-TWELVE

2 0 0
                                    

YUNG FEELING NA PAGGISING MO MAY BF KA NA. WAHHHHHHHHH. "

I DONNOW WHAT TO FEEL!!!!

Yung pagtingin mo sa cellphone mo na dati si Smart Alert lang nagtetext ngayon meron nang "Goodmorning bhaby. ILOVEYOU. walang space kase walang makakasingit!"

Good talaga morning ko pero di ako makapagreply wala akong load hahahahahaha

Paglabas ko ng bahay nandun na naman si BOBOY BULA. (Kung di niyo kilala paki search 😂😂😂) atleast di na pagkain nakikita ko kapag nandyan siya hahahaha.

Nakita niya ako. Ngumiti siya. Labas dimples. Argh!!!

"Hi."

"Hello"

Spell A-W-K-W-A-R-D

"Tara lakad nalang tayo. Ok lang ba?" Sabi niya.

"Sige,Ok lang naman" Malapit lang naman tsaka maaga pa! 1st time ko umalis ng bahay na di pa late hahaha

I just realized VALENTINES NGAYON. wtf?

Wala siyang bitbit. Edi shing nagexpect ako hahahaha. Pero hindi naman sa recquired pero the F first valentines namin to eh 😭

Hanggang umabot na kame sa school as in wala talaga nagsalita. Sabay lang talaga kame naglakad. Medyo nababadtrip na ako. Kaasar kase.

1st subject na namin. Tinitignan ko siya pero busy siya sa mga pinapagawa ng teacher namin. Samantalang sa labas inaayos na yung stage para sa program mamaya.

Masama ba magexpect? Masama ba umasa? Maybe nakalimutan niya. Alam ko naman gaano siya ka tutok sa studies niya eh. Kaya naiintindihan ko naman pero syempre diba medyo nakakalungkot. Hayst.

"Deisa lakas ng buntong hininga mo ah 😂 bakit ano meron?" Sabi ni Dianne

"Wala wala. Kakanta nanaman kase ako mamaya. Biglaan nanaman. Nagsasawa na ako sa mukha ko sa stage na yan." Palusot ko. Mukhang naniwala naman siya.

Maya maya break time na namin. Lumapit si Marky. Tumabi siya saken pinabayaan ko lang. Ok sabi ko kanina ok lang pero NAKAKALUNGKOT kasi talaga 😭 1st Valentines namin together eh.

"Bhaby tignan mo naman ako."

"Bakit? Sorry ah kase ahm iniisip ko lang kakantahin ko mamaya."

"Aysus kayang kaya mo yon. Dapat sanay ka na. Eto oh. Baka akala mo nakalimutan ko" sabay abot niya ng stufftoy na kulay pink na may necktie na kulay brown.

Napanganga ako "OMAYGHAD hala ang cute neto"

"Anak natin yan" sabi niya. Uminit tuloy pisngi ko sa sinabi niya.

"Kung anak natin to dapat may pangalan." Sabi ko.

"Marky jr." Sauggestion niya pero may mas maganda akong naiisip hahahaaha

"GRUMPY JR."

Hah?

"Grumpy jr. Kase lagi kang nakasimangot napaka sungit mo kaya grumpy ipapangalan ko sa kanya hahahahah"

Natapos yung break at lahat ng tampo ko sa kanya nawala dahil may anak na kami haha.

Habang naglelecture may nagbigay sakin ng tatlong love letter. Nilingon ko mga classmate namin na pinagkakaisahan ako. Galing kay Marky yung lahat ng letters. Naks effort. Bumabawi siya ah 😍

Pero mamaya ko na babasahin to bago ako matulog.

Biglang nagring ang bell ng school sign na kailangan na bumaba ng mga students para sa program. Napakaraming iba't-ibang klaseng booths ng pagkain at iba pa. Sabay kaming bumaba mula sa room namin. Di maalis yung ngiti ko.

Nakasalubong namin si Dean. Ngumiti ako sa kanya pero nag iwas siya ng tingin. Kaya pinabayaan ko nalang.

Nagstart na ang program at ako ang unang kakanta.

"Ang kantang to ay para sa mga taong nasaktan pero natuto ulit buksan ang puso nila para maranasan ulit kung gaano kasarap magmahal."

Hinahanap ko si Marky sa paligid pero di ko siya nakita habang kumakanta ako..

Nagulat nalang ako ng pagbaba ko sa stage nandon siya may dalang 3 heart shaped na lobo. Inabot niya saken to at naghiyawan kahit mga di namin kilala.

"Galing mo babe" tapos hinalikan niya yung pisngi ko. Im melting with his touch.

"Daming pasabog ah kala ko nakalimutan mo"

"Makalimutan ko na lahat wag lang ang mapasaya ka." So bolero this guy 😂

Nagpatuloy yung program habang nagikot ikot kame sa school quadrangle. Kain dito kain diyan wooohhhh life ♡

After ng program yung iba pwede na umuwi. Samantalang yung iba may klase pa. Parang kami may klase pa hahahaha. Sabi ni Marky mauuna na daw siya kaya pinabayaan ko na. Tho ayoko sana kaso ayoko naman maging masyadong clingy.

Pag-akyat namin sa room. Nakita ko si Marky kasama mga barkada niya. Wala daw kami teacher. Paglapit niya sakin may hawak siyang tatlong heartshape na box ng donuts na may tig-tatlong donut sa loob. Omayghad. Di siya masyadong prepared ah hahahah. San galing mga binibigay neto eh wala naman siya hawak kanina pang umaga?

Paglapit niya "Hala marky, Ang dami mo nang binigay. Si grumpy jr, tatlong letters ngayon may tatlong box pa ng donuts."

Ngumiti lang siya pero sa pagngiti niya labas dimples. Tunaw my heartttt ♡

Bumalik na siya sa mga kabarkada niya. Kinakantyawan tuloy kame.

Napagdesisyunan namin nila dianne na bumaba muna. Tutal wala namang teacher. Tambay tambay lang sa canteen ganern 😂

"Oi deisa malalaglag ngipin mo diyan kakangiti mo. Tago mo naman kahit konti no?" HAYST kontrabida everywhere hahahaha

Eto pala feeling kapag inlove ka no? Ang sarap. Para kahit ilang buntong hininga ilabas mo kulang paden para humupa yung feelings mo. Yung tipong parang lumutang ka sa saya. Yung parang safe ka.

May lumapit nanaman na mga younger students tatlo sila. Nagbigay silang tatlo ng red balloons na heart shape.

Inasar nanaman tuloy ako nila dianne.

KOTANG KOTA KA NA THIS DAY

Oo, kahit siya lang kotang-kota na talaga.

Nagring na yung bell. Kaya dapat na kami umakyat sa room. Yung feeling na wala akong pakealam kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao kasi sobrang ngiting tagumpay ako habang may hawak na tatlong red balloons. Hahahahahha

Naninibago ako sa sarili ko. Eto na yata yung pinakamatagal na ngumiti ako ng ganito. Yung abot sa kaluluwa.

I never thought I'll fall in-love with my competitor, my 200 pound prince, my happiness.

I love him so much.

--------------------

Long time no update haha. Been so busy. A lot has happened. Tapos na pala to hehe. I mean sa real life may ending na. Pinag iisipan ko nalang paano ko siya gagawan ng scene sa storya. yes! This is based on a real story. My own lovelife haha. So stay reading! Will update more often. Please read my 1st done short story entitled "How death gave me life." Thank yah! ♡

My 200 Pound PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon