South Cotabato, 1997****************0o0***************
nagkukumahog na ipinasok ng isang babae ang mga damit sa loob ng isang bayong. nakatingin naman sa kanya ang isang musmos na puno ng pagtataka kung bakit tila nagmamadali ang ina.
"nanay... nganong gadali man ka?" ang inosenteng tanong ng paslit.
"asa diay ta paingon?""ayaw una ko ug samoka, anak. gadali si nanay, ha? ayaw nag daghang pangutana." itinali nito ang bayong at ibinaba sa kawayan nilang sahig.
maya-maya, bumukas ang pinto. pumasok ang isang lalaki, pawis at namumutla. lumapit ito sa kanila at dinampot ang bayong.
"padulong na sila, Cassandra. mamahawa na kita dinhi. kugosa na lang ang bata."
kinarga ang paslit ng ina nito habang bitbit ng lalaki, ama ng bata, ang bayong. sa pagmamadali nila, nalimutan ng mga magulang ang sapin sa paa ng anak.
"tua ra sila! gukda ninyo!"
dinig ng paslit na malakas na sigaw ng kung sino. dito, biglang hinila ng malakas ng ama ang kanyang mag-ina. tumakbo sila ng napaka-bilis.
"hunong, Ka Edgar! wa na mo'y kadaganan pa! hunong!"
pero hindi nakinig ang lalaki. patuloy silang tumatakbo sa damuhan, sa dilim at sa lamig ng gabi.
at dahil hindi sila tumigil, umalingawngaw ang mga putok ng mga armas sa katahimikan ng madaling-araw. halos mapaos sa kakasigaw ang mag-ina habang tumatakbo palayo. yumapos ang paslit sa kanyang ina ng napakahigpit.
"ack!" napaigik ang ama ng may tumama sa katawan nito. bumitaw ito sa pagkakahawak sa kamay ng asawa at bumagsak sa damuhan.
"Nathaniel! ginoo ko!" ibinaba sya ng ina at dinaluhan ang kanyang ama na naliligo sa sarili nitong dugo.
"d-dag...dagan p-palayo. ayaw na ko'g huna-hunaa. s-sige na. luwasa imong kaugalingon ug a-ang atong a-anak..."
hirap itong magsalita dahil umuubo na ito ng sariwang dugo at hindi na makahinga.
"dili! dili tika biyaan dinhi. mangayo ko ug tabang!" ang lumuluhang turan ng babae. humagulgol ito at niyakap ang asawa.
"biya na, Cassandra. sige na. ang atong anak, luwasa siya..." hinugot ng lalaki ang huli nitong hininga bago bumagsak ang kamay nito at bumaba ang talukap ng mata.
humagugol ang ina. dinig ang panaghoy nito sa malawak na damuhan. lumapit ang naka-paang paslit at niyakap din ang wala ng buhay nyang ama.
"nia ra sila!"
napatigil sa pag-iyak ang ina ng marinig ang mga boses na tila papalapit sa kanila.
"dali na, anak. mamiya na kita dinhi." anito na kinargang muli ang bata saka muling tumakbo.
BANG!
lumiyad ang katawan ng ina sabay ang pagtama ng bala sa tagiliran nito. bumagsak ang katawan nito kasama ang paslit sa maputik na lupa.
"duola ninyo! kinahanglang way buhi nila, bisan usa! lihok na!"
"naa na diri padulong ang mga sundalo! pagdali mo ug patya na sila, mga inutil!"
sigaw ng mga brusko at galit na boses.
"a-anak...d-dagan, pinangga ko. dagan, Casper... dagan."
halos 'di na marinig ang sinabi ng kanyang ina. bumubulwak ang dugo mula sa sugat nito. papalapit din ng papalapit ang mga nagtatakbuhang mga yabag nang paa.
"tua ra, nagbuy-od sa unahan! duola ninyo! lihok, mga hanggaw!" bulyaw ng isa sa kanila.
"dagan, Casper. dagan ug ayaw paglingi. mahal ko ikaw, anak..."
pikit mata syang tumalikod---
at tumakbo.
lumuluha.
nag-iisa...
***************0o0*****************
YOU ARE READING
HEROS IN UNIFORM VII: UNBREAKABLE
RomansaCasper witnessed her parent's murder at a young age, a dark and bloody memory she carried with her until she was old enough to understand why those things happened to them---why they were killed, and who's behind it. so she made a vow to chase the v...