Kabanata 24

23 1 1
                                    

Kabanata 24

Beg


"Huwag kang lumapit sa'kin!" I screamed at the top of my lungs when I saw him about to enter the gate.

His jaw clenched as he stood still, frozen in place like a statue. Madilim ang tingin niya sa akin, tila tinatantiya ang aking reaksyon. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng paghinga. Mahigpit kong hinigpitan ang hawak sa aking bag.

"Anong ginagawa mo rito? Huhulihin mo ba ako?!" sigaw ko sa kanya, halos mapugto ang boses sa galit.

He slowly shook his head and lowered it.

"Liar! Why would you be here, then?"

I tried to close the gate, but his grip on it stopped me from carrying out my plan.

Sinubukan niyang abutin ako. Humakbang siya, bumuka ang labi para magsalita, ngunit nang umatras ako nang lalo, hindi niya natuloy ang sasabihin.

"Huwag ka ngang lumapit sa akin!" sigaw ko.

Mariin akong napapikit sa naging asal ko. Dapat nga'y nagmamakaawa ako, hindi siya sinisigawan ng ganito. I should be begging for my life, not screaming at him and making him even angrier than he already is. My fear should have silenced me, but instead, I'm provoking the very danger I need to escape.

Huminga ako nang malalim, nagtiim-bagang habang pinipigilang pumatak ang aking mga luha. Magmakaawa ka, Rhaella! Dapat kang magmakaawa para sa buhay mo.

"I'm sorry..." I began. "...I-I know I deceived you, I lied to you, I stole from you. Pero hindi ko talaga ginusto 'yun! Maniwala ka. Hindi ko ginustong gawin 'yon!"

Muling namuo ang mga luha sa aking mga mata. Pinaghalong takot at kaba ang bumalot sa akin. Pakiramdam ko, ano mang oras ngayon, ipapakulong na niya ako. Ano man ang dahilan ng pagpunta niya rito, nasisiguro ko na kung ano ang pakay niya.

"I swear! I swear! Hindi ako ang pumatay sa mommy ko! Hindi ko magagawa iyon!"

"I'm not here because of the crime you were accused of—"

He opened his mouth to speak again, but I was determined to escape.

"Kung totoo ang sinasabi mo, hayaan mo akong umalis ngayon!"

"Baby..." he said softly that I could barely hear him.

"Please! Tobias! Hayaan mo na akong tumakas. Hindi mo ako pwedeng ikulong ikamamatay ko iyon!"

His jaw clenched at the mere mention of death. He ignored me when I shouted again, "Wag kang lalapit!" I screamed desperately, but he was deaf to my pleas and continued to walk closer to me.

Isang kabig sa akin agad akong pumailalam sa kanyang mga yakap.

"I won't let that happen. I'm here to protect you."

Umiling iling ako. Tinulak ko siya upang makawala sa mga yakap niya'ng para akong hinihele.

"Sinungaling ka! You just wanted revenge! You wanted to get even because I hurt your ego!"

"You never hurt anything but my heart, Rhaella."

"Galit ka sa akin dahil sa panloloko ko kaya ka nandito ngayon para hulihin ako at pagbayaran ang mga kasalanan ko! Hindi ako bobo, Tobias para hindi malaman kung anong pakay mo't nandito ka!"

Huminga siya ng malalim.

"My family owns a land and has a house in Negros, but Heath is the one managing our business. Since he's busy with his wife, I came to check-"

"Sinungaling!"

"I'm not lying to you," he said gently.

His thumb brushed against my cheek, and I flinched at the contact, a wave of butterflies flooding my stomach as a mix of fear and unexpected warmth coursed through me.

Whisper of Shadows (Higuera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon