Kabanata 22
Conditions
Simula ng araw na iyon palagi na akong hinahatiran ng pagkain ni aling Adeline. I was eating healthy foods for three weeks straight and in return, I've been helping her tend to her garden, nurturing the plants and learning the art of gardening along the way.
I take on all the heavy lifting while I let her sit on the chair to rest. Hindi ko na siya puwedeng pagbuhatin ng mabibigat na bagay dahil masyado na siyang matanda.
"Dyan, igilid mo pa, sa kaliwa mo."
Sinunod ko ang gusto niyang pwesto ng kanyang panibagong dahon na halaman. Nilubong ko ang ugat jito at tinabunan agad ng lupa.
Pagkatapos ko sa trabaho ito ako tumutulong sa pag garden niya. Minsan pag linggo walang trabaho tinutulungan ko siya sa pagluto minsan paglinis na rin ng kanyang bahay.
Apat na linggo ko na itong ginagawa. Tatlong buwan na rin ako rito at wala naman akong naramdamang kakaiba. Sana magtuloy-tuloy na, kasi nagugustuhan ko na rin ang paninirahan dito.
Pagpasok ko sa kwarto, agad kong narinig ang tunog ng cellphone—yung pinadala ni papa. Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling kinuha ang cellphone na nakapatong sa lamesa.
Sinagot ko ito agad at inilapit sa tenga, hinihintay kong magsalita si papa.
"Anak?"
The moment I heard his voice, I couldn't hold back the tears and broke down completely.
"Bakit ngayon ka lang tumawag papa?!"
Ilang beses na ba akong umiyak sa kuwento na 'to? Hindi ko na nga mabilang!
"Pasensya ka na, anak. Ilang buwan na rin akong sinusundan ng mga tauhan ni Antonio. Hindi ko magawang tawagan ka dahil baka mas mapahamak ka at malagay ako sa alinlangin. "
"Naka alis na po ba sila?" I figured as much since he was able to call me without hesitation.
"Oo, nagtaka nga ako kaninang umaga nang makita kong umaalis sila."
Nakahinga ako ng maluwag, parang naalis ang isang malaking bato mula sa aking dibdib at biglang nawala ang bigat nito.
"Si Mommy, Papa? Nandiyan na ba si Mommy?"
A deafening silence came through on the other end of the line. The silence spoke volumes, giving me the answer to my questions.
"Baka masyadong mahigpit ang seguridad sa mansyon ngayon at hindi makatakas si Mommy," paliwanag ko.
"Luluwas ako bukas ng Manila at susubukan kong iligtas si Rhia. Ngayong umalis na ang mga tauhan ni Antonio, malaya ko nang maipapatupad ang plano ko."
Tahimik akong nakinig sa kanya habang pinupunasan ang aking mga luha.
"Pag nakuha ko na si Rhia, tatakas tayo at tutungo tayo sa Mindanao."
Pinagdikit ko ang aking mga labi at tumango. "Wala ka po bang kakilala na pwedeng makatulong sa atin? Papa?"
"I already asked for help from people I know, but as soon as they heard Antonio's name, they all backed out."
Pumikit ako ng mariin at napahilot ng sentido. The only families that are not afraid of my father are the Higuera's, Salvador's, and Romero's. I've heard that the Romero's have a private army that handles secret missions across the country. Their network and resources might be our best shot at getting help.
BINABASA MO ANG
Whisper of Shadows (Higuera Series #3)
RomansaAs their worlds collide and passions ignite, "Whisper of Shadows" explores the fragile boundary between love and betrayal, duty and desire, in a story where every whispered secret and stolen moment could tip the scales of power forever.