chapter 12

6.4K 89 22
                                    

Chapter 12

"ARE YOU READY?" Isang malalim na boses ang nagpatigil sa aking pagkatulala.

Mula sa labas ng dressing room ay nag-salita itong muli.

"Kanina ka pa dyan" nangilabot ako ng mas lumalim pa ang boses nito ng magsalita ito ng tagalog.

Ngayon kasi ang birthday ng kaibigan ni Hercules, sinabi niya sa akin na sinabihan daw siya nung psalm na dalhin daw ako dahil gusto daw ako nitong makita.

Napaigtad ako nang muli nanaman itong kumatok sa pinto.

"Ito na tapos na wait lang" marahan lang ang pagkakasabi ko nun, agad naman tumigil ito sa pagkatok.

Muli kong sinulyapan ang sarili sa salamin bago ako lumabas.

Tanging white high waist long fitted skirt ang aking suot pang-ibaba at double lining off shoulder basic longsleeve na black naman para sa top.

Nang makalabas sa dressing room ay agad na bumingad sa akin si Hercules.

Agad naman na napako ang tingin namin sa isa't-isa, sinusuri ang itsura.

Titig na titig ito sa aking mukha na para bang bigla na lamang ako maglalaho ng parang bula sa kaniyang harapan.

Hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko sa sitwasyon na ito, sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

Habang patagal ng patagal ay nadadala ako sa klase ng kaniyang mga tingin.

Para bang nagpapahiwatig na walang puwedeng umangkin sa akin kung hindi siya lamang dahil alam niyang pagaari niya ako, sakniya lang at wala ng iba.

Nang makabawi sa pagkakatulala ay inahad nito ang kaniyang kamay sa akin na agad ko naman'g tinanggap.

Marahan niya akong iginaya papunta sa kaniyang magarang kotse.

Tumingin akong muli dito, titig na titig pa din ito sa akin. agad akong nakaramdam ng pagkailang kasi kanina niya pa ako tinitignan, hindi naman ako mawawala!.

"Umm Hercules are you okay?" Marahan na tanong ko dito dahil para nanaman itong nawawala sasarili habang nakaharap sa akin.

Napaigtad ito at tumango.

"Get inside" inalalayan ako nitong makapasok.

Napansin ko din ang pasimpling  paghawak nito sa parte ng kotse na maari akong mauntog.

Lihim lamang akong napangiti sa mga pasimpleng kilos at galaw nito.

nang makapasok sa loob ay kapwa kami naging tahimik ni Hercules, nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita.

Hindi kona kinaya ang ilang na nararamdaman kaya ako na ang unang nag salita.

"K-kamusta nga pala yung ano..trip mo?"
Mahinang ani ko.

Mula sa seryosong tingin sa daan ay lumipat iyon sa akin, ngunit saglit lamang iyon at bumalik din sa daan ang kaniyang tingin bago sumagot.

"So stress, my apologize if i didn't inform you its just you know? Suddenly" kalmado itong nagsasalita habang nakatingin sa daan.

Sandali kaming tumigil dahil sa stoplight.

"Okay lang naman....naiintindihan ko"
Nasa labas lang ng bintana ang aking tingin dahil sa takot na masalubong ang mga mata niya.

" What are you doing this past few days?"  Balik na tanong nito.

Tumingin ako sa kaniya dun ko nahuling nakatingin din siya sa akin.

Ruthless Biggest Mistake (Modern Asshole Series: 1)Where stories live. Discover now