PAGE 46

2 0 0
                                    

IT'S saturday now, kaya hanggang ngayon naka higa pa rin ako sa kama ko, kahit na mag tatanghali na. katamad bumangon sa higaan. Kinuha ko naman ang phone ko dahil bigla itong nag vibrate. Inopen ko naman ito at binasa ang message.

Sa kapatid ko pala.

ADING

Kuyaa! Birthday pala ngayon ni lola. Sama kaba mag shopping? Bibili ng regalo para sa kanya.

Recieved at 11:30am

Bigla ko tuloy na alala si manang, siya yung matagal ng naninilbihan sa amin. Ilang taon na rin siyang nag tatrabaho sa amin.

20 years at ngayon ay 56th birthday na niya.

Naging parte na rin namin siya ng pamilya namin kaya lola yung tawag ni ading marie kay manang. Buwan-buwan umu-uwi si manang sa kanila sa probinsya. May pamilya rin kasi siyang na iwan don. Namatay na rin ang kanyang asawa dahil sa isang sakit, yun rin ang naging pasyente ni mom dati.

Kaya nag decide sila mom na bigyan ng trabaho si manang at yun nga. Ayaw na nga ring pa-alisin nila si manang kahit na uuwi lang naman siya ng probinsya.

Bumangon na ako sa higaan ko at nag unat unat ng katawan. Pambihira talaga tong si aiden, ang aga nyang nagising kanina, inaya pa nga akong mag jogging. Hindi ko nga alam kung ano bang nakain non, dahil ngayon ko lang siya nakitang ganon. Kinuha ko na ang towel ko at pumasok na sa loob ng banyo at naligo na.

Natapos na akong maligo at mag bihis kaya, kinuha ko na ang hoodie ko at yung susi ng kotse ko. Sakto namang bumukas ang pintuan at pumasok si aiden.

"Akala ko hihiga ka na lang jan mag hapon eh. Sakto pala, tara na." Sabay nauna na itong lumabas.

Kanina pa siguro sila nag hihintay.

Lumabas na rin ako at nilock na ang pintuan, nakita ko naman ang kapatid ko kasama ang iba na naka tayo sa parking lot.

"Kuya! Let's go na!!" Masiglang sabi ng kapatid ko. Grabe ang sigla nila ngayon ah? Napahinto naman ako sa pag lalakad ng makita si rhianne na nasa tabi ng kapatid ko.

"Rhia?"

"Hi jay." Bati nito sa'kin.

"Ngapala kuya, isinama ko na rin siya. Para syempre kapag mas marami, mas masaya diba? Hihi." Naku naman talaga itong kapatid kong ito. Binuksan ko na lang ang kotse ko at pumasok na sa loob.

Bale tatlo kami ngayon sa kotse ko. Ako si ading marie at si rhianne. sa kotse naman ni Aiden ay kasama niya sina tiara at summer.

Pina andar ko na ang makina ng kotse ko at lumabas na kami ng University para tumungo sa shopping mall.

**

MEDYO nabibigatan na ako dito sa mga bitbit ko, para kasing lahat na ata ng mga store dito sa shopping mall ay napuntahan na namin, sa dinami dami ba naman nilang binili. Halos ata ng pera nila ay inubos na nila. Ilang oras na rin kaming nag lilibot dito.

Lumingon naman ako kay aiden na marami rin bitbit, alam kong nabibigatan rin siya dahil yung itsura niya ay mukhang nahihirapan na. Nag papanggap pa ngang hindi nangangawit dahil lang kay tiara.

"Kuya." Napatingin naman ako sa kanya sabay tumingin rin naman ito sa katabi ko. "Aiden." Kinunot ko lang ang noo ko habang tinitignan kapatid ko. Napansin ko naman itong ngumisi kaya alam ko ng mang-aasar ito. "Ano? Ayos lang ba kayong dalawa jan? Kaya niyo pa ba?" Tanong ng kapatid ko. Sabi na eh.

"Oo naman, Hehe." Sagot naman ni Aiden. base sa tono ng boses niya ay gusto nang bumigay ng braso niya.

"Ito pa yung mga bibit-bitin niyo oh." Sabi ng kapatid ko sabay turo ng mga paper bags. Pinaningkitan ko naman ang kapatid ko, pero bale wala lang iyon dahil naka labas na sila ng store.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNSOLVED CASE (Detective Series #3)Where stories live. Discover now