PAGE 40

10 0 0
                                    

BIGLA na lang akong na alimpungatan ng marinig ko ang alarm ng digital clock ko. Pinindot ko naman ito para mawala na ang ingay, bumangon naman ako at nag unat-unat ng katawan. Nag lakad naman ako palapit sa kurtina sabay hinawi ito.

Ang haba pala ng tulog ko? Nagising ako ng alas tres y medya ng hapon.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nag tungo ako sa isang gym room, mag wowork out ako.

Natapos na akong mag work out mga kalahating minuto lang naman, bumaba na agad alo at para kumain na, nakakagutom.

Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang towel na naka sabit sa balikat ko habang palapit ako sa kusina. Bubuksan ko na sana ang refrigerator ay ng mapansin ko ang naka ipit na papel. Tinanggal ko naman ang magnet nito at tinignan ang papel, binasa ko naman ito.

Pinagluto na kita jayd, para pag gising mo, kakain ka na lang, take care jayd!

Elizabeth's hand writing, Syempre siya lang naman ang kilala kong ganito. Napalingon naman ako sa isang lalagyan, oo nga may pagkain na dito.

Parang gaya lang nung dati.

Umupo na ako at kumain na, kailangan ko pang i-handa ang mga gamit para mamaya, alam ko na ang mga galawan ng mga drug dealers. Ilan na ba kaya yung mga aalis sa listahan?

Marami na siguro. Sa dinami dami ba naman ng mga naka transactions ko, lahat sila ay nahuhulog sa patibong ko.

Natapos na akong kumain at nag linis na, nagtungo na rin ako sa banyo para linisin ang sarili ko. Ilang minuto lang ay natapos na rin naman ako, umakyat na agad ako at nag tungo na ako sa aking kwarto.

Ano kayang magandang suotin? Bahala na puro itim naman lahat ng mga damit ko.

Kinuha ko naman ang itim kong long sleeve kong polo, kasunod non ay ang gray necktie at fitted slack, natapos na akong mag suot, kinuha ko naman ang apat na silver rings ko at isinuot ito sa index finger at ring finger ko.

Humarap naman ako sa full body mirror na nasa tabi ng aking cabinet. Hinawakan ko naman ang aking tainga, tig dalawang hikaw.

Tapos na akong mag ayos, kaya kinuha ko na ang susi ng kotse ko at lumabas na sa aking kwarto at bumaba na.

Isinuot ko naman ang aking relo at kinuha na ang mga gamit na dadalhin ko, binit-bit ko ito palabas ng bahay, isang golf bag na ang laman ay isang sniper. Inilagay ko naman ito sa likod ng sasakyan. Sinunod ko na rin inilagay ang isang itim na maleta na nag lalaman ng mga drugs.

Sinarado ko na ang bahay at pumasok na sa kotse ko, pina andar ko na ito at umalis na.

**

NANG makapasok na sa loob ng sasakyan si sherdon at pina andar ko na ang kotse dahil pupuntahan ko ang isang taong magaling sa pag gamit ng sniper.

"May bumili na naman sayo, boss?" Tanong ni sherdon. Tumango na lang ako bilang sagot. "Saan daw mag me-meet up boss?" Tanong ulit nya.

"Sa five star hotel na kung saan may selebrasyon at maraming mga dadayong mga businessman doon." Sagot ko naman.

"Kung ganon boss, ang lugar na gusto nila ay ang tahimik at walang masyadong tao."

"Yeah, at doon yun sa parking place, sa pinaka baba ng building ng five star hotel." Inihinto ko naman ang sasakyan ko sa tapat isang modernong bahay. "Pupuntahan ko lang siya." I said at bumaba na ako ng sasakyan at nag door bell.

Ilang minuto pa lang ay bumukas na ang pintuan, bumungad sa'kin ang naka kunot noong mukha ng babaeng na sa harap ko.

May pag ka taray nga pero maganda naman.

UNSOLVED CASE (Detective Series #3)Where stories live. Discover now