Chapter 25
It's Liam, Who Do You Think Is Gonna Be?Third Person POV: Cuneta Astrodome - Dance Competition
Lumipas ang isang buwan ay dumating araw ng dance competition na sinalihan ng dance group nila Alfea at Liam.
"Anak ka ng- Alfea umupo ka nga muna kanina pako na hihilo sayo eii!" sambit ni Liam.
"Sorry kuya kinakabahan kasi ako eii!" sambit nito habang umupo at tumayo ulit. Hinawakan na ni Liam ng balikat nito at hinila sa tabi nito.
"Taranta-do, antagal tagal mo nang nasayaw ngayon kapa kinabahan?!" sambit ni Liam dito at inirapan lang siya ni Alfea.
"Hay nako Liam ganiyan talaga yan palaging kabado bente yan bago palagi mag perform" natatawang sambit ng isa sa mga kasamahan nila.
"Oo nga kuya Liam palaging parang mamatay na sisiw si Alfea dahil sa kaba" gatong pa ng kasama nila kaya bahagyang natawa naman si Liam.
"Kuya naman eii! Nakikisali pa patidin kita mamaya sa stage eii!" sambit ni Alfea habang naka nguso sa kapatid nito at nagtawanan naman silang lahat dahil dito.
Sa kabilang banda naman sa ibang parte ng Cuneta nandon naman sila Aime.
"From the top tayo" sambit ni Stephanie "Na naman?! Steph pwede ba magpahinga muna tayo? Pagod nako eii!" sambit ni Josh.
"Manahimik ka jan ha!" sambit ni Samantha.
"Tangi pe- Oo nga ito na on the top na nga eii" putol na sambit ni Josh nang panlisikan siya ng mata ni Samantha at nagtawanan naman si Colex at Gerald.
"Kayo anong tinatawa tawa niyo jan?!" taray na sambit nila Mary at Stephanie.
"Wa-wala!" utal na sambit nila Colex at Gerald "Mga under amputa" bulong ni Mikki at binato naman si Josh ng pawis na panyo.
"Kadiri ka gago!" sambit ni Mikki dito "Tumigil na nga kayo" sambit ni Jaz sa kanila.
"Aime bakit mopa kasi kami kunuha na extra na dancer para sa sinalihan na dance competition ng company mo?" sambit ni Colex.
"Oo nga hindi naman kami marurunong sumayaw eii" sambit ni Josh.
"Hayst... Kesa naman na tumambay kayo ng tumambay sa mga opisina namin sumali nalang kayo dito" sambit ni Aime.
"Oo nga simula nang inassign nalang kayo ni President Hidalgo sa bilang bodyguard nila maam Aime, eii wala na nga binigay na bagong misyon sa inyo simula nang na tanggap natin na patay na sila Jeremy at Maki.... Nadamay pako sa inyo" kamot na sambit ni Mikki.
"Anak ng-" akmang babatukan nila Josh at Gerald si Mikki at inawat na sila ni Aime.
"Tama na yan balik practice na tayo para naman manalo tayo thirty minutes nalang mag sisimula na ang competition eii" sambit nito at nagsimula sila mag practice lumipas ang ilang pasada ay nagpahinga nadin sila habang hinihintay na tawagin sila.
•
•
•
Aime's POV:Matapos ng ilang pasada ay nagpahinga nadin kami ten minutes nalang din kasi mag sisimula na din kasi yung competition at kung iniisip niyo kung paano kami na punta sa gantong event.
So to begin with meron kasi kaming isang foundation na gusto naming tulungan kaso kailangan ng malaking halaga 50 million ang kailangan namin.
Anlaki diba? Even though na kaming apat nila Mary ay kilala sa bansa hindi parin kaya ng yaman namin kahit ipagsasama sama para mabuo, eii lahati lang din kasi kaya namin maibigay buti nalang ang premyo sa competition nato at 25 million kaya napagdisisyonan namin sumali.
YOU ARE READING
Double Life
ActionIsang tao na may dalawang pagkatao at may madilim na nakaraan. Sasabak sa isang mission na magbibigay sagot sa tanong ng buhay, ngunit isang araw dahil sa isang babae magbabago ang lahat at maaaring magbibigay liwanag sa madilim niyang buhay? This s...