Kabanata 18

3.2K 91 28
                                    

Kabanata 18

DUMAAN ang ilang araw hindi ko na matandaan kung naka ilang balik ako sa loob ng banyo habang patuloy na sumusuka. May handaan kasi sila Mommy kagabi dahil bumisita dito ang mga magulang ni Lou na isa sa mga close friend ng parent ko. Naparami ang kain ko kagabi ng home made baked egg pie and tart. Nasobrahan ata ako sa kain kaya di ko mapigilang maisuka ito hanggang sa wala na akong mailabas pa. Ang asim sa ilong pakiramdam ko naisama ang kalahati ng aking utak sa pag susuka.

I saw the sink na punong puno ng mga kinain ko kagabi. Muli akong nag hilamos ng maiigi hanggang sa bumuti buti na ang aking pakiramdam. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang tela na naka sabit malapit sa sink at tinignan ang sariling repleksyon sa salamin. Malinaw na malinaw ang itsura ko ngayon lalo na't nakikita ko ang aking sarili na nananaba. Pumupula ang dalawa kong matambok na cheeks. I don't know why I'm blushing siguro epekto lang ito ng kakapuyat ko habang kausap si Laizer boong mag damag.

Wala siya ngayon sa bahay nila nasa Makati siya ngayon dahil bumisita sila kahapon sa tita nilang namatayan ng asawa. Hindi ko naman siya pinigilan pang sumama dahil kamag anak naman niya ang pupuntahan niya doon at importante iyon at wala ako sa posisyon para mag inarte o mag maka awa na mag stay siya sa tabi ko lalo na't ngayong araw na ang libing ng Tito niya. Hindi ko alam kung ano ang rason ng ikinamatay ng kanyang Tito dahil wala naman akong balak gustong malaman.

Umupo ako sa higaan at chineck kung may tao bang nag mensahe sa akin. Kagaya ng dati may unang pasabog ang lolo niyo. Walang iba kundi ang nag iisang Laizer Montiguido na malakas humungi ng isang round pero aabotin kayo ng dosena na hindi ka titigilang kadyotin pag hindi pinulikat.

"Good morning! Kumain kana?" Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti habang binabasa ang pauna niyang text sa umagang ito.

Hindi ko na inabala pang mag reply at tyaka nang bumaba dahil nararamdaman ko ng kanina pa kumakalam ang aking sikmura. Mabilis akong magutom bigla kahit kakatapos ko lang sumuka ang lakas ng appetite ko for today's morning.

"Tyler, tinanghali ka ng gising kumain kana muna." Saglit muna siyang napatigil at napatitig sa itsura ko ngayon ngunit agad siyang humarap sa lababo at nag patuloy sa pag huhugas.

Nakita ko na bacon, ham and hotdogs ang nasa hapag. It's already 10:24 am nakita ko sa orasan na cellphone ko ngayon habang hawak hawak ito. Napaikot ang mata ko at sabay umupo sa upuan habang nag sasandok mag isa ng kakainin. Busy si Mommy sa pag huhugas ng pinggan wala siguro siyang trabaho sa araw na 'to. Napapansin ko din ang pagiging tahimik niya minsan na para bang ang lalim ng kanyang iniisip.

"Si Daddy din po ba, Mom walang work ngayon?" Tanong ko bigla habang ngumunguya.

Nagpunas siya saglit ng kanyang basang kamay sa kanyang apron at bumuntong hininga at tyaka binalingan ako ng atensyon.

"Yes, anak...By the way napapansin kong tumataba ka. May hindi kaba sinasabi sa akin Tyler?"

Napakurap kurap ako ng ilang segundo at muling binalik ang atensyon sa hapag. Akala ko ako lang ang nakapansin sa pag iiba ng aking postura nitong nag daang mga araw. "Tyler?"

"Ewan!" Walang gana kong sambit.

Hindi na siya nakatiis at tinabihan na ako ni Mommy sa lamesa. Napatingin ako sa kanya ng nagtataka.

"Isang linggo na ang nakaraan, Tyler. Magtapat ka nga sakin. May nangyari naba sa inyo ng boyfriend mong si Laizer?" Namula ako bigla sa tinanong ni Mommy.

Uminom ako saglit ng tubig kasabay ng paglunok ng aking kinakain. Awkward akong ngumiti habang kaharap siya na siyang may seryoso namang ekspresyon.

"Mommy naman kailangan pa ba yan tanungin-"

Group Study (MB #3 - ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon