LUMINGON naman ako sa katabi kong si rhianne, hindi kasi ito mapakali, lagi niyang nilalaro ang ballpen niya, minsan mahina niya itong tinutuktok sa notebook niya.
Ngayon ko nga lang siya napansin na ganyan, teka nga? Hindi kaya, dahil iyon sa subject namin ngayon? Sinilip ko naman ang sinusulat niya sa notebook niya, tama nga hinala ko.
"Nahihirapan ka ba?" Mahinang tanong ko sa kanya. Tumango naman ito, para siyang nag papanic attack. Napalingon naman ako sa white board, may activity kasing pinagagawa si professor sa amin, kaya lahat kami dito ay tahimik at abala na nag sasagot.
Bigla ko naman inagaw sa kanya ang papel niya at tinuro ko sa kanya kung paano i-solve ang problems. Hanggang sa matapos na ang lahat ay ipinasa na namin sa professor ang mga sinagutan naming activity.
Kahinaan niya pala yung math. Parang may naalala akong ganong tao. Hindi ko lang alam kung sino yung tao na iyon.
"Jay, thank you kanina. Akala ko tuloy zero na makukuha ko." Medyo may kalungkutan nitong sabi.
"If you have free time, i can teach you." Sabi ko habang inalalagay ko ang mga gamit ko sa bag ko.
"Really?" I nodded. Ramdam ko naman ang saya na may halong excitement. Mas better pa lang ganiyan na lang siya. "Okay, what about later? After class?" She asked.
"Sure. Basta sabihin mo lang sa akin kung saan." Sabi ko, sabay tumayo na sa upuan.
"Ha? Anong saan jay?" Naguguluhan na tanong nito. Tinignan ko naman ito at kinunotan ng noo.
"Baka kasi sa ilalim ka ulit ng puno mag study." Sabi ko sabay nag pamulsa. "Tara na." Pag aaya ko sa kanya. Break time na kasi. Tumayo naman siya at nag lakad na kami palabas.
"Grabe yun ha? Kaya naman doon ako nag babasa ng mga libro dahil gusto ko lang. You know trippings? Pero pwede naman sa library, I'm sure wala nang masyadong tao don mamaya." Bakit parang pamilyar yung word na iyon sakin? Napatingin naman ako kay rhianne.
Baka wala lang siguro yun.
"Okay. basta agahan na lang natin mamaya, para mahaba-haba yung time natin." Sabi ko. Nakarating na kami ng cafeteria. pumasok naman kami at dumiretso na kami ng counter at nag order na.
Nang makuha na namin ang order namin. Nilapitan naman namin sila aiden at tiara, teka bakit sila lang nandito? Umupo naman agad kaming dalawa.
"Na saan sila?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Si summer na sa library." Sagot ni tiara sabay humigop sa hawak niyang shake.
"Kasama niya kapatid mo." Sambit naman nito ni aiden, sabay kumagat ng burger. Tumango na lang ako bilang tugon. Kinuha ko naman yung burger ko at inalis ang balot nito.
"Mukhang hindi na kayo na iilang sa isa't Isa."
"Ha?"
"Ha?"
Bigla namang natawa sila aiden, ano namang nakakatawa don? Natawa ba sila dahil sabay kaming nag salita ni rhia?
"In the past few days kasi, napapansin namin na parang nag kaka ilangan kayong dalawa. Awkward ganon." Sabi ni tiara, napansin ko naman na tahimik lang si rhia kaya tipid na lang akong nag salita.
"Hindi naman." Hindi ko nga rin alam kung bakit ganon yung pakiramdam naming dalawa. I can't explain what i feel.
Natapos naman kaming mag break time kaya, binilhan ko na lang yung kapatid ko ng snacks niya. Hindi pa kasi siya nag s-snack mula pa kanina.
YOU ARE READING
UNSOLVED CASE (Detective Series #3)
Mystery / ThrillerThe senior high school detective is back. Other mysteries, crimes, murders, clues, codes, ciphers, crack, deduction and new members and new discovery members of the organization. UNSOLVED CASE #3 Genre: Mystery-Thriller Started: 09/19/24 Finished: