IKALIMANG KABANATA: THE DEBUTANT

39 6 0
                                    

"sigurohin nyong maayos ang lahat. tingnan nyong mabuti ang bawat sulok. everything must be perfect. do you understand?" instruction ng organizer sa mga tauhan nya.

"Yes, Ma'am." sagot nila na agad tumalima sa utos. preparado naman na lahat. pero dahil perfectionist at metikulosa ang ina ng debutante, kaya siniguro ng organizer na perpekto rin ang lahat. there's no room for error, 'ika nga. pa'no ba naman, labinlimang milyon ang budget sa okasyong ito.

"royal coronation" ang theme ng grandyusong okasyon at purple and pink ang motiff nito. bawat mesa ay may nakapalibot na mga mahogany-made, egyptian purple-rug draped high-back chairs. sa entrance ng banquet hall ay may malaking fountain na imbes tubig, perfume ang laman. at 'di lang basta pabango, kundi galing pa ito mismo sa sikat na syudad ng Grasse sa bansang France. nakailaw ang mahigit kumulang limampung mga naglalakihan at mamahaling crystal chandeliers.

at dahil Admiral ng NAVY ang magulang ng celebrant, aasahan na ang mga uniformed men sa venue.


kinumisyon din na mag-cater sa event ang 5-michellin star internationally acclaimed fine-dining restaurant sa bansa-ang Aurora's Diner. mismong ang Executive Chef at Owner na si Riki Aragon ang hahawak sa pagluluto ng mga putahe. sa music naman, nakuha nila ang sikat na violin superstar na si Serena Figueroa at ang Loboc Children's Choir. conductor pa ng orchestra ang sikat na maestro- si Ryan Cayabyab.

samantala sa loob naman ng isang malawak na silid, abala ang glam team sa paghanda sa mismong debutant. hapon pa iyun at kasalukuyan syang pina-pamper sa isang state-of-the-art na diamond-peel facial massage. super relaxed ang may birthday habang pinagsisilbihan sya mula ulo hanggang paa. matapos ang facial at iba pang ritual nya sa katawan, bumangon sya at naupo sa isang reclining chair. agad na lumapit ang mga manikurista at pedikurista sa kanya.

"do it properly. I don't want to see any mess on my fingers. subokan nyong magkamali at aalis kayo dito na walang makukuha ni piso." banta pa nito.

she looked down poorly at the people painting her hand and toe nails.

"y-yes, Ma'am." ang nasisindak nilang tugon at yumuko na lang na nakatutok sa kanilang trabaho. palihim silang nagkatinginan at napailing.

the beautiful debutant just looked at these lowly beings boredly, doing her nails. nakabalot na ng protective hair net ang kanyang mahabang buhok na bago pa lang ginamitan ng keratin, ceramide at brazilian blow-out treatment. ang kanyang mala-labanos sa puti at mamula-mulang kutis ay binabad nya sa purong gatas ng kambing at jojoba/ moroccan oils. ang kanyang mukha ay nilagyan ng pearl essence at hydrolized collagen mask na imported pa galing ng South Korea. kaya naman kuhang-kuha nya ang glass-skin features ng mga female korean celebrities.

"M-Ma'am Thalia..."

ang kinakabahang sambit ng isang kasambahay. mas lalo pa itong ninerbyos ng tingnan nya itong nakataas ang isang on-fleek na kilay.

"what?" she snapped. napalunok ang pobreng kasambahay.

"n-nakauwi na po sya, Ma'am..." anito.

para itong nakakita ng multo sa pamumutla ng mukha nito.

"si Kuya Leon? I don't give a damn kung umuwi man sya o hindi. kung yan ang ibabalita mo sa 'kin, you better go. walang kwentang nilalang."

she spatted out bitchily and blew dry her newly manicured finger nails.

"h-hindi po si Sir Leon, Ma'am. si Commander po ang nakauwi na." agad syang napatigil sa pagtingin sa kanyang mga kuko ng mabanggit ang naturang pangalan. napatayo sya at hinarap ang kasambahay.

"i'll have your head if you're making a fool out of me. totoo ba yan?"

"opo, Ma'am. kanina lang sya dumating at dumiretso sa kwarto nya." sagot nito. isang pilyang ngiti ang agad rumehistro sa maganda nyang mukha.

HEROS IN UNIFORM VII: UNBREAKABLE Where stories live. Discover now