Chapter 1 - Neumun(New 'Wo'Man)

195 8 0
                                    

CHAPTER 1
Neumun(New 'Wo'Man)

Third Person POV: Philippines Airport

Kakarating lang ng apat sa Philippines Airport ng 6am at ang kanilang sundo ay dadating ng 7am kaya pag desisyonan muna ng apat na mag hintay sa waiting area. Pag dating ng apat sa waiting area ay nakaramdam si Gerald sa tyan niya.

"Nagugutom nako" pagpaparinig ni Gerald sa mga kasama niya ngunit hindi siya nito pinansin ng mga to. "Nagugutom nako!" nilakasan niya ng konti ang boses nito para marinig siya ng mga to pero hindi parin siya pinansin, "Na-" akmang uulitin pa sana niya nang pasukan ng tissue ang bunganga nito kaya naputol ang sasabihin niya.

"Deserve! Ingay mo kasi ka aga aga eii" sabi ni Josh at nag apir sila ni Colex at nagtawanan sa ginawa ni Mikee habang si Gerald naka nguso lang na parang bata na hindi pinagbigyan. "Palagi ka naman kasing gutom 'Geraldine'" tawang sabi ni Colex na pang asar nito "'Gerardine' amp" bulong ni Gerald sa sarili niya.

Mga ilang minuto tiningnan ni Mikee ang relo nito at 6:15 palang, tumayo si Mikee at akmang aalis pero tinanong siya ni Colex. "San ka pupunta Mikee?" Tanong nito habang natingin sa cellphone nito "Sa cr iihi lang, pabantayan muna ako ng gamit ko." malamig na tugon nito at umalis at hindi na hinintay ang sagot ng kasama "Hayst, lamig talaga non pag di pa nagbago yun ililibing ko yun sa Ice Land para tumigas na talaga." bulong nito sa sarili pero bahagyang narinig ng dalawa at natawa.

"Wala pa kasing nag papainit sa kaniya at ate Colex kaya ganon" makahulugang sabi ni Josh at itinaas baba ang kilay nito pero binatukan naman to ni Gerald. "Tarantado ka talaga Josh, pasmado talaga bibig mo walang preno!" napatingin naman agad si Josh kay Gerald "Aray! Hiyang hiya naman ako sa taong palaging pasmado bibig!" napailing nalang si Colex sa asaran ng dalawa at binalik attention niya sa cellphone niya.




Mikee's POV:

Kakatapos ko mag cr at paglabas ko ay na pag-isipan kong bumili ng makakain ko at pati din ng mga kasama ko, kahit sana'y kami hindi kumain ng ilang araw gawa din sa strict die at training namin everyday ay gutom nagugutom padin kami.

Nakarating ako sa Jollibee at pumunta ako ng counter para bumili ng breakfast namin. "Good Morning maam, may I take your order?" sabi sa akin ng cashier ng nakangiti at nginitian ko ito ng balik at pilit kasi naiilang ako sa tingin niya. "Ahmm.... Ano nga po miss apat Cheesy Yum Burger, apat na Coffee, apat na Fries at Cokefloat." malamig kong tugon dito at kinuha yung wallet ko sa likod na bulsa ko.

"Is that all po ba?" sabi ng babae sabay kindat sa akin "Yes that's all and take out." malamig na tugon ko dito "Landi amp" sabi ko sa sarili ko at binayaran ko ang order ko at tumalikod para hitayin ang order ko bahagyang bumulong yung cashier "Poganda sana kaso ang sungit, hayst!" narinig ko ito ngunit hindi ko nalang pinansin.

Mga ilang minuto ay tinawag na yung order ko at lumapit nako para kunin na ito at umalis na sa lugar dahil pinagtitinginan ako ng mga tao nang biglang may humawak din ng order ko. Tiningnan ko ang mukha ng aagaw sa order ko nang nakita ko ito ay biglang huminto yung limang segundo yung puso ko, dahil sa mukha niyang maamo, natural ang kaniyang facial make up and yung malambot niyang kamay.

Double LifeWhere stories live. Discover now