Epilogue

1.7K 42 14
                                    

Epilogue

Third Person POV: Four Years Had Pass

"Kaiah!/Jhocie!/Nicole!/Stephen!" sigaw ng apat na babae habang hinahanap ang kanilang mga anak sa food court ng isang mall.

"Mami!/Mama!/Mommy!/Nana!" sigaw ng apat na bata habang papalapit sa kanilang mga magulang.

"San ba kayo nagpupunta kanina pa namin kayo hinahanap?!" inis na tanong ni Aime dito habang lumalapit si Kaiah dito.

"Oo nga at bakit pawis na pawis kayo?!" tanong ni Mary habang pinupunasan ang pawis si Nicole.

"At isa bakit ang dudungis niyo.... Ice Cream bato?" takang tanong ni Samantha habang tinitingnan ang mukha ng anak nito si Jhocie.

"San ba talaga kayo galing?!" tanong ni Stephanie sa mga bata habang pinupunasan ang anak nito na si Stephen.

"Anow pow asi na ita pow namin sila—" naputol na sabi ni Stephen ng batuhin siya ni Kaiah ng panyo.

"Kaiah!" suyaw ni Aime dito at tila na tigil naman si Kaiah.

"Mag sorry ka kay Stephen!" utos ni Aime dito "Sowi..." sabi ni Kaiah sa kaibigan nito "Towi in..." bulol na sabi ni Stephen dito.

"So san ba kasi kayo galing?" mahinahon na tanong ni Aime sa mga bata at tila nag tinginan lang ang mga ito.

"Oo nga at san galing yung mga kinain niyo at bakit an dungis niyo?" dagdag pa ni Mary.

"Hindi niyo ba alam na nag aalala kami sa inyo kapag basta basta kayo nawawala ha?" dagdag pa ni Samantha.

"Napapansin din namin simula nung pumunta tayo nang Disneyland nung last last month, palagi na kayo basta basta nawawala" alalang sabi ni Stephanie.

"Sowi po/Towi po" yukong paumanhin ng mga bata sa kanilang mga mama. Napa buntong hininga naman ang mga ito dahil sa mga anak nila dahil kapag palagi nila tinatanong ang mga ito kung san galing at sorry nalang ang palagi nilang sinasabi sa kanilang mga mama.

"Pinapagalitan niyo na naman mga anak niyo?" singit ng isang babae habang naka angkla ito sa braso ng kasintahan nito.

"Tita Jaz, Titow Mikki!/Ita Az, Itow Ikki!" tuwang sabi ng mga bata at lumapit ang mga ito.

"Hay nako ikaw Stephen bulol ka pa rin" natatawang sabi ni Jaz habang niyakap nito si Nicole at Jhocie.

"So bakit niyo nga pinapagalitan ang mga anak niyo ha?" tanong ni Mikki sa mga to habang binuhat nito si Kaiah at Stephen.

"Kung san naman kasi ulit nagpupunta tapos hindi pa nag papaalam" tugon ni Aime dito.

"Hay nako ganiyan talaga mga bata Aime makukulit talagang maiistress ka talaga" sabi ni Jaz dito habang hawak hawak ang kamay ng dalawang batang babae.

"Kayo kasi eii, aanak anak hindi naman pala kaya" birong sabi ni Mikki at binatukan ito ni Jaz kaya nagtawanan ang mga bata.

"Boang!" sabi ni Aime dito.

"Kaya namin kung hindi lang sana nagpaiwan yung mga kaibigan mo sa building edi may katulong kami, diba?" sarkastikong sambit ni Mary dito.

Double LifeWhere stories live. Discover now