sa kabilang linya dahilan upang mapatingin si kia sa caller na tumawag Ate Deanna? bakit po phone ni ate Anju ginamit mo? takang tanong niya.
Lowbat kasi phone ko......by the way ahm need namin ng Isa pang pilot kasi may medical mission kami sa Mindanao and mag di-distribute kami nitong mga relief Goods available Kaba?
Kailan po ba?
Bukas.... sorry biglaan eh kasi naman Yung nakuha naming pilot eh may biglaang flight pwede Kaba?
Osige po what time po ba? takang tanong ni kia 6 am Keri ba?
Oo naman po Ako pa Sige po see you tomorrow huli niyang Sabi Bago ibaba Ang tawag
Kinabukasan ay maaga siyang gumising at pumunta ng hospital nanduon na kasi ang chopper na kanilang papaliparin ni Anju.
Ready? naka ngiting tanong ni Anju cyempre po ready na..... mabilis na sagot ni kia saka sumakay sa chopper, mga relief Goods ang laman ng chopper na kanyang pinapalipad at may iilan ding doctor habang sa kabilang chopper naman ay ang mga gamit na gagamitin for medical mission ng mga doctor.
Mahigit isa't kalahating Oras ang ginugol nila Bago makarating sa Mindanao, pagka lapag nila ay agad sumalubong Ang mga opisyales ng barangay na kanilang pinag lapagan at tinulungan silang hakutin ang mga relief Goods na kanilang dala.
Ate Elaina Kasama ka rin pala? takang tanong ni kia oo eh Isa ko sa mga napili na protektahan ang mga doctors na pupunta dito sagot niya kahit ang totoo ay nag volunteer lang naman talaga siyang sumama upang mag protektahan si kia.
Hi Doc Deanna.... Ako nga pala si Mayor Carol and siya naman si Kagawad Roni..... Formal nilang pakilala sa kanilang sarili.
Magandang Umaga po kagawad... Mayor....
Parine ho kayo at ng makapag kape muna pasensya na at medyo maputik dine sa Lugar namin dahil medyo umuulan ulan dito....
Okay lang po mayor......
Mag dahan dahan ho kayo't baka kayo'y madulas ay siya nga ho pala pito lamang po ang available na kwarto dine sa barangay namin eh maaari na ba kayong mag sama sama may Tig dalawang higaan naman bawat kwarto kaso yung pinaka dulo po eh iisa lamang paliwanag ng Doctor.
Ay Wala pong problema...... Mabilis na sagot ni Anju.
Pinaka dulong kwarto ang pinili ni kia dahil gusto niyang may roon siyang privacy at gusto niyang mapag Isa katabi naman niya ay ang kwarto ni Elaina which is nag iisa Rin.
Elaina...... kia..... halina kayo mag kape na kayo tawag sa kanila ni Deanna sige lang ate mag iikot ikot lang ako... Pwede po ba kagawad?
Paalam niya oo naman mag iingat ka lamang at medyo madulas tsaka maputik paalala sa kanya ng kagawad.
Habang nag iikot siya ay may Nakita siyang mga batang nag lalaro sa putikan, may mga nag iigib at Ang iba naman ay nag bebenta ng kakanin.
Muli niyang naalala noong siya'y naka tira din sa barangay kung saan siya kinuha ni Ellaira na noon ay napadpad lamang sa barangay nila for medical mission.
Tara sa Garden baka hinihintay na tayo ni ate Yan... sambit ng Isang batang babae na inaaya ang Isa niyang batang kalaro.
Yan? kapangalan pa talaga ng babaeng pinakamamahal ko bulong ko sa aking sarili hindi naman na Bago sa akin na may kapangalan siya dahil noong hinahanap ko siya dito sa Mindanao ay madami akong na meet na Yan ang pangalan subalit Isa sa kanila ay wala ang taong hinahanap ko but out of my curiosity sumunod ako sa dalawang batang pumunta sa Garden na tinutukoy nila.
Mommy Yan...... sigaw ng isang bata na nasa tingin ko ay apat na taong gulang pa lamang nag palinga linga ako upang tingnan kung sino ang kanyang tinatawag na mommy subalit hindi ko naman Nakita, Nakita ko lamang noong Lapitan at yakapin na niya ito nakasandal ang babae sa Puno habang nag babasa hindi ko Makita ang kanyang Mukha dahil nakatalikod siya sa gawi ko, ibinaba niya ang kanyang librong binabasa ng yakapin siya ng bata.
Mag almusal na po tayo hinahanap ka na po ni Papsy eh sambit ng Bata mabilis namang tumayo ang babaeng tinawag niyang Mommy Yan saka pinulot ang librong binabasa niya kanina at saka binuhat ang Bata na animo'y nilalambing pa.
Ate Yan...... sambit ng dalawang bata dahilan upang mapalingon siya sa gawi ko subalit napalingon din ako kay ate Elaina ng tawagin na niya Ako Kia nasaan kaba? tanong ni ate Elaina im here mabilis kong sagot saka muling nilingon ang babae at mga Bata subalit Wala na Sila.
YOU ARE READING
RECIPROCATE LOVE ( LINGORM)
Science FictionLOVE is like a PUZZLE, when your in love all the pieces fit. But when your HEART gets BROKEN, it takes a while to get EVERYTHING BACK.