A Disgusting Discovery
-----
Alas-sais ng gabi at nasa kama ako, nakababad sa screen ng aking cellphone. Sa dami ng libro sa mundo, kung bakit ba naman napadpad ang kamay ko sa January Blues?
Isa itong nobelang walang katapusang drama at mga karakter na nakakabuwisit. Ang babaeng bida? Sobrang perfect, sobrang inosente—akala mo walang ibang gagawin sa buhay kundi maging hopelessly in love.
At 'yung lalaking bida? Puro charm, pero sa tingin ko'y walang ibang plano kundi paikot-ikutin ang mundo ng babae. At ang pinaka-ayaw ko? 'Yung villain. Siya ang laging sinisisi sa lahat, kahit hindi naman siya ang may gawa ng lahat ng kasamaan.
"Bakit ba pinilit ko pang basahin 'to?" bulong ko sa sarili habang sinasara ang libro. Nakakainis na nga, pero di ko maiwasan—ayokong bitawan. January Blues ang uri ng librong ayoko pero 'di ko maiwasang tapusin. Habang nagmumura sa isip, pinikit ko ang mata ko, hoping I could erase the characters from my memory.
Ngunit nang muling bumukas ko ang mga mata ko, tila ibang mundo ang nasa paligid ko. Una kong napansin ang makakapal na kurtina sa gilid ng higaan ko—kulay burgundy, mala-velvet ang tela, at ang bigat ng pagkakaguhit ng bawat fold, na para bang nasa loob ako ng lumang kastilyo.
Hindi ito ang kwarto ko.
Kinilabutan ako. Ang mga bintana sa gilid ay may makakapal na frame ng kahoy na tila yari sa narra, at may mga ukit ng mga bulaklak at mga dahon na sobrang detalyado, tila gawang-kamay.
Pinilit kong tumayo at hinipo ang bedsheet, na sobrang lambot at makinis. Linen. Kulay puti at burdado ng mga ginintuang sinulid. Kung saan man ako naroroon ngayon, hindi ito isang ordinaryong lugar.
Nasa kalagitnaan ng pagkapako sa gulat ang aking isip nang mapansin ko ang aking mga kamay—mas maputi, mas makinis, at mas mahaba ang mga daliri kaysa dati. Hinipo ko ang mukha ko at napansin kong wala ang mga pimple sa aking baba, at tila mas maliit ang aking ilong.
"A-Ano 'to?!" Napalunok ako at bumalikwas patayo, napasigaw ako sa pagkataranta. "Ano'ng nangyari sa akin?!"
Bumalik ako sa kama at tumingin sa paligid. Sa tabi ng higaan, may malaking salamin na naka-frame ng kahoy. Hindi ko pa man nais na tingnan, lumapit na ako, at nang masilayan ko ang repleksyon ko, nanigas ang aking katawan.
Sa salamin, hindi ako ang nakikita ko. Isang batang babae ang nakatayo roon, ang kutis niya ay mas makinis kaysa sa balat ko, at ang buhok niya ay mahaba, kulot, at kulay tsokolate. Nakasuot siya ng puting blouse na may palamuti sa gilid, may manggas na lace, at may suot na palda na mahaba at tila makaluma.
Sa huli kong tingin, nakita ko ang mga mata niya—o tama bang sabihin na mata ko—kasing-lalim ng dagat at parang may kwentong pilit na tinatago.
"Hindi... imposible!" bulong ko, hinahabol ang hininga. Biglang bumalik sa alaala ko ang mga karakter sa January Blues. At ang mukha na nakikita ko ngayon sa salamin ay hindi lang pamilyar—siya ang kapatid ng male lead, si Kiara Valintin.
"Ano 'to?!" sabi ko habang sinasakal ako ng kaba. "Bakit ako napunta rito?!"
Hindi ko alam kung paano nangyari ito, pero isa lang ang malinaw: Ako ngayon si Kiara Valintin, at nasa loob ako ng kwento na pinaka-kinaiinisan ko sa lahat ng libro sa buong mundo.
Agad akong napaupo, tila hindi pa rin makapaniwala. Paano ako napunta rito? Hindi ako si Kiara Valintin! Ayokong maging bahagi ng librong 'to, at ayoko kay Kiara. Siya ang tipo ng character na lagi kong iniirapan tuwing binabasa ko ang mga eksena niya. Isa siyang side character, walang silbi kundi maging "supportive sister" ng male lead. Sino ba ang gugustuhin maging siya?
Habang bumabalik sa isip ko ang kwento, naisip kong may paraan para makalabas ako rito. Kung hindi ako mag-iintervene, kung gagalaw ayon sa storya, baka bumalik ako sa tunay kong buhay.
Oo, hindi ako kikilos. Magmamasid lang ako. Bahala na silang lahat dito. Hangga't maari, hindi ako magpapakita kay Antonio o kay Victoria o kahit kay Lorenzo Santos, ang villain na pinagkaisipan kong mabuti bago ako napunta rito. Hindi naman ako bahagi ng kwento, eh! Ako ang nagbabasa, hindi 'yung binabasa!
Pero bago pa man ako makatayo, bumukas ang pinto, at isang batang babae na tila nasa sampung taong gulang ang pumasok. Napahinto siya at napatingin sa akin, para bang nagulat sa aking itsura.
"Señorita Kiara, mabuti naman at gising na kayo! Ang tagal niyong natulog. Akala nga namin kung anong nangyari na sa inyo," aniya, habang dahan-dahang lumapit at tinutulungan akong tumayo. Mukhang isang alalay siya sa bahay na ito.
"Ah, oo... eh... mabuti naman ako," sagot ko nang hindi sigurado, pilit na inuunawa ang mga nangyayari. Ngunit sa isip ko, isa lang ang sigurado: sa pagkakataong ito, kailangan kong magpanggap na ako nga si Kiara. Kailangan kong maging maingat, dahil alam kong ang bawat kilos ko ay maaaring magpakawala sa akin sa mundong 'to, o tuluyan akong maipit dito magpakailanman.
--------
to be continue..........
please do vote! comment, and follow thank you!
BINABASA MO ANG
Kiara Valintin : The Male Lead's Sister (Under Major Editing)
FantasíaWhat will you do if you will be Transmigrated in a novel you really hate? worst in a timeline when the Philippines was still under Spanish colonial rule!!? This is a work of fiction Genre: Fantasy, Romance, & Comedy Language: Tagalog-English Written...