Kabanata 27

584 44 7
                                    

Kabanata 27

PARANG na trigger ang anxiety ko nung nalaman na pupunta rin pala ang mga dati naming kaklase sa binyag na sinabay sa kaarawan ng anak ni Shamcy. Kinuha niya palang ninong at ninang ang mga ka-batch mate namin noon. Noong nakaraang linggo ko lang kasi nabalitaan na may anak na pala si Shamcy, doon ko lang din nalaman na hindi pala siya naka graduate ng high school simula nung lumisan ako. Nabuntis rin pala siya ng maaga kaya di nakapag tapos.

Grabe naman kasi 'tong batch namin ang daming nabuntis at kasama na ako roon. Isa sa mga adviser namin na si Ma'am Tesoro na sobrang galit raw ng nalaman niyang sunod-sunod na nabuntis ang kanyang mga students, wala daw siyang nagawa para pigilan ito, advocacy pa naman ni ma'am ang no to teenage pregnancy. Buti nalang di niya alam ang tungkol sa sitwasyon ko. Marami kasing nag aakala na sa ibang bansa ako nag transfer para doon mag-aral.

Bumaba ako mula sa aking sasakyan matapos ko itong iparada sa labas ng simple pero moderno ang pagka design ng bahay nila Shamcy. Hindi ako nakaabot kanina sa simbahan para binyagan ang kanyang anak, nakailang text pa ito sakin kanina. Iyon kasing si Barron gustong sumama kaso bawal dahil nilalagnat ito, iniwan ko muna siya mula kay Lou na nagbabantay sa kanya ngayon.

Hindi rin naman pwede na hindi ako dumalo dahil isa ako sa mga inaaasahan na bisita, ayaw ko rin naman maging disrespectful lalo na't nangako ako na dadalo ako. Humingi nalang ako ng tawad mula kay Shamcy sa text at naintindihan rin naman niya basta raw dadalo ako mamaya sa salo-salong maihahanda dito sa bahay nila.

"Tyler, mabuti naman nakaabot ka!" Nakipag beso ako kay Shamcy.

"Pasyensa talaga hindi ako nakaabot kanina!" Hinging paumanhin ko.

"Sus, ayos lang 'yon ang importante nandito ka na...Para sa inaanak mo ba 'yan?" Turo niya sa dala kong paper bag na may lamang regalo. Mga baby shirt at dresses ito at mga baby supplies para sa kanyang babaeng anak.

"Ah oo, ito nga pala." Sabay abot ko sa regalo na tinanggap niya naman agad, tyaka niya ako nginitian at hinila sa kanilang table na doon nakahanda ang mga pagkain.

"Kumain ka na muna, marami akong hinanda. Tyaka nasa likod bahay 'yong mga ka batch natin na inimbitahan ko. Puntahan natin sila mamaya." Inabutan niya ako ng plato at kutsara't tinidor.

"Taray ng paandar mo, Sham. Parang ginawa mong reuion ng batch natin 'tong okasyon ng anak mo!" Tinawanan niya ako at sinapak ako sa kanan 'kong braso.

"Sira, sila lang naman 'yong kakilala at close ko noong highschool days natin. Tyaka anim lang naman silang kinuha ko, pang pito ka!" Sumandok ako ng spaghetti at leche flan. Ito nalang ang kakainin ko sa ngayon dahil plano ko rin sana na huwag ng tumagal. "Tyaka ikaw talaga ang kinuha ko dahil isa ka sa mga mas nakakaluwag satin. Alam kong barya lang 'yan sayo 'yang mga pinang regalo mo sa inaanak mo!"

"May magagawa pa ba ako? Actually balak ko sana talagang tanggihan 'yang offer mo e." Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan. Ganito talaga kami mag usap na dalawa kahit nung highschool pa kami. Hindi man kami gaanong ka close pero siya yung lagi 'kong nakakasalamuha ko sa room. Pag siya na yung kaharap ko lagi kaming nag ba-bardagulan.

"Che! Chosera ka ackla! Ninang rin naman ako ng anak mo." Hindi pa nabibinyagan si Barron pero I'll make sure isa siya sa mga magiging ninang na aking kukunin.

"Oo na di ko na babawiin. Pero maniningil ako ng utang mong five hundred, kala mo makakalimutan ko 'yong pinang boracay mo noon?"

Group Study (MB #3 - ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon