chapter 18

1.8K 20 0
                                    

Chapter 18.

"Condence nalang kulang" saad ko habang namimili kung anong brand ba  ang bibilhin ko.

Panghuli na ito kaya naman labis ng naiinip si mayie sa akin kakaantay.
Kasalanan naman niya iyan, sumama-sama siya sa akin tapos panay ang reklamo niyang nabobored na daw siya, sumama lang naman siya sa akin dahil magmemeet sila ng boyfriend niya wala pa daw ito kaya naman sumama muna siya sa akin.

"Finally! Natapos ka din! My gosh!" Inis na sigaw ni mayie na ikinatawa ko.

Masama bang maging mabusisi? Tinitiganan ko pa kasi ang bawat detalye ng produkto bago bilhin.
Nakapila kaming dalawa sa counter ng magtext sa kaniya ang boyfriend niya, nagpaalam naman ito kaya hinayaan ko na.

Pagkauwi sa bahay ay agad kong inasikaso ang pakay ko.
Nagbihis muna ako bago nagsimulang magbake.

"White icing muna and then haluaan ng medyo red para kakaiba" bulong ko habang dinedesenyohan ang cake na ginagawa ko.

Malapit na akong matapos at halos dalawang oras din ang inabot ko para lang matapos ito, pagod man sa school ay hindi ko iyon alintana dahil ngiti naman ni Hercules ang kapalit ng lahat ng iyon.

"Done!" Masayang sabi ko saka inilagay sa reff ang cake.
Siguro habang hinihintay siya ay gawin ko muna lahat ng activities ko para wala na akong iintindihin.

Ngunit halos matapos ko na ang isang damakmak na activities ko ngunit hindi pa din umuuwi si Hercules. Medyo nagaalalan na ako pero kaylangan kong intindinhin at baka busy lamang sa trabaho.

"Antagal naman niya" inip kong sabi.

Tapos ko na lahat ng activities ko at nakaupo na lamang ako sa living room habang nanonood ng movie ngunit halos tatlong movie na ang natatapos ko ay wala pa rin siya.

Napatingin ako sa wallclock na nasa dingding "11:24 pm' anong oras na din pala, ilang minuto nalang ay mag-t-twelve na ng umaga.

"Nasaan na kaya siya?" Mahina kong bulong ngunit napaigtad ako ng isang kalabog sa pinto ang aking narinig, kasabay nito ang pagbukas kaya malaya kong nasilayan ang aking asawa na nagmamadali.

Agad ko siyang nilapitan at pinaupo, binigyan ko din siya ng tubig dahil hinihingal ito.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kaniya.

Hinawakan nito ang kamay kong nakahawak sa kaniyang balikat, dinala niya ito sa kaniyang mga labi bago niya hawiin ang kaniyang buhok.

"Nakatulog ako sa office wife, nakalimutan ko iyong surprise mo" mahinahon na sabi niya.

Ngumiti ako at inayos ang kaniyang buhok na siguro sa pagmamadali at biglaan pagbangon ay hindi na niya naayos pa.

"Available pa ba?" Natatawang sabi niya kaya naman natawa na din ako.

Yakap ang kaniyang baywang habang ang kaniyang braso ay nakapahinga sa mga balikat ko, sabay namin tinungo ang kusina. Pinaupo ko siya sa dinning area bago nagtungo sa reff para kunin ang cake na binake ko kanina.

"Wow! This is for me?" Manghang sabi niya kaya naman nakangiti akong tumango.

"Nalaman ko kasing paborito mo kaya naman palihim kong pinagaralan para maipagbake kita" nakagiting sabi kopa.

Buong gabi na iyon ay halos maubos na niya ang red velvet cake na binake ko, masarap daw sabi niya. Guminhawa naman ang pakiramdam ko ng masilayan ang ngiti sa kaniyang mga labi. Lumagpas man siya sa oras ay sinigurado naman niyang makakarating siya kahit na anong mangyari.

Masyadong masaya ang bawat araw na lumilipas sa amin, aaminin ko unti-unti ko na siyang minamahal at hindi ko pinagsisishan yun.

Sana dumating ang araw na kaya ko ng sabihin sa kaniya ang mga katagang iyon, sana hindi na matapos ang masasayang araw na magkasama kaming dalawa dahil aaminin ko at ayoko ng lokohin pa ang sarili ko.
Mahal ko na siya..
At sana ganon din siya sa akin...

"Ako din may surprise sayo"napabaling ang atensyon ko kay Hercules ng magsalita siya.

Pinaghalong pagtataka at excitement ang bumakas sa aking buong muka.

"At ano naman yun?" Panunukso ko sa kaniya.

Tinapos ko muna ang paghuhugas ko ng pinggan bago humarap at ituon sa kaniya ang buo kong attensyon.
Prente na siyang nakaupo sa  may living room habang hinihintay akong matapos. Nang makita niya akong papalapit sa kaniya ay agad niyang tinaas ang kaniyang braso para paupuin ako sa kandungan niya.

"Bakit?" Tanong ko ng isubsob niya ang kaniyang muka sa aking balikat habang ang kaniyang kamay ay tumataas baba sa akin likod.

"Matagal ko ng pinagisipan' to" mahina niyang sabi sa akin.

Bumahid ang labis na pagtataka sa aking muka habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Kitang-kita ko ang pinaghalong pagod at puyat sa kaniyang mga mata. Bahagya akong naawa sa kaniyang itsura.

"Gusto kong magpakasal ulit tayo.." natigilan ako sa sinabi niya sa akin.

"Marry me again,wife"

Isang malamig na bagay ang aking naramdaman sa aking daliri, tinignan ko ang aking daliri ko. Napaluha ako ng isang diamod ring ang nakalagay dun. Patuloy pa din siya sa paghalik sa aking balikat. Siguro ay inabahala niya ang aking atensyon sa paghahalik niya sa balikat ko ng sa ganun ay malaya niyang magagawa ang pagsusuot ng singsing sa aking daliri.

"What's your answer?" Marahan niyang tanong.

Nangigilid ang luha kong tinignan siya, seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Inoobserbahan ang bawa't kilos.
Tinaasan ako nito ng isang kilay habang hinihintay ang aking sagot.
Matunog akong umiyak kasabay ng pagbuhos ng masasagana kong luha.
Natatawa ito sa aking reaksyon bago ako yakapin ng mahigpit.

"Please baby...marry me again" puno ng lambing niyang sabi sa akin.
Sunod sunod akong tumango habang nakakulong sa kaniyang mga yakap.

"Thankyou, thankyou for coming in to my life... I love you so much" punong puno ng lambing.

"I love you more" sa isang iglap ay kusang lumabas ang mga katagang iyon sa aking bibig.

Ruthless Biggest Mistake (Modern Asshole Series: 1)Where stories live. Discover now