Kahit malapit ng lumalim ang gabi, nagpumilit parin akong umuwi sa amin, hindi ko alam kung bakit.
Sa isang tawag at utos ni Hercules ay bigla nalamang nawala ng parang bula ang lahat ng tampo at galit ko dito.
Bakit nga ba? Siguro dahil sa loob ng dalawang linggo ay hindi ko ipagkakaila na na-miss ko naman siya kahit paano.
Sa totoo lang nalilito na ako sa kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman, sa tuwing nandyan si Hercules ay para akong hihimatayin sa kilig o kaya naman ay parang akong pinapalutang ng kaniyang seryosong boses.
Pero kapag nakatalikod naman ito ay duon ko lang naaalala ang lahat ng pagpapahirap nito sa akin.
Masyado na akong nalilito sa nararamdaman ko, pero isa lang ang sigurado ako.
Hindi maganda ang kutob ko dito.
Ngayon nandito siya sa aking harapan habang sunisermonan ako, topless ito at may suot na salamin, magulo rin ang buhok nito dahil sa maya't- maya na paggulo duon. Marahil sa sobrang pagka-inis sa akin ay sa kaniyang buhok nalang ito naibubunton.
"Are you listening miss?"
Napaigtad ako sa boses ni Hercules, kasalukuyan pala ako nitong sinesermonan kesyo daw hindi ko dapat iniiwan ang buong mansyon dahil baka daw manakawan.
Sa totoo lang halos paulit-ulit nalang, inaantok narin ako pero pinipilit ko paring panatiliin na nakadilat ang mga mata at makinig sa sermon niya.
"At higit sa lahat ay hindi mo dapat ako pinaghihintay!" Napigtad lalo akong muli sa tinuran nito.
Kung ganuon ay kanina pa pala ito dito at hinihintay lamang ang pagdating ko..
Napanguso ako at napaangat ang tingin.
"Bakit mo ako hinihintay?" Taka akong nakatingin dito pero seryoso parin itong nakatingin sa akin.
Malalim itong napabuntong hining at napahawak sa kaniyang nuo, muli itong tumingin sa akin.
"Don't mind it, be prepared for tomorrow cuz we're attending my friends birthday party" mahinahon na nitong ani, hindi kagaya kanina na para mapuputol na ang litid ng ugat sa kaniyang leeg sa sobrang pagkasigaw.
Galit na galit kasi talaga ito sa akin.
"Go to your room now" ma-awtoridad na ani nito.
Sinundan ko ito ng tingin ng magsimula itong pumunta sa kusina, hindi ko namalayang nakasunod narin pala ako sa kaniya.
Nakasandal siya sa lababo habang
Iniinom ang kaniyang wine,malalim rin ang iniisip nito sa hindi ko malamang dahilan."Hercules" pagtawag ko sa kaniyang atensyon, napatigil ito sa pagtakang uminom muli at tiningnan ako habang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay.
"Hmm?" Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba ang lambing sa tugon niyang iyon.
Sa totoo lang nais ko talaga siyang tanungin ko bakit ito umalis ng walang paalam,ngunit sadyang pinanghihinaan ako ng loob sa klase ng kaniyang mga tingin sa akin.
"B-bakit ka umalis ng hindi ano...hindi nag papaalam sa ano.." hindi ko matugdungan ang aking sasabihin dahil mariin itong tumingin sa akin.
Seryosong-seryoso."Nagpaalam kanino sayo?" Mahinahon lang naman ang pagkakasabi niya nuon pero pilit ko paring hinahanap ang tonong sarkastimo.
Wala sa sarili akong napalunok at pinagpawisan ng malamig, parang bigla akong nasa recitation kung kabahan.
"A-ahh parang ganuon na...nga?" Patanong ko paring ani at ang tingin ay hindi maalis sa kaniyang berdeng mga mata.
"Bakit naman ako nagpapaalam sayo? Sino kaba?" Kung kanina ay pilit kong hinahanap ngayon ay malaya nitong ipinapahiwatig sa akin ang kaniyang pagkadisgusto.
Nanlaki ang mga mata ko ang bilang naging balisa ang aking mga kilos, nanalalamig narin ang aking mga kamay sa sobrang kaba.
"Ah ano sorry..d-diko sinasadya.." sobrang takot at kaba ay hindi kona nakilala pa ang aking boses sa labis na pangnginginig.
Nagaalanganman ay muli akong tumingin sakaniya, duon ko nakita ang ekspresyon niyang mula sa seryoso ay biglaang naging mahinahon.
Naparabang napagtanto niyang mali ang kaniyang tono na ginamit sa salitang binitawan kanina lang.
Binitiwan nito ang hawak na wine glass at ang kaniyang salamin.
Saglit niya panghinilot ang mga mata bago nagumpisang humakbang patungo sa akin.
Akma niyang hahawakan ang siko ko ng wala sa sarili ko itong iniwas, dahil sa aksyon na aking ipinakita ay labis na kumunot ang kaniyang nuo at muli akong hinawakan sa pagkakataon na ito ay hindi na ako umiwas pa.
Hinawakan nito ng maingat ang aking siko sa ako dahan-dahang akong niyakap.
Siniksik nito ang kaniya muka sa aking leeg at duon marahang ipinahinga ang kaniya ulo, ang mga braso nito ay mahigpit na nakayakap sa aking baywang.
"Hmm you scared?....sorry.." para itong bata na naglalambing sa kaniya ina sa kadahilanan na hindi ito sumunod, lihim akong napangiti at tinapik ang likod nito.
"Okay lang" ani ko gamit ang mababang boses, kaya lang ay mas lalo pa itong sumiksik sa akin.
Nanatili kami sa ganong posisyon hanggang siya na ang kusang kumalas at hinawakan ako sa likod gamit ang isa niyang kamay.
Tinaas baba niya ito sa aking likod na para bang pinapakalma ako.
"You should rest" ani nanaman nito sa akin, iginaya ako nito papunta sa aking kuwarto.
Habang tinatahak ang daan papunta sa aking kuwarto ay patuloy din ang paghimas ni Hercules sa aking likod ang babasa bewang pagkatapos ay pipisilin ng mahina.
Paulit ulit niyang ginawa iyon hanggang sa makarating kami sa aking kuwarto.
Hinarap ako nito sa ako marahang hinimas sa buhok.
"Sleep tight....wife"
At mabilis nito akong pinatakan ng halik sa pisngi na halos ikabaliw ko.....
YOU ARE READING
Ruthless Biggest Mistake (Modern Asshole Series: 1)
RomanceHercules is a young billionere who always called a ruthless beast, and yieshin villa torres is a collage girl who's never been in a relationship before. Hercules was stuck on her past great love, his love for astrid is infinite not until he met a g...