IKA-LABINGSYAM NA KABANATA: COLD SOUL, SCARRED HEART

31 5 0
                                    

"Valencia, pag-isipan mo muna itong mabuti. huwag kang magpapadala sa bugso ng damdamin. kumalma ka." payo ng Heneral sa kanya habang pinipigilan ang pag-iimpake nya ng gamit. ngunit hindi sya nagpatinag. wala na syang naririnig. wala syang balak makinig. ang tanging gusto nya lang na mangyari ay makabalik ng Metropolis---

sa pamamahay ng mga Asuncion.

"makinig ka nga sa 'kin!" singhal ng Heneral sa kanya sabay kuha sana ng kanyang bag ngunit agad nya itong inilayo.

"paraaanin nyo 'ko, Sir. huwag nyo akong pipigilan. please lang." ang nagpipigil nyang turan sa superior nya na pilit hinaharangan ang kanyang daanan.

"hindi. hangga't hindi ka nakikinig. alam kong galit ka, na may poot ang puso mo. pero huwag mong hayaan na lamunin ka ng galit! ipairal mo ang disiplina, pakiusap. hindi pa natutukoy kung sinu-sino ang mga sumabotahe sa intel kaya delikado na lumantad ka ngayon, lalo pa't itinago ko kayo ni Figueroa sa loob ng isang taon!"

ngunit sa kabila ng pakiusap nito, buo na ang desisyon nya.

"hindi ako lalantad. may dapat lang akong singilin, General. kaya paraanin nyo po ako." dahil mas bata sya at maliksi, nagawa nyang lusotan ang pagharang nito sa kanya. dali-dali nyang tinungo ang pinto ngunit napahinto sya sa mga winika ng opisyal.

"marahil ay nakagawa sya ng ganung bagay, Casthaniel. pero minahal ka nya. inaruga at pinalaki. sana'y sapat na rason na ang mga iyun para mahanap mo sa 'yong puso ang pagpapatawad. mahirap yun gawin pero sana-manatili pa rin sa 'yo ang respeto. hindi na kita pipigilan dahil alam kong nag-uumapaw ngayon ang iyong galit at kailangan mo yang ilabas. just always remember this, Commander: never make decisions when you're mad."

lulan na sya ngayon ng bus papuntang pier. nagsuot sya ng itim na face mask, shades at bull cap. tahimik lang sya buong biyahe lalo pa't trending topic pa rin hanggang ngayon ang nangyaring massacre.

her eyes stung again as tears fall freely from it. pigil syang napahikbi ng maalala ang pagkasawi ng mga kasamahan at malalapit na kaibigan.

para na rin syang unti-unting pinapatay sa paglipas ng mga oras at araw. marahan nyang minamasahe ang kaliwang dibdib sa pagpipigil nyang huwag humagulgol.

"tubig, oh." alok sa kanya ng katabi, hawak ang isang selyadong bottled water na namamawis pa sa lamig. nakasuot ito ng salamin, kulay asul ang mga mata at  nakangiti. dali-dali nyang pinahid ang mga luha.

"salamat, pero ayos lang ako." sagot nya.

"alam mo, hindi talaga cool ang mga taong mahilig magpigil ng emosyon. scientifically, hindi yun nakakabuti. nalulunod ang puso at pwedeng mag-enlarge resulting to undiagnosed cardiac problems. kaya kung gusto mong humagulgol, gawin mo. sabi pa nga ni baymax, okay lang umiyak. natural response yun sa sakit. tubig, gusto mo?"

napakurap-kurap sya dito. 'di nya alam kung tao ba ang katabi nya o pato. ang daldal kasi nito.

tinanggap nya na lang ang tubig. So Pure Minerale, yan ang nasa label ng bote. tinanggal nya ng bahagya ang mask at uminom. nakahinga sya ng maluwag pagkatapos. manamis-namis din ang tubig.

'di nya namalayang naubos nya pala ang laman nito. pinahid nya ang bibig gamit ang panyo at ikinabit muli ang face mask. hindi pwedeng mamukhaan sya nito.

"salamat ulit." aniya. tumango ito bilang tugon.

"Malt Del Fuego nga pala. ikaw?" pakilala nito, sabay lahad ng kamay sa kanya.

"Cas---" napatigil sya sandali. dapat nga pala syang mag-ingat sa mga kausap nya. hindi maaaring malaman nito kung sino sya.

"I mean, Percy. Percy Lopez ang pangalan ko." pakilala din nya saka tinanggap ang pakikipag-kamay nito.

HEROS IN UNIFORM VII: UNBREAKABLE Where stories live. Discover now