C.A.Y – Convergence
————
Jaesi's POV
Kasalukuyan akong nag lalakad patungo sa Saare building, aayusin ko kasi form namin ng saglitan sa volleyball kasi may papalapit na naman kaming liga na sasalihan.
I'm still exhausted although 2 weeks ago na yung AAL. Sobrang napagod ako sa last game. Parang gusto ko nalang rin matulog 1 month straight makabawi lang sa lahat ng pagod na tinamo ko sa madugong laban namin ng Japan.
Nagustuhan ko rin yung pa welcome samin ng campus. It warms my heart to know that they supported us through thick and thin.
The school made, exerting efforts just for the students to be able to watch our game, although hindi lahat nakapunta pero that's okay naman. Imagine, bumyahe pa sila to Japan makanood lang sa game namin. Sponsored lahat, staycation nila, food, and transportation. Supportive talaga ang school as long na pangalan nila ang dala dala.
May klase ako ng 9 am and 8:48 na ngayon. Kung ma-late man ako ay valid naman reason ko kasi inutos din 'to ng head ng sports department.
Hindi rin ako good mood ngayon kasi kanina grabeng pag gising ba naman ginawa sakin ni ate. Ano nga ba ginawa? simple lang naman eh, nag drums ba naman sa kwarto ko, naka costume pa siya na akala mo kasali talaga sa banda tapos yung make up niya pang rakista.
Nagulat nalang ako nung bigla may nag drums na pagka lakas lakas.
Laking pag tataka ko pa'no niya napasok lahat yon sa kwarto ko, literal na drum set talaga.
Minsan talaga hindi ko maintindihan kung bakit may baliw akong kapatid.
Habang nag lalakad ay sumakto ng bukas yung elevator kaya nag mamadaling pumasok ako.
Nag intay muna ako ng ilang segundo bago pindutin yung close button at nung nasigurado ko nang wala na papasok ay pinindot kona.
Mag sasara na sana ito ng bigla namang may kamay na pumigil kaya natatarantang pinindot ko ulit yung open.
Ghad! Is her hand okay? Bakit naman kasi tsaka lang sumulpot?–
Woah
My jaw dropped upon seeing her face.
When she finally entered the elevator I unconsciously moved to the side
Malaki pa naman espasyo pero hindi ko alam bakit nakuha ko pang mas gumilid eh kung tutuusin ay kasyang kasya siya kahit hindi ako umusog.
Ang ganda...? Huh?
A beauty like this exists?! How come?!
"4th floor"
Just how in the world? Those orbs, pointy nose, and sharp jaws, dumagdag pa yung kilay at mata niya na sobrang ganda at perpekto na hugis, yung lips niya pa dagdag mo pa na sobrang kinis ng balat niya?
Ano to? Bakit parang pinagpalang lubos naman ata to sa kagandahan?
"Miss."
Bumaba mata ko sa katawan niya and damn... just what in the hell? Ang puti niya! Mistisang mistisa, kano ba 'to? A foreigner perhaps?
Parang ang hirap naman dumikit dito? Baka pag nagbukas yung elevator tas may pumasok, isipin ng mga tao may katabi siyang libag.
Okay erase, TyL ginawa mokong maputi.
She's wearing a visitor's pass. So she's an outsider. Naka clip lang yon sa bulsa ng white long sleeves polo niya sa dibdib. Bumaba pa lalo mata ko sa ibaba niya at naka tight acid wash jeans ito partnered with white heels na 2 inches lang ata ang haba.
YOU ARE READING
Chasing after you (GxG)
RomanceCHASING AFTER YOU In the quiet corners of Jaesi's world, she was a lone wolf, searching life's tangled paths with only her thoughts of company. She sought solace in the whispers of the wind and the untamed wilderness of her mind. While the tapestry...