Chapter 8
HINDI kona ma bilang ang oras na dumaan na nandito lang ako sa loob ng basement, nanatili lamang akong nakaupo sa isang gilid habang yakap ang sarili.
Kutob ko ay gabi na dahil sa lamig ng temperatura ng silid, masyadong malamig ang basement,pag dito ako nagpalipas ng gabi ay siguradong sementeryo ang bagsak ko.
Kaylangan ko gumawa ng paraan para makaalis sa madilim at malamig na lugar na ito.
Takot man ay sapagkakataong ito ay hindi ko dapat pairalin ang takot dahil, siguradong kapag nagpatalo ako dito ay mamamatay ako sa lamig.
Yakap ang sarili at nanginginig na tumayo, upang maghanap ng puwede kong gamitin upang maibsan ang lamig na nararamdaman.
Inumpisahan kong kumapa sa pader kung mayroon mang switch ng ilaw,
Hindi naman ako nabigo dahil agad ko itong nakapa sa tabi ng pintong nakasarado.Mariin akong napapikit ng lumiwanag ang paligid, kinurap-kurap ko ang aking mga mata upang masanay sa liwanag ng ilaw na lumolukob sa buong basement.
Nang masanay sa liwanag ay agad kong nakita ang mga kariton, na marahil ay pinaggamitan ng mga gamit dito sa mansyon.
Dahan-dahan kong kinuha ang kariton ang tinupi ito upang magsilbing banhig ko upang hindi masyadong lamigin sa pagtulog.
Naghanap ako ng pwede kong ipang tabing sa aking katawan.
Nanginginig ng sobra ang katawan ko..
Hercules please...
Wag niyo naman gawin saakin to...
Wala naman ako intensyong saktan ka.Lahat nalang kayo mapa magulang ko o ikaw, sino pa?? .
Pagod na pagod na ang isip at katawan ko sa lahat ng masasakit na sinasabi at pisikal na pananakit nila, ganito naba talaga ako kawalang kwenta sa paningin nila para pabayaan ako ng ganto?.Tao din naman ako may emosyon at nararamdaman, hindi naman ako robot na kahit anong pagbabato nila ng masasakit na salita ay hindi masasaktan.
Ilang sandali pa ay napatayo ako ng marahas na bumukas ang pinto ng basement.
Napakurot ako sa ilong ng makita ang galit na mukha ni hercules...
"B-bakit?? Kumain kana ba?" Marahang tanong ko dito, natigilan ito sa marahas na pag hakbang at kita ko ang bahagyang pagkagulat niya saaking sinabi.
Wala kasing magluluto sakaniya, hindi pa siya kumain kaninang tanghali..
Humakbang akong konti dito saka siya tinignan ng mariin sa mata.
"Pasensya na ah? Nakalimutan ko kasi pasensya kana talaga please palabasin mona ko dito pleasee" pagmamakaawa ko sakaniya pinagdikit ko ang mga palad ko sa harap niya at dahan dahang kinikiskis ito habang nanginginig ang mga labi ko.
Tumingin ako sa mga mata niya, mariin parin itong nakatingin saakin habang nagiigting ang mga panga.
Napaantras ako ng kaunti ng marahas ako nitong hinawakan sa braso at inakay palabas ng basement.
Lakad takbo ang ginagawa ko masundan lang ang malalaking hakbang niya.
"Hercules sandali lang...." Nanghihinang ani ko dito,para akong mawawalan ng lakas dahil kanina pa akong umaga walang kain.
Dahil sa panginginig ng tuhod ay kusa akong napaluhod sa sobrang panghihina.
"Get up" walang kasing lamig ang pagkakasabi niya non saakin.
Nanghihina man ay sinubukan ko paring tumayo ngunit hindi ko talaga kaya.
"Tss" iritado na ito habang tinitignan ako,nagsimula ng manubig ang mga mata ko sa takot habang nakatingin sa kaniya.
Baka magalit nanaman siya at ikulong ako sa basement.
Bumahid ang labis na pagtataka at hiya sa aking mukha ng humakbang ito palapit sa akin at hinawakan ako sa dalawang kilikili upang buhatin na parang bata.
Malaki naman siyang tao at malaki din ang pangangatawan kaya hindi imposibleng kaya akong buhatin nito.
Naglakad ito patungo sa kusina habang buhat buhat parin ako, hindi ko kinaya ang labis na katahimikan kaya ako na ang nagsimulang magsalita.
"B-bakit tayo nandito?" Marahang ang tono ng aking pananalita dahil paniguradong galit parin ito hanggang ngayon.
Isang masungit na sulyap ang iginawad nito sa akin at ibinaba sa isa sa mga upuan.
"Anong bang ginagawa sa lamesa?" Supladong sabi nito mababakas din ang galit at pagkaiirita.
Napayuko ako ng todo,hindi malaman kung paano sasalubungin ang kaniyang mga mata.
Naaninag ko itong humakbang patungo sa reff at may kinuha duon.
Bakit nag iba yata ang mood niya ngayon? Kanina parang ay galit ito saakin,may lahi kaya itong bipolar?.
Lihim akong napangiti sa inisip,hindi imposible yun dahil ganuon din si tito henzo.
"You didn't eat yet right?" Bakit ba laging malamig ang boses nito?, Ni hindi pa yata ito ngumingiti sa tanang buhay nito o puwera nalang nung nakilala niya si astrid.
Nabulabog ang buong sistema ko ng pagbagsak niyang binitawan ang spatula na hawak at nakapamewang akong hinarap, isang nag aalab na berdeng mata ang sumalubong saakin.
"Fucking answer me woman!" Sumigaw nanaman siya.
Napayuko ako sa hiya, masyado akong nalunod sa pagiisip at hindi napansin na mayroon pala siyang sinasabi.
"Ah eh k-kasi ano" nauutal pako sa sobrang kaba, lalo na ng humakbang ito palapit at pinakatitigan ako.
"Tss nevermind just eat and go inside your fucking room" mabilis itong humakbang palabas ng kusina pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon.
Hindi ko namalayan na tapos na siyang magluto, ang alam ko ay hindi ito marunong magluto base nadin sa pagkakasabi ni tito.
Humakbang ako palapit sa kawali upang tignan Ng niluto niya.
Patago akong napangiti sa luto nito,akala ko naman kung ano na...
Cornbeef lang pala.
YOU ARE READING
Ruthless Biggest Mistake (Modern Asshole Series: 1)
Storie d'amoreHercules is a young billionere who always called a ruthless beast, and yieshin villa torres is a collage girl who's never been in a relationship before. Hercules was stuck on her past great love, his love for astrid is infinite not until he met a g...