Simula nuong gabing napikon si hercules sa akin, ay hindi na itong nagpakita pang muli sa akin.
Dalawang araw narin ang nakalipas magmula ng mangyari iyon sa pagitan naming dalawa,ang pagkulong niya sa akin sa basement pati narin ng ipagluto niya ako ng cornbeef.
Tulala ako habang nagdidilig sa malawak na hardin ng mansyon, simula bata ay mahilig ako sa bulaklak.
Ang aking lola lita ang nagturo sa akin kung paano mag alaga ng maayos sa mga bulaklak.
"Ikaw...dapat uminom ka ng maayos dahil malalanta ka" nakangiting kausap ko dito, sa totoo lang kapag may nakakita sa akin dito ay pagiisipan pa akong baliw.
Tahimik akong inayos ang host na aking ginamit,pati narin ang mga timba at gunting na aking nilagay sa isang sulok.
Pakiramdam ko ay ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon, ang aliwalas ng aking muka.
Napahinto ako sa harap ng malaking entrance door ng makita ko ang nakaparadang kotse ni hercules.
Nandito na pala siya? Bakit di ko manlang napansin? O kaya naman ay narinig?.
Dahan dahan ang ginawa kong hakbang, hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto.
Marahan at may pagiingat ang aking ginawang pag bukas ng pinto, ngunit agad akong napatalon sa gulat ng isang malalim at malamig na boses ang aking narinig.
"What do you think your doin?" Nasalubong ko ang pagod na mga berdeng mata ni hercules, naka tux pa ito at may hawak na suitcase, halatang kakagaling lang sa trabaho.
Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng dugo sa aking muka, kasabay din nuon ay ang pagkawala ng lakas ng aking tuhod.
"A-hh kasi" sinubukan kong tumawa ngunit nagmuka naman itong hilaw dahil sa aking nararamdamang kaba.
"Kasi?"
Naglakad ito palapit sa akin saka ako nilagpasan.Ilang minuto pa akong nawala sa ulirat hanggang, sa napagpasyahan kung sundan ito.
Naabutan ko itong nakahilig sa sofa at minamasahe ang kaniyang ulo.
"Masakit ba ang ulo mo?" Marahang ko sabi saka ako dahan dahang lumapit sakaniya.
"Dont you dare,i wont allow you to touch me!" Sigaw nito saakin saka padabog na kinuha ang kaniyang suitcase at nagmartsa paakyat ng kaniyang kuwarto.
May topak nanaman siguro si hercules at pati ang simple kong tanong ay napipikon siya.
Konti nalang talaga ay masasabi ko ng bipolar si hercules.
Hindi nako nagpumilit pang kausapin ito dahil alam ko naman na mapipikon nanaman ito sa akin.
Hanggang sa mag-hapunan ay hindi ito bumaba, marahil ay pagod ito sa trabaho o kaya naman ay sadyang may problema lang ito.
Napaka bipolar talaga tungunu!.
Pero kahit naman inis ako kay hercules ay may paki parin naman ako sakaniya, kahit wala siyang paki sa akin.
Sheket! Pero kahit nakakahurt ng feelings ay asawa ko padin naman yun.
Pinaglutuan ko parin naman ito ng ulam kahit masyado siyang masungit.
Balak ko talaga siyang ubusan ng ulam pero naisip ko na baka mamatay siya sa gutom edi nagmuka naman akong biyuda niyan. Biyuda ang beauty ko!.Di nag tagal ay nainip narin ako sa kakaantay sakaniya,kaya naman napag desisyonan ko nalang na wag na siyang antayin pa.
Abala ako sa pag akyat sa pagkahaba-habang hagdan nato ng may makita akong bulto ng lalaki,nasa veranda siya.
YOU ARE READING
Ruthless Biggest Mistake (Modern Asshole Series: 1)
RomantikHercules is a young billionere who always called a ruthless beast, and yieshin villa torres is a collage girl who's never been in a relationship before. Hercules was stuck on her past great love, his love for astrid is infinite not until he met a g...