CASE #12: Lost Her Own Treasure
(Part 2)--------------------
IF my deduction was right, malamang yun talaga ang ginawa niya para patayin niya ang biktima. Gumawa lang siya ng onting kasinungalingan sa kanyang alibi para mapaniwala niya ang lahat. Isa lang naman ang lalabas.
Ang katotohanan na nasa likod ng kasinungalingan.
Pero kailangan pa rin ng matibay na ebidensya para mapatunayan na siya talaga ang killer. Ang malaking tanong sa isip ko ay kung paano mahahanap ang ginamit na weapon ng killer?
"Mag ba-banyo lang ako." Pag papaalam ko sa kanila sabay lumabas na ng classroom. Naramdaman ko naman na sumunod rin si rhia, kaya hinayaan ko na lang.
Una kong pinuntahan ang clinic at tinanong ang nurse kung meron bang isang babaeng studyante na pumunta rito at humingi ng gamot.
"Oo. Meron ngang nag puntang babaeng studyante dito." Napatingin naman ako sa isang basurahan.
"Pwede ko bang makita yung laman ng trash can?" Tanong ko sa nurse, tumango na lang ito kahit na may bahid na pagtataka sa kanyang mukha.
Sinilip ko naman ang loob nito at hinalungkat, may mga gamit bulak at mga tissues at tape ang nandito sa basurahan, kinuha ko naman ang disposable gloves na naka lagay dito sa kabinet at sinuot ito. Patuloy pa rin ako sa pag hahalungkat hanggang sa may makapa akong bagay na matigas.
Bingo. Nandito nga.
Kinuha ko naman ito mula sa basurahan at nilagay ito sa isang plastic. Nag paalam na ako sa nurse at lumabas na ng clinic.
"Oh jay? Akala ko ba mag babanyo ka? Bakit na sa clinic ka? Kumuha ka rin ba ng gamot? At ano yung hawak mong plastic?" Sunod sunod na tanong ni rhia. Tahimik na lang akong nag lakad patingo sa comfort room ng girls.
"Hoy! Wag mo sabihin na jan ka mag babanyo jay?" Tinignan ko naman siya at pinaningkitan ng mata. Napatakip naman agad siya ng bibig. "D-don't tell me jay, you're gay?" Bigla naman sumeryoso ang mukha ko ng sabihin niya iyon.
"I'm not fucking gay." Inis na sabi ko, bigla naman itong mag pout. Tss! Nagawa pang mag pa cute.
Pumasok na ako sa loob at tinignan ang trash can dito sa loob, hinalungkat ko naman ito hanggang sa makita ko ang isang bagay na magsisilbing matibay na ebidensya. Kinuha ko naman ito at inilagay na ito sa Isang plastic.
"Let's go back." I said at naglakad na kami pabalik sa crime scene.
**
LAHAT ng mga tao rito kasama na ang mga ka pulisan ay sa akin na ang tingin, ngayon na sa akin na lahat ng atensyon nila ay sisimulan ko na ng deduction ko.
"Dalawa ang ebidensya ang nakita at nakuha ko." Sambit ko, ang iba naman ay nabigla sa sinabi ko, kabilang na sina inspector at detective.
"T-talaga? Kung ganon ipakita mo sa amin kung ano ang dalawang ebidensya na iyon, jaydon." Sabi ni inspector Marcus, tumango naman ako bilang tugo. Inangat ko naman ang isang plastic na hawak ko at pinakita ito sa kanila.
"Ito una kong nakita mula sa basurahan ng clinic."
"Teka, isang syringe!" Sigaw nila inspector sabay iniabot ko na ito sa isang pulis para ma examine nila. Napansin ko naman ang pagkabigla ng babae at ganon rin ang pag iwas ng kanyang tingin.
"Pinatay si Julius sa oras na wala na ang mga tao." Pagkasabi ko non, lahat sila ay biglang naguluhan. Kaya ipinaliwanag ko na lang sa kanila. "Ang pinupunto ko ang oras kung saan pupunta ang lahat sa cafeteria, yun ang oras ng snack. Habang abala ang iba sa pag labas, ang suspek ay nag hahanda na para sa sunod niyang hakbang at base sa deduction ko ay nag usap muna sila at pagka tapos nang pag uusap nila ay doon na niya pinatay si julius." Paliwanag ko. Napansin ko naman na naka yuko lang ang babae at tahimik lang na nakikinig.
"Kung ganon, sino ang killer?" Tanong nila inspector sa akin. Tumango ulit ako.
"Ang salarin sa pag patay kay Julius ay walang iba kundi ikaw. . ." Sabay tumingin sa isang babae. "Alvie Fetch, you're the one who killed Julius." Lahat naman ng tao ay halata ang pagka gulat nila sa sinabi ko.
