IKA-LABING-ANIM NA KABANATA: LEON JEDIDIAH: ANG MODERNONG HUDAS

22 4 0
                                    


"wala bang nakasunod sa 'yo?" tanong ng mataas na opisyal sa isang opisyal ding kagaya nya.

"wala. ano ba talagang pag-uusapan natin?" the other official ask, looking cautiously outside the car window.

"masyado kang nerbyuso. kalma ka lang. hindi ka makakarating sa taas kung dito pa lang, babahag na ang buntot mo." aniya dito sabay hithit-buga ng usok mula sa isang mamahaling klase ng vape.

"pa'no kung malaman ito ng Admiral ninyo? hindi ka dapat nangingialam sa mga ganitong bagay tungkol sa ARMY. delikado 'to kapag may ibang nakaalam." anang lalaki. the other man sniggered and blew a smoke on the person beside him. napaubo ito ng husto.

"you talk too much, Colonel. gusto mo ba talagang makuha ang gusto mo, o hindi?"

"syempre gusto ko. pero bakit kailangang may iba pang madamay? kung si Valencia ang gusto mong mawala, bakit hindi mo na lang sya ipapatay?"

isang malakas na batok ang natikman ng lalaki mula sa kausap nya.

"alam kong bobo ka. pero wag mo naman masyadong ipahalata. sira-ulo."


napadaing ang lalaki sa bigat ng kamay ng kausap. pakiramdam nya, hihiwalay yata sa leeg nya ang kanyang ulo.

"kung gusto ko syang matodas, ginawa ko na yan noon pa. pero hindi ako tanga para gawin yun. sa tingin mo kapag namatay ang tibong yun, hindi ako paghihinalaan? gago."

hindi na kumibo ang kausap nya. wala nang ibang paraan para madispatsa nya ang pesteng yun-kundi ang maisakatuparan ang plano nya. hindi iyun mahirap gawin-lalo na't may mga taong gaya ng kausap nya ngayon na andaling silawin ng pera, posisyon at impluwensya.

mula pa man noon, magmula nang dalhin ito ng kanyang magulang mula sa kung saan man ito galing, halata nyang paborito ito. lagi nya itong binu-bully pero laging palpak ang kanyang plano. laging ito ang kinakampihan sa huli.

at mas tumindi pa ang pagkamuhi nya dito nung sabay pa silang pumasok ng PMA at ito ang ginawaran ng cadet first class award at hindi sya. at ang nagugustohan nyang babae dati, sa animal na yun pa nagkagusto at hindi sa kanya.

at may nalaman pa syang isang bagay na nagselyo sa galit nya sa sampid na yun.

hindi nya sadyang narinig ngunit napag-alaman nyang may mamanahin itong malaking parte sa yaman ng angkan nila. bagay na 'di nya matatanggap.

hindi sya makakapayag na ang isang saling-pusa na kagaya nito ang makikinabang sa pera ng mga magulang nya. ni wala itong kahit konting patak ng kanilang dugo. hindi ito Tancinco. isa itong sampid---yun lang at wala ng iba.

"pero madadamay ang iba sa gagawin natin, Asuncion. wala silang kinalaman sa galit mo dun sa taong yun. hindi lang sya ang maaaring mamatay pag nagkataon." angal pa nito. sa pagkapika nya, sinakal nya ito.

"manahimik ka, ulol. kung ayaw mo, eh 'di wag. pero hindi ka makakaalis ng buhay dito lalo pa't alam mo ang mga balak ko. sige, umatras ka. go ahead. at bukas makalawa---paglalamayan ka na. pati pamilya mo, dadaliin ko pa."

he hissed and let the idiot's neck go. para itong isda na nawala sa tubig sandali kaya sisinghap-singhap sa paghinga.

"lumayas ka na at gawin ang gusto ko, idiot."



nagkukumahog itong umalis at kumaripas pa ng takbo. kinuha nya ang spare phone at may tinawagan.

one ring lang at sinagot agad ang tawag nya.

"ano na, Captain? siguro nama'y may maganda ka nang balita." wika pa ng kausap nya, ang isa pang taong may matinding galit sa peke nyang kapatid.

"tatawag ba 'ko kung hindi ako sigurado? naipadala ko na ang intel sa e-mail mo. take it from there. just make sure that abomination will be nothing but a cold corpse." aniya dito. nai-imagine na nya ngayon pa lang ang nabubulok nitong bangkay. isang tanawing sabik syang makita.

"hindi mo na kailangang sabihin yan dahil yan talaga ang gagawin ko. kahit buto ni Valencia, wala akong ititira. pagbabayaran ng animal na yun ang pagkamatay ng tatay ko." tugon nito na puno ng poot ang boses. napangisi sya. ngayon pa lang- nakikita na nya ang tagumpay.

"well---it's a deal then. do whatever you want pero ipakita mo sa 'kin ang ulo nya."

the call ended. a vile smirk appeared on his diabolic face.

Valencia's demise is coming.

**************0o0*******************

HEROS IN UNIFORM VII: UNBREAKABLE Where stories live. Discover now