CASE #12: Lost Her Own Treasure
(Part 1)————————————————————
HALF day lang kami ngayon dahil magiging busy ang mga professor dahil sa gaganapin na foundation week ngayong darating na February. Napapansin ko nga na ang bilis na ng takbo ng oras at ng panahon.
You really didn't notice it, if you were just enjoying your life.
Sa totoo lang hindi ko alam kung ano bang gusto kong gawin, na boboring na ako. Wala akong magawa. Nag lalakad lang ako. Bahala na kung saan na naman ako dalhin ng mga paa ko.
Baka naman dalhin ulit ako sa kung na saan si rhianne.
Patuloy pa rin ako sa pag lalakad hanggang sa nakita ko bigla si rhianne na may kausap na babae. Sabi ko na nga ba eh. pero napansin ko agad. Base sa expression ng mukha ng babae ay para itong nag aalala at hindi mapakali. Kayaa dali-dali naman akong lumapit sa kanila, ilang segundo lang ay sabay silang lumingon sa akin.
"Jay, she has a problem, but i don't know how to help her." Nag-aalalang sabi ni rhia sa'kin. Binalingan ko naman ng tingin yung babae.
"What happened?", i asked.
"Kuya ikaw ba yung sikat na detective? Kuya, i need help." Nag mamakaawa niyang sabi nito sakin. Pinakalma naman agad nito ni rhia.
"Just tell him if what happened, okay?" Sabi niya rito sa babae habang pinapakalma niya ito. Pero hindi rin nag tagal kumalma na rin ito.
"Y-yung boyfriend ko kasi, namatay siya." Na-iiyak na sabi niya. Napag desisyonan naman namin na puntahan ito. Kaya napadpad kami rito sa classroom nila. Maraming naka palibot na mga studyante sa labas ng classroom. Yung iba sinabihan ko silang wag hawakan at paki-alaman yung bangkay.
"Alam na ba ito ng adviser niyo?" Tanong ko sa babae. Umiling iling naman ito bago nagsalita.
"H-hindi pa." Sagot naman nito. Kinuha ko naman ang phone ko at kinontak si Detective Nicholas. Nang matapos ko ng tawagan ay binalik ko na sa aking bulsa ang phone ko.
"We will wait, until the police arrive." I said. Napalingon naman ako kay rhianne na parang may tinitignan sa bangkay.
"Ahm jay? Parang may red dot siya sa braso malapit sa ugat." Sabi nito. na curious naman ako at tinignan din ito.
She's right. May bakas nga. Hindi kaya may kung anong tinurok sa kanya?
Lumuhod naman ako ng onti at tinignan ang mukha ng bangkay. Sa position nyang ganito ay naka-upo lang siya at naka yuko. Nakita ko naman ang nangingitim na niyang labi, nakamulagat ang kanyang mga mata at naka buka ang bibig.
Hindi siya namatay, dahil merong taong pumatay sa kanya.
**
NAGSASAGAWA na ang mga pulis ng imbestigasyon tungkol sa nangyaring pagka-matay ng biktimang si Julius Iliagan, dise-otso anyos. Base sa salaysay ni Judy Salvador, dise-syete anyos. Kakatapos lang ng klase nila kaninang 11:30 dahil maagang nag pa dismissed ang professor nila, Kaya pinuntahan na niya ang kanyang boyfriend sa bandang likuran kung saan naka puwesto at naka-upo si Julius sa classroom nila. Ilang beses raw niya itong tinatawag ngunit hindi raw ito sumasagot at kinikibo kaya hinawakan niya ito sa braso at nang sa hindi inaasahan ay nagulat na lang daw siya ng maramdam niyang matigas at malamig ang braso nito.
Wala rin makakapag sabi kanila lalo na sa mga classmates niya kung ano ba ang nangyari sa biktima. Wala rin silang nasagot nung sa tinanong sila ng mga pulis kung may napansin ba silang ka hina-hinalang tao at kung sino ang may intensyon na patayin ang biktima.
Dumating naman ang ibang professor ang iba ang nagulat sa pangyayari, kinausap naman ito ng mga pulis at pinigilan na makapasok dito sa loob. Bigla naman dumating ang isang pulis officer na may hawak na clipboard na may naka ipit na papel at nilapitan si inspector.
"Inspector tapos na. Base sa pag examine namin, ang ginamit ng suspek ay ang potassium cyanide." Sabi ng autopsy. Tumango naman si inspector. I knew it. Kaya pala ganon yung amoy.
Cyanides are fast-acting poisons that can be lethal.
Napahawak naman ako sa aking baba at nag-isip. Pakiramdam ko ay may kulang. Napansin ko naman ang pag tabi sa'kin ni detective Nicholas.
"Sabi sa autopsy ay mahigit isang oras na itong namatay. So it means, dalawang oras na ngayon." Sabi ni detective Nicholas.
Isang oras? Hindi kaya yung time na iyon na kung saan lahat ng nasa loob ay lalabas?
Napalingon naman kami sa isang babaeng pinapasok ng pulis. Sa itsura nya ay matamlay ito. Napansin ko naman agad ang pasa sa braso niya, meron rin sa pulso niya.
Saan kaya nang galing yung galos at pasa niya? And why did she suddenly appear?
"At sino ka naman, miss?" Tanong agad ni inspector sa kanya.
"Classmate po nila ako. Ako po si Alvie fetch." Pag pakilala nito sa kanyang sarili. Nilingon naman ni inspector si judy.
"Totoo ba sinasabi niya, judy?" Tanong ni inspector Marcus. Tumango naman si judy.
"Opo, classmate po namin siya." Sagot naman ni Judy, tinanong naman nila detective Nicholas at ni inspector Marcus si Alvie ng kaparehong tanong lang kay judy kanina.
Sinalaysay naman nito ni Alvie ang kanyang alibi mula daw kanina, nung nag dismiss ang teacher nila ay nagtungo siya sa clinic para humingi ng gamot. Pinakita pa niya ang gamot na hiningi niya at isa itong paracetamol. Tinanong pa ulit ito nila detective Nicholas kung anong oras siyang nag punta sa clinic para humingi ng gamot, ang sagot ni Alvie ay Ten thirty-five.
Bakit parang na bobother ako? Shit! Did I not notice something? Wait, did i change?
"Anong nangyari jan sa pulso at braso mo?" Tanong ni inspector Marcus. Bigla naman itong hinawakan ni Alvie at tinakpan gamit ang kanyang kamay sabay umiling iling naman ito.
"Nabagsakan lang ito ng libro. Tsaka yung pulso ko naman na-ano lang sa bakal." Sagot naman nito. Kapansin-pansin talaga ang oag iwas ng tingin niya at pag babago ng tono ng pananalita niya.
She's hiding something.
--
YOU ARE READING
UNSOLVED CASE (Detective Series #3)
Mystery / ThrillerThe senior high school detective is back. Other mysteries, crimes, murders, clues, codes, ciphers, crack, deduction and new members and new discovery members of the organization. UNSOLVED CASE #3 Genre: Mystery-Thriller Started: 09/19/24 Finished: