Chapter 31
Dance With RhythmThird Person POV: ANS HQ - Training Room
Ilang araw ang lumipas at nagpatuloy ang training ng mga agent para mabalik ang liksi at tamang pakikipaglaban nito at para mabalik din ang pagiging awareness nila.
Yung first ng training nila kung san nilabanan ni Fons mag isa ang anim ay don itinest kung ano ang mga kahinaan.
Kalakasan at kung gaano ba kaaware sila da movement ng kalaban nila.
"Okay, enough! Tama na muna end of training session na tayo ngayong araw!" sabi ni Fons sa anim na nag sparing.
"Aray! Aray!" sigaw ni Mikki habang binabaluktot ni Alfea ang kamay nito at binitawan ito ni Alfea.
"Magpahinga na kayo! Nga pala Alfea, Mikee may training pa tayo mamaya sa dance workshop wag kayong mawawala!" sabi ni Fons at lumabas.
"Uy sasayaw na naman pala ulit si Mikee" sambit ni Samantha habang inaabutan nito si Josh ng tubig at pinupunasan ang pawis nito.
"Pwede kaya kami manood mamaya?" tanong ni Colex.
"Oo nga gusto lang namin makita kung paano maging mukhang tanga si Mikee" natatawang sambit ni Gerald at nag apir sila ni Josh at binaato ito ni Mikee ng basang towel na pinamunas niya sa pawis niya.
"Mikee pinapaabot ni Aime" abot na sambit ni Mary ng tubig habang si Aime ay naka upo sa gilid.
"Hindi parin ba kayo nagbabati kuya?" bulong na sabi ni Alfea at umiling ang si Mikee.
"Ikaw kasi kuya eii" pagsisi ni Alfea dito.
"Luh hindi ko kasalanan na panay lapit sa akin ni Zephanie" sabi ni Mikee at naputol ang usapan nila nang dumating si Zephanie kasama ang kapatid nitong si Taneo.
"Mikee tubig oh" pag alok ni Zephanie dito.
"Hindi wag na meron nako—" naputol na sabi ni Mikee ng kunin ni Zephanie ang tubig na hawak ni Mikee at itinapon ito sa basurahan.
"Mas masarap to Mikee" ngiting sambit ni Zephanie kaya napatingin silang lahat dito.
"Zeph tara na nakakahiya ka" suway ni Taneo sa kapatid niya.
"Manahimik ka jan Tani!" sabi nito sa kapatid niya at akmang aalis na si Aime pero napahinto ito nang makita niya na ang ginawa ni Mikee.
"Anong ginagawa mo?!" gulat na sabi ni Colex, Gerald at Josh habang nakatingin sila kay Mikee na kinukuha ang tubig na pinaabot ni Aime sa basurahan.
"Sensya na Zephanie mas masarap kasi yung bigay ng girlfriend ko na tubig eii" sabi ni Mikee nang makuha niya ang tubig sa basurahan at akmang iinuman niya ito pero pinigilan siya ni Aime.
"Dugyot mo naman!" inis na sabi ni Aime at ibinalik sa basurahan ang tubig at ibinigay ang bagong tubig na galing sa bag nito sabay umalis.
Hindi naman mapigilan ni Mikee na mapangiti dahil sa ginawa ng kasintahan nito.
"Ngiti hanggang langit si gago!" sabat ni Gerald at kinuha ni Mikee ng tubig ni Zephanie na ibibigay sa kaniya at sinabuyan si Gerald kaso na damay si Colex at Mikki.
"Anak ka ng...." sabay na sambit ni Colex at Mikki "Sorry" natatawang sabi ni Mikee.
"Salamat ulit ha" dagdag nito sabay lingon sa pwesto nila Zephanie at Taneo at agad nadin na umalis para sundan si Aime dahil akmang uupakan siya ni Colex at Mikki.
YOU ARE READING
Double Life
ActionIsang tao na may dalawang pagkatao at may madilim na nakaraan. Sasabak sa isang mission na magbibigay sagot sa tanong ng buhay, ngunit isang araw dahil sa isang babae magbabago ang lahat at maaaring magbibigay liwanag sa madilim niyang buhay? This s...