Chapter 11 - EK Date? ft. Samtin

452 20 3
                                    

Chapter 11
EK Date? ft. Samtin

Josh's(Justin) POV:

Dumating ako sa office ni Ms. Samantha at nandito lang ako sa labas ng office nito habang hinihintay ang update kay tito tungkol kila mama at papa.

Nagpatulong ako kay tito para malaman kung buhay pa sila o hindi. Nabalik ako sa ulirat nang may tumapik sa balikan ko.

"Hoy! Ayos ka lang?" sambit ni Samantha at tumango lang ako.

"Parang wala ka ata sa wisyo ngayon? Kadalasan kasi masigla ka eii" dagdag nito habang naglalakad kami papunta sa meeting room ng office building nito.

"May iniisip lang ako" pilit kong ngiting sambit.

"Ahh cge, wait mo lang ako dito after ng meeting samahan moko" sambit nito bago pumasok sa loob ng meeting room.

Halos mag alas dose nang matapos ang meeting nila Samantha at naglabasan na ang mga kameeting nito sa loob ng room.

Mga ilang minuto lumabas siya kasama ng isang lalaki na pinaka ayaw ko makita na kasama niya.

"Xavier, salamat sa pagpili ng resto ko bilang shooting place sa music video na idederekt mo ha?" masayang sambit ni Samantha.

"Nako wala yun basta ikaw" sambit nito at hinalikan ang kamay ni Samantha.

"Gago!" ubong sambit ko at tumingin naman sila sa akin "May sinasabi ka Justin?" tanong ni Samantha.

"Wala po nasamid lang po" sarkastikong sambit ko.

"Nga pala Sam, baka free ka today I would like to have lunch with you sana?" sambit nito.

"Presko nitong hayup nato?!" bulong ko "Ah.... Pasensya na Xavier may kadate ako ngayon eii!" sambit ni Samantha na ikinagulat ko.

"DATE!!" malakas na sambit ko at tumingin sila sa akin "Shit! Nakakahiya masyado kang halata Justin!" sambit ko sa isip ko at hinawakan ko ang earpiece ko.

"May date ka na ate Colex? Shala nag bibinatang dalaga kana grabi" palusot na sambit ko at tumalikod sa kanila

"Gago! Sino yung kadate niya?! Naiinis ako bwiset!" sabi sa sarili ko.

Narinig ko naman na sinabi ni Xavier "Well maybe next time?" sambit nito "Maybe" sambit ni Samantha at sabay na sila naglakad papuntang labas ng building office ni Samantha.

"Bye Xavier, ingat ka" sambit ni Samantha at kumaway lang si tanga "Kahit wag na" bulong ko.

"May sinasabi ka?" harap na sabi ni Samantha "Wala po! Tsk!" sambit ko na may konting insi sa boses ko.

"Alam mo ang sungit mo ngayong araw, meron kaba ngayon?" sambit nito sa akin pero hindi ko ito pinansin.

"Alam mo para mawala yung pagiging masungit mo, lika may pupuntahan tayo" sambit nito at hinawakan ang kamay ko papuntang sasakyan nito.

Double LifeWhere stories live. Discover now