"A-alvie. . ." Na uutal na sabi ni judy.
"At hindi lang naman iyon, ito pa ang isang ebidensya na mag papasalita at mag papaliwanag sa kanya." Sabay nilabas ko na sa bulsa ko ang isang plastic at inangat ito. "Pregnancy test." Napansin ko naman ang pag ka gulat ng iba ngunit naka tuon lang yung atensyon ko kay Alvie. Nakita ko naman ang pag ka gulat nito, nanlaki naman ang mata ni Alvie ng makita itong hawak ko. Lahat naman kami dito ay sa kanya na naka tuon ang tingin at hinihintay na mag salita siya.
"H-hayop sya. Hayop siya!" Nangingiyak na sigaw nito, sa tono ng kanyang pananalita ay walang dudang may halong galit ito. "P-pinag samantalahan niya ako! G-ginahasa niya ako! B-binaboy niya ako! Wala akong magawa, hindi ko kayang manlaban." Naiiyak nitong sabi.
Kaya pala.
"Nung gabing iyon, niyaya nila akong mag punta sa isang party sa bar. Kahit na ayaw kong uminom ay pinilit pa rin nila ako hanggang sa malasing ako at hindi ko namalayan na may kakaiba sa alak na pina inom nila sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari non, hanggang sa magising ako sa isang kwarto na wala ng saplot." Salaysay ni Alvie sabay napahawak naman ito sa kanyang dibdib habang nag pipigil ng luha. "A-at nakita ko si Julius na may kausap sa phone. T-tumatawa pa ito habang sinasabi niya yung salitang 'Oo pre, salamat ang sarap niya grabe' Sa nangyari na iyon. Nalaman ng mga magulang ko ang nangyari, d-dahil hindi ko alam na may kumakalat na viral video ko habang pinagsamantalahan ako ni Julius. K-kinamuhian na ako ng mga magulang ko." Sabay hagulgol nito sa pag iyak. Habang dahan dahan itong napaluhod sa sahig.
Sa nangyari sa kanya. Hindi mo rin talaga maiwasan na pumatay ng tao. Pero mali pa rin talaga ang pumatay. Dahil labag iyon sa batas. Hindi rin ikaw ang mag de-desisyon kung kailan ba dapat mamatay ang isang tao.
**
DINALA na ng mga pulis si Alvie sa presinto at nag pasalamat naman sa amin sila inspector Marcus at detective Nicholas. Ngayon ay pabalik na kami ni Rhianne at patungo kami ngayon sa cafeteria.
Kagutom.
"Grabe jay ha? Ang galing mo pala mag deduction." Seryoso ba? Namamangha siya sa'kin?
"Deduction lang naman iyon, kaya wala namang dapat ikahanga don." Sabi ko naman.
"Anong wala ka jan, ang galing mo kaya." Sabay nag pout ito. Nag papa cute ba talaga itong babaeng to? "Anyway, can i ask?" Tanong naman nito. Tumango na lang ako at sabay pumasok na kami sa loob ng cafeteria at dumiretso sa counter at nag order.
"Ano ba si alvie?" Napalingon naman ako sa kanya.
"Edi tao." Pamimilosopo ko.
"Ayusin mo naman, what i mean kung ano bang background niya ganon?" Tanong ulit nito.
Ah okay, gusto pala niyang malaman kung sino si Alvie Fetch.
Natapos na kaming mag order at pumwesto naman kami sa bakanteng upuan. Inilapag ko naman ang tray ko sa table at sabay umupo. "Si alvie fetch ay galing sa isang mayamang pamilya. Siya lang kasi ang ka isa-isang anak ng pamilyang fetch, sila rin ang may-ari ng isang malaking company na nandito sa manila. She's smart and beautiful at naging model rin si Alive, isa ring academic achiever." Kwento ko sa kanya.
"Kaya pala. sayang siya no?"
"Oo. Sayang dahil nawala sa kanya ang pag ka ingat-ingatan niya." Sagot ko naman, sabay kumagat na sa pizza na hawak ko.
Para sa Isang babae ang treasure sa kanila ay ang virginity nila, yun ang mahalagang bagay na dapat pag ka-ingatan nila.
--
YOU ARE READING
UNSOLVED CASE (Detective Series #3)
Mystery / ThrillerThe senior high school detective is back. Other mysteries, crimes, murders, clues, codes, ciphers, crack, deduction and new members and new discovery members of the organization. UNSOLVED CASE #3 Genre: Mystery-Thriller Started: 09/19/24 Finished: