Kabanata 22

1K 41 8
                                    

Kabanata 22

NAGULAT ako nang nakita ko si Lou dito sa loob ng bahay. Pormado siyang naka upo ngayon sa sofa at biglang umaliwalas ang kaniyang mukha nang nakita ako.

"Tyler, finally naka uwi ka na!" Tumayo siya sa kinauupuan at sinalubong ako ng yakap. "Alam mo bang pangatlong balik ko na 'to dito sa inyo?" Gumanti naman agad ako ng yakap sa kaniya.

Sobrang gwapo na ngayon sa suot na plain white shirt na sinapawan ng dark brown long sleeve polo at khaki pants. Sobrang neat and clean niyang tignan at ang bango pa. Gwapo na may proper hygiene pa.

Buti nalang naka alis na si Laizer pagkatapos niya akong ihatid sa amin. Di na din siya nag balak pa na mag stay dahil daw pupuntahan niya pa iyong kapatid niyang na aksidente daw sa sinasakyan nitong motor.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya kung bakit nagpa balik-balik siya dito.

"Di natuloy yung date natin, tagal na kaya kitang di nakaka bonding!" Kumalas siya sa pagkayakap.

"Sorry may pinuntahan kasi ako kaya di ako naka uwi agad."

"San ka ba kasi nangaling?" Nag dadalawang isip pa tuloy ako kung sasabihin ko ba sa kaniya na galing ako kina Laizer. "Kasama mo siya?"

"Uhm, oo e pinakilala niya na ako sa pamilya niya." Inaya ko siyang umupo. Di siya agad naka galaw sa kinatatayuan niya di pa sana siya gagalaw kung di ko hinila ang braso niya.

"Legal na nga talaga kayo." Umupo siya katabi ko habang di naka tingin sakin ng diretso.

"It was unexpected, basta niya nalang ako dinala sa kanila. Kainis nga e di ako naka ready!" Sinabayan ko pa ng pag tawa pero siya di man lang umimik. "Oy, bat tahimik ka diyan? May pinoproblema ka?"

Baka naman kasi kaya siya pa balik balik dito sa amin dahil may problema siyang dinadala at gusto niyang may mapag sabihan kaso nga lang wala ako. Na gui-guilty tuloy ako.

"Yeah, matagal na!" Tulala pa rin siya pero ngumiti naman rin kalaunan at hinarap ako. "But it's fine, by the way anong oras ka free? Pagod ka ba?"

Wala namang malisya sa aming dalawa itong friendly date dahil noon pa talaga kami nito laging nagsasama. Minsan nga kada uwi namin sa eskwela nong grade six pa kami, sinusundo niya ako noon sa room tiyaka pinapasyal niya ako sa mall at nililibre ng kung ano-ano 'apaka rich kid din naman kasi siya noon, at kahit hanggang ngayon di parin nagbabago ang Lou na nakilala ko noon.

Umiling naman ako at sumagot. "Hindi naman, sige ba mamaya. Kumain ka na ba?"

Tumango siya bilang tugon sa tanong ko. Tumayo ako sa kinauupuan at nag inat sandali dahil naka tulog kasi ako kanina sa byahe naming dalawa ni Laizer.

"Umalis na ba sila, Mom?"

"Yeah, kanina lang bago ka pa dumating." Tumayo rin siya at hinarap akong muli. Bakit ganun parang puno ng kalungkutan itong mga mata ni Lou. Di ba kaya ganun ka bigat ang problema na hinahawakan niya ngayon.

"Lou, nandito lang ako kung kailangan mo ng mapag sabihan niyang problema mo." Umiling lang siya nginitian ako.

"I'm fine, Tyler. Sige na balik nalang ako dito mamaya susunduin kita." Alam ko naman pinipilit niya lang maging masaya dahil ayaw niya lang akong mag alala.

Nag yakapan nalang muna kami tiyaka siya nagpa alam, hinatid ko siya sa gate namin at hinintay siyang maka sakay ng kaniyang kotse. Oo nga pala ba't di ko napansin itong kotse niyang nakaparada sa labas kanina. Siguro dala lang ng labis na antok at kakagising lang sa pag tulog kaya di ko ito napansin. Buti nalang din di rin ito napansin ni Laizer alam ko pa naman takbo ng isip non pag nag seselos.

Group Study (MB #3 - ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon