Chapter 15 - Truthful Identity

440 31 2
                                    

Chapter 15
Truthful Identity

Josh's POV:

"Kayo, ayos kayo?!" iritadong sambit ni Samantha "Oo naman Sam" sabi ko dito.

"Wag mokong matawagtawag na Sam!" sambit nito habang papalapit sakin at sinampal ako at dali daling lumabas ng kwarto.

"Aray! Teka Sam wait lang" sigaw ko habang hawak ko ang pingse ko sinundan si Samantha.

"Sakit non ha! Ano naman nangyari don?" sabi ko sa isip ko habang sinusundan si Samantha.

Naabutan ko ito at hinawakan ko ang braso nito "Ano ba Justin o kung sino ka mang hinayupak ka bitawan moko!!" sambit nito at binawi ang braso nito kinuha ka naman ulit ito.

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi moko kinakausap" sambit ko dito.

"Ano gusto mo pag usapan natin ha? Na may iba kang mahal? Na hindi talaga ikaw na Justin na nagustuhan ko? Na ginawa mo lang na ipakita yung mga ginawa mo kanina kasi dahil sa lintik na agent kayo?!" sambit ni Samantha habang pinipigilan maluha nito.

"Sam..." tanging sambit ko "Alam mo, tama sila ate Aime eii! Masyado ako nagpa easy to get sayo!" ngiting sambit nito habang tumulo ang luha nito.

"Sam, let m–" naputol ang sasabihin ko ng sampalin ulit ako nito at sumabat ito.

"Explain what ha? Sabihi" pinutol ko ang sasabihin ni Sam ng halikan ko ito.

Nagpupumiglas ito pero hinigpitan ko yakap ko dito kahit tinutulak ako nito hanggang tumigil ito sa pagpiglas ng halik ko.

Bumitaw ako sa halik ko dito at hinawakan ang mukha nito.

"Sam lahat ng pinakita ko sayo kanina totoo yun, wala akong pineke don" sambit dito at hinawakan ang kamay nito.

"Bawat ngiti, bawat halik, bawat sulyap totoo yun. Kahit yung pagkatao ko bilang Justin ay peke pero yung nararamdaman ko bilang Josh Robles totoo" hinalikan ko ang kamay nito at pinunasan ko ang luha nito.

"Samantha sorry kung tinago ko ku–" napatigil ako nag sampalin ako nito.

"Yan para sa pag tago mo sa akin ng totoong ka!" sambit nito at sinampal ulit ako.

"Yan para sa paglandi mo sa babaeng yun kanina!" sambit nito at hinawakan yung kwelyo ko

"Ito naman dahil pinahulog moko sayo gago ka!" hinila ako nito at hinalikan.

"I love you Samantha Marie Sevilleja" sambit ko dito at akmang hahalikan ko ulit ito pero umiwas ito.

"Sorry, sir ang pwede kasi humalik sa akin ay si Justin Robles lang" sambit nito at nginitian ko lang ito.

"Talaga po ba? Hindi naman ata siya magagalit kung isang halik lang naman kukunin ko, diba?" sambit ko dito at hinawakan ko ang bewang nito.

"Hindi panga kita kilala tapos gusto mona humalik?" taray na sambit nito "Tsk" ngisi ko at inilapit ang mukha ko sa dito.

"I'm Josh Robles, it's nice to meet you Ms. Sevilleja" sambit ko dito at ngumiti naman ito.

"It's nice to meet you too Ms. Robles" sambit nito at akmang maglalapat na ang labi namin nang may tumawag sa akin.

"Josh!" sambit ni Trisha "Ayan na babae mo!" inis na sambit ni Samantha.

Double LifeWhere stories live. Discover now