Chapter 29
Cold With A Vengeful Heart⚠️
Third Person POV: Three Days AfterPapunta na ngayon ang walo sa Cebu kasama si Alfea at Mikki para don muna manatili at para makapagplano sa susunod nila na hakbang lalo na nang tinambangan sila ng tauhan ni Avanzaldo.
•
•
•
•TRIGGERING WARNING(FITAL INJURY)⚠️
-FLASHBACK-
Day Of The Outing
"Mikee sandali lang" sigaw ni Aime habang sumusunod kay Mikee nang biglang may bumaril kay Mikee na ikinatumba nito.
"MIKEE!" sabi ni Aime at lumapit ito dito.
"Aime dapa!" hirap na sambit nito dahil sa tama nito habang itinabi ni Mikee si Aime at agad na binaril ang bumaril sa kaniya.
"Mikee ayos ka lang?!" tanong ni Deej "Alfea ilayo mo si Aime dito!" sabi ni Mikee.
"Hindi! Hindi kita iiwan Mikee!" sambit ni Aime at nagsisimula mangilid ang luha nito.
"Kaya ko ang sarili ko babi magiging okay lang ako.... Alfea bilisan niyo!" sabi ni Mikee dito at biglang nag paputok si Deej dahil may mga lalaking papunta sa kanila.
"Dali na!" sigaw ni Mikee habang nakikipagpalitan ng putok sa mga lalaki at inilayo nito si Aime.
Nang malapit na sila Alfea sa camp site ay naka salubong nila sila Mikki.
"Alfea anong putok yun?!" tanong ni Mikki habang sila Colex nakasunod dito kasama ng mga kasintahan nila.
"May mga lalaki na biglang bumaril kay kuya Mikee!" sabi ni Alfea "ANO?!" sabay na sabat nila pwera sa mga babae.
"Kilala niyo kung sino?" tanong ni Colex.
"Hin—" naputol na sambit ni Alfea nang binaril niya ang isang lalaki mula sa likod nila Mikki at napatingin sila dito sa likod nila habang inilalabas ang baril nila.
"Gago! Muntik na kami don!" sabi ni Gerald "Sige na Alfea pumunta na kayo sa cottage house" sambit ni Mikki.
"Aime.... Kakailanganin moto, wag kang maging duwag manatili kang buhay para kay Mikee" dagdag ni Mikki at binigay kay Aime ang baril at umalis.
"Mary sumama na din kayo sa kanila.... Alfea ikaw na bahala sa kanila" sambit ni Colex at umalis na din ito habang sa sunod nito sila Gerald at Josh.
"Tara na mga ate don tayo" sabi ni Alfea at dali dali silang pumunta sa cottage house.
Nang makarating sila don ay agad silang nagtago sa loob at nilock ni Alfea ang pinto.
"Tago lang tayo dito hanggang maging okay na sa labas" mahinang sabi ni Alfea sa mga kasama niya.
"Ano nakita mo yung mga kasamahan na babae ng mga yon?!" sabi ng lalaki sa labas "Hindi eii" tugon ng kasama nito habang.
"Sige tingnan niyo don sa kabilang banda don titingnan namin dito sa loob nito" sambit ng lalaki at sinubukan buksan ang pinto habang si Mary ay may nakitang bat sa gilid ng sofa.
"Boss naka lock" sabi ng isa pang kasama nito at sinenyasan naman ni Alfea si Aime na ihanda ang baril nito pero umiiling lang si Aime dahil sa takot nito.
YOU ARE READING
Double Life
ActionIsang tao na may dalawang pagkatao at may madilim na nakaraan. Sasabak sa isang mission na magbibigay sagot sa tanong ng buhay, ngunit isang araw dahil sa isang babae magbabago ang lahat at maaaring magbibigay liwanag sa madilim niyang buhay? This s...