"gusto raw'ng mag-probe ng Commission on Human Rights sa nangyaring engkwentro. mga utok-bolinao man na sila, ue. ano bang dapat imbestigahan sa pagkamatay ng mga hayop na rebeldeng yun? anong gusto nilang palabasin sa kanilang gagawin?"ang boses ng kasamahan nyang si Raymond ang una nyang narinig kinaumagahan, pagkabalik nya sa kampo. sumandal sya sa hamba ng pinto at pinakinggan lang ang pag-uusap ng mga kasamahan.
"bakit ba sila laging nakikialam? kung wala silang magawa, bakit 'di nila ipagtanggol yung mga totoong umaabuso sa karapatang pantao?" dagdag naman ni Alfredo, isang tinyente.
"balita ko pa, may senate inquiry tungkol sa nangyari. langya talaga. pagmumukhain na naman tayong tanga ng mga senador na yun." wika pa ni Amara, isa pang tinyente sa team nya. nag-uumpokan ang mga ito, nakaupo palibot sa parihabang mesa na yari sa kawayan.
"tingin nyo, dadalo kaya si Commander? grabe yung nakikita ko sa TV. nakikialam pa pati yung mga artista. mga mema lang naman." ani Juvelline, ang sarhento sa grupo nya.
"mga artista? sino naman?" tanong ni Amara sa kasama.
"kilala mo yung si Pia Maureen Avanciado, yung dating beauty queen? sabi nya, wala daw tayong konsensya. 'di na daw tayo naawa sa mga menor de edad na napatay. duh. sarap kalbuhin ng kilay nyang drawing lang naman." natawa ang lahat sa tinuran ni Sargeant Juv. kahit sya napangiti na lang din.
"mukhang masaya ang topic nyo,ah." aniya na lumabas mula sa kanyang kinalalagyan.
"hala, Commander. nagising ka ba sa ingay namin? sorry po." ani Amara. umiling sya at naghila ng upuan. pagka-upo nya, kumuha sya ng isang mug saka iyun nilagyan ng tea bag at binuhosan ng mainit na tubig.
"kanina pa 'ko gising. pinakinggan ko lang talaga ang huntahan ninyo. wag nyo ng isipin ang tungkol sa banta ng mga yan. hindi nila tayo basta-basta mapapatawag. don't worry too much regarding those brats disguising as lawmakers." aniya. tumango ang mga ito.
"pero nagbabanta silang ipapa-contempt tayo kapag walang isa sa 'tin ang dadalo sa hearing. pa'no yan?"
ang nag-aalalang tanong ni Juv. nakalahad sa mesa ang isang local newspaper, na ganito ang headlines:
CHR NANAWAGAN UG HUSTISYA-SENADO, IPATAWAG ANG MGA SUNDALO
dinampot nya ang naturang pahayagan at pinunit-punit ng pino. binilog nya ito at tinapon sa basurahan.
"they failed to scare me before. mas lalong 'di nila ako matatakot ngayon. if they'd file a contempt against us, ako ang haharap. i'll own up to it at ako ang magpapakulong." aniya.
"bakit kaya mainit ang dugo ni President Benito Aurelio sa 'yo? imbes na ipagtanggol ka nya, para ka nyang dinidiin. alam kong commander-in-chief natin sya, pero nakaka-asar minsan yung mga pahayag nya sa media." ani Alfredo.
tama ang sinabi ng kasamahan nya. walang araw na 'di sya nari-reprimand ng kanyang mga superior dahil nagalit diumano ang pangulo sa matinding kampanya nya laban sa insurgency. at hindi sya tanga para 'di mahalatang pinupuntirya talaga sya nito, para pahintuin sya sa kanyang mga nagagawa.
ngunit wala sa plano nya ang tumigil. itutuloy nya.
alam nyang dapat i-respeto ang mas nakakataas sa kanya. pero 'di nya maiwasang mapika sa nakaupong pangulo. para itong bata na nasusulsolan ng mga gabinete nito.
at isa sya sa mga lagi nitong pinasisingitan. lahat ng galaw nya, alam nyang pinapabantayan nito."kailan kaya mangyayari na pasalamatan din nila tayo? hindi yung puro masasakit na salita na lang ang binabato nila sa atin. 'di man lang ba nila naisip na tao rin tayong nasasaktan din?" hinanakit na pahayag pa ni Juvenille na parang maiiyak. inakbayan at inalo ito ni Alfredo.
![](https://img.wattpad.com/cover/377267239-288-k491430.jpg)
YOU ARE READING
HEROS IN UNIFORM VII: UNBREAKABLE
DragosteCasper witnessed her parent's murder at a young age, a dark and bloody memory she carried with her until she was old enough to understand why those things happened to them---why they were killed, and who's behind it. so she made a vow to chase the v...