A Rift Between Siblings
----
Pagdating ko sa bahay, ramdam kong may mabigat na hangin sa paligid. Si Antonio ay nakatayo sa sala, nakasandal sa haligi at nakaakbay ang isang kamay sa likod ng kanyang ulo, mukhang galit at may malalim na iniisip. Nang makita niya ako, agad siyang lumapit, at alam kong may hindi magandang mangyayari.
"Kiara," mariing sabi niya, "Ano na naman ang ginagawa nyo ni Lorenzo? Bakit lagi mo siyang kasama at kinakausap nang palihim? akala mo di ko alam?"
Napatigil ako. Hindi ako handang sagutin ang tanong na iyon, lalo na't alam kong hindi niya maintindihan. Pero kailangan ko nang magsabi ng totoo, o kahit kalahati nito. Huminga ako nang malalim, at sa kabang nararamdaman ko, pilit kong isiniksik sa isip ko ang mga bagay na gustong kong sabihin.
"Huwag ka nang magkunwaring wala kang alam, Antonio," sagot ko. "May mga bagay na kailangan kong gawin para sa bayan na hindi mo lubos na naiintindihan."
Nagulat siya. Halatang hindi siya sanay na may tumutol sa mga salita niya, lalo na mula sa akin. "Para sa bayan? Alam mo bang delikado ang pakikisalamuha kay Lorenzo? Baka kahit ikaw ay mapahamak dahil sa kanya!"
Tumibok nang mabilis ang puso ko sa sinabi niya. Bawat salita niya'y tila may kurot sa akin, pero hindi ko mapigilang ipagtanggol si Lorenzo. Hindi ganito ang nakita kong mukha ng binatang sinisisi niya; ang nakita ko ay isang lalaking may malasakit at may natatagong kabutihan sa puso.
"Hindi mo siya kilala, Antonio," mahina kong sabi, pero buo ang paniniwala. "Alam kong may mga nagawang mali si Lorenzo, pero hindi siya ang iniisip mong masamang tao. Marami kang hindi alam, at hindi mo siya kailangang husgahan ng gano'n lang."
Tumingin siya sa akin nang matalim, ngunit sa likod ng galit niya, nakita ko ang sakit. "Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Lorenzo? Bakit mo siya ipinagtatanggol ng ganyan? Alam mo ba kung anong klaseng tao siya?"
Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang damdaming unti-unting nabubuo sa puso ko. Kaya't binitawan ko na lang ang mga salitang matagal ko nang gustong sabihin sa kanya. "Oo, Antonio... Siguro nga mahal ko na siya."
Napansin ko ang gulat sa mukha niya. Parang hindi niya matanggap ang narinig mula sa akin, ang kapatid niyang akala niya ay palaging susunod sa kagustuhan niya, palaging nakikinig sa kanyang mga payo.
"Hindi maaari, Kiara," sabi niya, tila hindi makapaniwala. "Alam mo bang mali iyon? Sa tingin mo ba, ang pamilya natin ay makakayang tanggapin ang mga ginagawa mo? Huwag mong hayaan na sirain ni Lorenzo ang buhay mo, Kiara. Huwag mong hayaan na ang mga bagay na hindi mo naiintindihan ang maging dahilan ng kapahamakan mo."
Pero hindi ako papayag. "Sino ka para magdesisyon para sa akin, Antonio? Mahal kita bilang kuya, pero hindi ibig sabihin na lagi kitang susundin. May mga bagay na kailangan kong ipaglaban. Kung ang pagmamahal na nararamdaman ko kay Lorenzo ay mali, bakit ganito ang puso ko? Bakit ko nararamdaman na tama siya, na siya lang ang nakakaintindi sa akin?"
Huminga nang malalim si Antonio, halatang hirap na hirap na intindihin ang mga pinagdadaanan ko. "Hindi mo pa ba naiisip ang sakripisyo ng ating pamilya? Ang delikadong kalagayan natin sa bayan na ito? Hindi ka lang basta isang Valintin, Kiara. Ikaw ay bahagi ng ating pamilya na may obligasyon sa mga tao."
Parang may mabigat na bagay na bumagsak sa puso ko. Alam kong mahal ko ang pamilya ko, at mahalaga ang obligasyon ko, pero paano kung ang nararamdaman ko kay Lorenzo ang tunay na dahilan kung bakit ako narito? Bawat galaw niya, bawat salitang binibitawan niya, at bawat pagkakataong magkasama kami ay nagiging mas mahalaga kaysa kahit anong tungkulin.
Ngunit sa kabila ng lahat ng argumento at galit sa aming pagitan, naroon pa rin ang pag-alalang nasa likod ng mga mata ni Antonio. Alam kong iniisip lang niya ang kaligtasan ko, na baka mapahamak ako dahil kay Lorenzo. Pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang damdaming hindi ko rin lubos na naiintindihan.
"Antonio... Alam kong mahal mo ako bilang kapatid, pero ang pagmamahal mo sa akin ay hindi sapat para pilitin mo akong iwan ang taong mahal ko. Ang pag-ibig na ito... baka ito ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Patawarin mo ako kung hindi mo ako maintindihan, pero hindi ko kayang isuko si Lorenzo para sa kahit ano."
Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Antonio, ngunit hindi na siya sumagot. Tumalikod siya at lumakad palabas ng kwarto, iniwan akong nag-iisa, basag at naguguluhan.
Sa sandaling iyon, alam kong may puwang na sa pagitan namin na mahirap nang takpan.
---
to be continued.....
pls do vote! comment! and Follow! thank you!
BINABASA MO ANG
Kiara Valintin : The Male Lead's Sister (Under Major Editing)
FantasyWhat will you do if you will be Transmigrated in a novel you really hate? worst in a timeline when the Philippines was still under Spanish colonial rule!!? This is a work of fiction Genre: Fantasy, Romance, & Comedy Language: Tagalog-English Written...