Chapter 23 - Surreal

404 25 3
                                    

Chapter 23
Surreal

Aime's POV:

Nasa opisina ako ngayon at may tinatapos na papeles hanggang sa nakaramdam ako ng antok at iniyuko ko muna ang ulo ko na naka patong sa mga braso ko.
Mga ilang minuto na pinikit ko ang mata ko ay naka tulog na ako, nagising nalang ako sa isang boses na sobrang pamilyar na tinatawag ko.

"Aime.... Aime, gising na kanina kapa nandito oras na para umuwi" sambit nito sa akin at napatingin ako dito.

"M-mikee?" gulat na sambit ko.

"Bakit parang gulat na gulat ka babi?" tanong nito sa akin at sinubukan ko muna na tusukin ang mukha at dibdib nito kung totoo ito nang maramdaman ko na totoo ay niyakap ko agad to ng naluluha.

"Mikee...." iyak ko na sambit dito habang yakap yakap ito.

"San kaba nagpupunta? Akala ko patay kana?" dagdag ko dito.

"Oh, miss mona agad ako?" sambit nito at hinampas ko lang ng mahina ang likod nito.

"Nakukuha mo pang magbiro eii" luha kong sambit dito.

"Aww wag na iyak ang babi ko" malambing na sambit nito at humiwalay ito sa yakap at pinunasan ang luha ko.

"Wag na ikaw iyak ha, tara maaaga pa naman eii" sambit nito at hinawakan ang kamay ko.

"San mo gusto pumunta?" dagdag nito "Kahit saan basta kasama ka" sambit na yakap ko dito.

"Sige tara na babi, text ko nalang sila ate Colex na malalate ako ng uwi" sabi ni Mikee at hinawakan ang kamay ko.

"Totoo kaya to?" sambit ko sa sarili ko "O panaginip lang to?" dagdag ko sa sarili ko nakarating kami sa sasakyan at pinagbuksan ako nito pinto sa sasakyan at pumasok ako nito sa loob.

"Oh, bakit ganiyan mukha mo? Ayos ka lang ba babi?" pag-alalang tanong nito sa akin pagkatapos nito pumasok sa loob ng sasakyan at hinawakan ang kamay ko.

"Ano- Ahmm wala wala, ayos lang ako" pagdadalawang isip na sambit ko dito at ngumiti.

Ngumiti lang ito sa akin at hinigpitan ng konti ang hawak niya sa kamay ko.

"Pangako ko bago matapos ang araw nato magiging masaya ka" ngiting sambit nito at tiningnan ang relo nito.

"5pm palang, mahaba pa bago mag alas dose...." dagdag ni Mikee at tumingin ito sa akin.

"Ipromise you Ms. Arceta you will be the happiest woman in this world" sambit nito at pinaandar ang sasakyan.

Nakarating kami sa isang malawak na lupain kung saan maraming bulaklak at mga puno.

"Nandito na tayo babi" ngiting sambit nito habang pinapark ang sasakyan sa isang bahay at tinatanggal ang seat belt nito.

"Nasan ba tayo Mikee? Anong lugar to?" tanong ko dito nang pagbaba namin sa sasakyan pero ngumiti lang ito sa akin at naglakad sa malawak na lupain.

Sumunod ako dito at nanatiling tahimik ang paglalakad namin hanggang tumigil ito sa isang bulaklak na ang color ay may pagka light blue.

Sumunod ako dito at nanatiling tahimik ang paglalakad namin hanggang tumigil ito sa isang bulaklak na ang color ay may pagka light blue

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Double LifeWhere stories live. Discover now