SIBUTU, TAWI-TAWI 24:00 MN 1500 HRS
"anong ginagawa nyo dito?"
ang mala-batong ekspresyon ng isang matangkad na lalaking nakasuot ng tiger-striped uniform. nakasunod dito ang iba pang nakasuot nang ganung uniporme na maarok ding nakatingin sa kanila.
"obviously, parte kami ng operasyong ito. bukod dun, wala ka nang dapat malaman." sagot nya na diretso lang ang tingin, pero hindi ang mga kasamahan nya. nakipagtagisan ng titigan ang myembro ng kanyang team sa mga kasamahan ng lalaki.
umangat ang sulok ng labi ng naka-tiger striped uniform sa isang sarkastikong ngiti.
"talaga lang, ha? iba ka talaga. nang-aagaw ka na ng magulang ng may magulang, pumapapel ka pa sa trabaho ng iba. 'di na talaga tinubuan ng hiya yang mukha mo, ano?" he asked in an almost growling voice. halatang nagpipigil lang itong sakmalin sya.
"sa pagkaka-alam ko, buo pa ang pamilya mo. nasa 'yo ang magulang mo at dala mo ang apelyido nila. kaya wala akong inagaw. ikaw itong marumi ang utak at walang binatbat. masyadong papansin."
sapul ito sa sinabi nya. he instantly got enraged then fisted her fatigues uniform, almost strangling her neck. nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
"Commander!"
akmang susugod ang kanyang mga batos kaya tinaas nya ang kanang kamay. agad tumigil ang mga ito.
"bitiwan mo ang kwelyo ng uniporme ko, Leon. don't make me ask you again." she hissed na tinumbasan ang talim ng titig nito. pero ang gago, ngumisi lang at mas lalo pang kinuyamos ang kanyang uniporme. nag-attempt pa itong iangat sya pero 'di nito nagawa dahil di hamak namang mas matangkad sya dito.
"hindi ka na dapat kinupkop pa. ang dapat sa mga ulilang tuta kagaya mo---ilagay sa dog pound. dun nababagay ang mga galis na gaya mo. kaso, makapal ang mukha mo. nanatili ka talaga. magulang ko pa nagpa-aral sa 'yo. nakaka-bwiset talaga yung nakikita kang nakikain ka sa 'min. para ka ngang aso na nakatingala sa mesa ng amo nya. palibhasa, anak ka kasi ng salot na pariwa---"
BLAG!
lumipad sa kinatatayuan nya ang lalaki. plakda ito sa sahig at duguan ang labi.
"call an ambulance." Casper said unfeelingly, looking at her mongrel of an adopted brother lying face down on the floor. "but not for me."
nakahandang sumugod ang mga kasamahan ni Leon nang marinig ang sinabi nya, but her team stepped forward and hid her behind them. Raymond, Alfredo, Amara and Juvenille held their head high, stood tall and on their fighting stance. nasindak ang mga myembro ng NAVY SEAL. alam nilang kahit elite unit sila ng NAVY, pero aware din sila kung gaano kagaling ang mga Scout Rangers, lalo na sa close combat. wala silang panama sa tindi ng mano-a-mano skills ng mga kaharap.
"anong kabulastugan 'to?"
dumagundong ang boses ni NAVY ADMIRAL Soren Asuncion. agad na umayos ang ibang myembro ng NAVY SEAL at sumaludo dito.
"wala bang sasagot sa tanong ko? o baka gusto nyong pagsisibakin ko kayong lahat?" nagkatinginan ang mga SEAL at tila may balak pang magturuan.
"ughh..." napalingon ang Admiral ng may umungol. nanlaki ang mata nito ng makilala ang lalaking naka-plakda sa sahig.
"Leon? what the hell are you doing there?! tumayo ka nga! help him up!" utos nito sa mga tauhan. nagkumahog ang mga ito at tinulongang makatayo ang anak ng superior nila.
nahihiyang tumingin si Leon sa kanyang magulang na matalim ang tingin sa kanya.
"wala ka na ba talagang kahihiyan, Leon Jedidiah? sa harap pa man din ng mga tauhan mo, para kang abnormal umasta!" singhal nito sa anak na kasalukuyang pinapahid ang gilid ng bibig na may punit at duguan.
YOU ARE READING
HEROS IN UNIFORM VII: UNBREAKABLE
RomanceCasper witnessed her parent's murder at a young age, a dark and bloody memory she carried with her until she was old enough to understand why those things happened to them---why they were killed, and who's behind it. so she made a vow to chase the v...