UNSOLVED CASE #3 (Rhianne X Jaydon)

10 0 0
                                    

These characters really exist in our world and they're not a fictionals, except places and scenes.

Read well.

©ALL RIGHTS RESERVED.

--

"RHIANNE."

Kakatapos ko lang ayusin lahat ng mga gamit ko ng tawagin ako, lumingon naman ako kay mommy na naka tayo sa may tabi ng pintuan.

"Are you done?" She asked, kinuha ko naman ang hoodie ko sabay humarap kay mommy at tumango. "Alright then, let's go, baka ma late tayo sa flight natin." She said at nag lakad na palabas ng kwarto ko.

Babalik na kasi kami ng Pilipinas, natapos na rin naman kasi ang business nila dito sa amerika. Isang taon rin kasi kami namalagi rito, dito na rin ako nag aral. Okay naman naging takbo ng buhay lo rito sa amerika, but honestly, I'm not really comfortable in this place, like masyado ako na le-left out.

Kahit na nasanay naman na ako na narito sa amerika, nakakapanibago pa rin kasi, but in the Philippines, it's really different. But you cannot say that naman, dahil talagang iba sa pakiramdam na manirahan sa hindi mo naman sariling bansa.

Naka sakay na kami ng taxi cab at patungo na kami ngayon sa airport. I glanced at my wrist watch, it's nine forty-five in the evening.

Tumanaw naman ako sa bintana ng taxi, maganda rin naman dito sa amerika. Kumusta na kaya yung iba kong mga kaibigan don? Kumusta rin kaya mga kapatid ko?

Hindi ko nga alam kung bakit ako pa yung na-isama nila mommy at daddy dito sa amerika, pwede naman yung mga kapatid ko.

Kesyo raw sa aming mag kakapatid ako lang raw ang hindi pa nakaka labas ng bansang Pilipinas. Well gusto ko rin naman na maka labas ng bansa at pumunta sa lugar na gusto ko, kaso hindi ko naman gusto pumunta ng amerika, but i can't deny, okay rin naman sa amerika.

At least naka labas na rin ako at naka pamasyal sa ibang bansa. Mag rereklamo pa ba ako? Huminto naman ang taxi cab, tanda na nandito na kami sa destinasyon namin. Finally na sa airport na rin.

Bumaba na kami ng taxi at kinuha na ang mga dala naming gamit na maleta. Tinaas ko naman ang hawakan ng maleta ko at hinila ito.

Too many people here.

Walang araw na hindi mawawalan ng mga tao talaga sa airport. Parang lahat na ata ng tao ay araw-araw ng nag tatravel.

Ano yun? Parang isang bus lang na anytime pwede mong sakyan at idala ka sa gusto mong destinasyon?

Naiisip ko pa lang, napapagod na ako, kapagod kayang bumyahe, sobra. Umupo na ako dito sa waiting area, sila mommy ay may binili pa, alas diyes pa yung flight namin.

Anong oras na kaya oh? Limang minuto na lang.

Nakabalik na sila mommy kaya, kinuha na namin ang mga gamit namin at nag lakad na. Inaamin kong nalulungkot ako dahil aalis na ako dito sa amerika, syempre nakaka miss rin, may mga nakakakilala kang bago, hindi naman lahat ng nakikilala ko pure foreigners, may mga taga Pilipinas rin naman dito.

Nakaka nose bleed kayang makipag usap sa mga foreigners. Mapapasabak ka talaga sa English speaking. Pero na handle ko naman kahit papaano.

And finally, naka sakay na rin sa airplane, gusto ko na ngang matulog, inaantok pa nga ako. Magandang puwesto talaga dito malapit sa may bintana.

Natapos naman kaming kumain, kaya ito ako ngayon, nanonood lang kung ano-ano lang, na boboring kasi ako, hindi nga alam kung ano bang gusto kong gawin, hindi rin ako maka tulog ng maayos.

Hindi rin ako makapag phone dahil bawal, igugol ko na lang sarili ko sa panonood ng movies, tutal magaganda naman mga palabas dito, why not?

Habang nanonood ako ay naka ramdam na ako ng antok, bigat na nga ng mata ko, dahan dahan naman pumikit ang mga mata ko, hanggang sa tuluyan na akong maka tulog.

**

DAHAN dahan ko naman iminulat ang aking mata, dahil naramdaman ko na may kumakalabit sa balikat ko. Nilingon ko naman si mommy na binibitbit na ang mga gamit.

Ang haba naman ata ng tulog ko?

I glanced at my wrist watch. The fuck? Four in the afternoon na pala? Tumayo naman ako at kinuha ko na ang maleta ko at sumunod na kila mommy bumaba.

Habang nag lalakad ako ay inaayos ko ang aking buhok, like sinusuklayan ko gamit ang mga daliri ko.

Nakakamiss naman dito sa Pilipinas.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, ng makalabas na kami sa airport ay nilanghap ko agad ang hangin dito. Kahit na alam kong mausok galing sa mga sasakyan.

Pumukaw naman ng pansin ko ang tatlong taong kumakaway. Sila ate yun ah?

Tinawag ko naman si mommy at tinuro kung na saan sila ate, kaya nilapitan na namin agad sila at sinalubong ng yakap.

Matapos ang medyo kadramahan at kumusta ay tinuro na ni ate ang kanilang ginamit na sasakyan.

Nang makarating na kami dito sa malawak na parking lot ng airport ay isinakay na namin lahat ng mga gamit namin sa loob ng sasakyan ni ate.

Finally makaka higa na ako sa kwarto ko. Nakakamiss talaga sobra.

Sumakay na kami sa sasakyan para umalis na. Hindi na rin ako makapag hintay na ma transfer sa university. namimiss ko ang mga iba kong circle of friends ko doon.

Nagkaka roon naman kami ng communication sa iba kong mga friends, pero bilang lang naman sa mga daliri ko.

But it's kinda weird, bakit kaya may nagaganap na krimen sa university na pinapasukan ko noon? Dati wala namang nagaganap na ganon ah?

What the hell is happening?

Naalala ko pa yung name na sinabi ng friend ko, isa siyang sikat, ang weird lang dahil ang bansag sa kanya ay senior high school detective.

Nag saliksik naman ako patungkol sa kanya, nakita ko naman ang pictures niya, sakto lang naman ang itsura nito, parang simple lang, doon rin pala siya nag-aaral? Feel ko, parang na meet ko na itong lalakeng ito.

Jaydon Sullivan.

Hindi ko na maalala kung saan, pero malakas ang kutob kong nag ka kilala na kaming dalawa.

--

UNSOLVED CASE (Detective Series #3)Where stories live. Discover now