Chapter 23 - Furious

712 23 11
                                    

C.A.Y – XXlll

————

Jaesi's POV

"You have got to be kidding me!" Isang malakas na galit na boses ang narinig ko mula sa hallway.

Tumigil ako sa paglalakad at dumungaw sa hallway kung saan ko narinig yon.

That voice...it came from my sister's office.

Out of curiosity. I decided to come closer upang makinig kasi tila galit ang kapatid ko sa paraan pa lang kung paano siya makipag usap.

Who's she talking to?

"Stop, dad! She's not prepared! You can't allow him to get near her!" Ate shouted, clearly in a heated argument with our father over the phone.

Allow him? Does she mean?

"I said no!" Ate screamed "she's not healed yet! I oppose this idea!"

Sumilip ako sa pintuan na nakaawang at nakita kong namumula na sa galit kapatid ko.

"You can't give me orders my dear child. This is for the best—"

"The best you say?! You sent countless of spies just to keep an eye on your daughter. Your own freakin daughter dad! and now you're going to send that man as well who happened to hurt your beloved child?! Are you even thinking?!"

Sumandal ako sa pader habang nakikinig at pumikit upang pigilan ang sarili pumasok sa opesina at maki talak sa kapatid ko.

Is he really returning at my father's command rather than of his own accord?

"I will kill him if he touches even a single strand of my sister papa! Kaya kung ako sayo, 'wag mo na ituloy yung plano mo!" Binaba na ng kapatid ko yung telepono at binato ito sa kung saan "AHHHHH!" Galit na sigaw nito at hindi pa nakuntento, lahat ng mahawakan niya pinagbabato niya hanggang sa manghina na ito at napasandal sa mesa niya.

"Ate" bulong ko ngunit pinigilan ko sarili ko pumasok. Hindi niya parin ako nakikita at wala din ako balak magpakita lalo na at galit na galit ito. "I'm sorry." Naglakad nako papalayo at dumeretso sa kwarto ko upang magpalit ng damit.

My father again... palaging nagpapahirap samin ng kapatid ko. He always does what he wants. Laging siya nasusunod. Kahit ayaw namin ng kapatid ko basta pabor sakanya ay gagawin niya parin kahit labag sa mga loob namin.

Tsk... should I make my move?

Binuksan ko pinto ng kwarto ko at agad naalarma. Hindi ko binuksan ilaw at nanatiling nakatayo sa pinto. Sinarado ko to ng dahan dahan at tumitig sa veranda kung saan may sliding door na medyo nakabukas.

"Since when did you come back?" Malamig na tanong ko. Waiting for him to appear in the dark.

Hinangin ang kurtina at biglang may pigura na lumitaw.

Naglakad ito patungo sakin dahilan upang umangat sa ere kamay ko. Puno ng pag iingat niya itong hinawakan at marahang hinalikan.

Lumuhod ito sa harap ko at yumuko. "Permission to speak M'lord."

"Granted."

Chasing after you (GxG)Where stories live. Discover now