Kakatapos lang namin pag-usapan ung tungkol sa I.P. namen.
Grabe talaga yung botchog na un! tama ba namang sobrang dame i-assign saken? 10 kame sa grupo kalahati ng I.P. inassign saken..
"Tae yan, mukhang mahihirapan ako dito ah.." naglalakad na ako sa hagdan nung ibinulong ko ito.
"pwede ka naman kasi magpatulong sakin bhaby ko eh."
grrr.. kilala ko tong nakaka-asar na boses na to eh..
"alam mo boses mo palang nakaka-asar na.." tinaasan ko siya ng kilay, badtrip kasi ako lagi sa presence nya.. di ko alam kung bakit.
"Hala, di mo ba alam? The more you hate, the more you love?" Whut?! anu ba pinagsasabi ng taong bilog na to?
"Alam mo yung NEVER?" sagot ko.
"Haha wag ka magsalita ng tapos :) umpisa pa lang ng school year oh.. malay mo dumating yung araw na ikaw mismo humiling na wag kita iwan.."
"haha mangarap ka."
---------------
pagka-uwing pagka-uwi ko ginawa ko na agad yung i.p namin.. ipapakita ko sa porkchop na yun kung gaano ako kagaling.. *insert thunder sound effects* *insert evil laugh.*
"nakaka-irita na to ah.. ang hirap naman!!!!!wahhhhhhhh!" humiga nalang ako sa kama ko... wala nang pumapasok sa utak ko eh.. mag-aapat na oras ko na pala ginagawa tong I.P. namen at mukhang malapit ko naman na ding matapos...
di naman sa pagmamalaki no... pero magmamalaki nadin ako, para kasi akong walking dictionary ng mga taong nakakakilala sakin, taga-translate, taga-edit ng mga grammar nila, taga sabi ng meaning, or synonyms and antonyms ng mga salita.. oo di ako ganun katalino pero yung pagiging english literate ko ang isa sa mga edges ko, kaya sisiw lang sakin tong pinapagawa ni Tababoy...
Totoo niyan nakakatulong pa nga sakin to eh.. kahit papano nawawala sa isip ko si Dean, kahit naman ilang buwan lang naging kami, Naging sobrang espesyal niya para sakin.. Siya ang unang beses na niligawan ako ng crush ko... siya din ang first heartbreak ko...
"Dean, di mo talaga siguro ako minahal.. kasi kung talagang minahal mo ako bakit ganito? masakit..."
"nasan ako?" tinignan ko yung paligid ko, hmm tore? walang pinto? pero may napakalaking bintana..
"deisa,deisa bring down your hair."
parang pamilyar ung boses na yun ah..woah! ang haba ng buhok ko.. pano ako naging si Rapunzel?
anyways dahil dapat ko ibaba yung buhok ko ginawa ko na para maka-akyat na yung prince charming ko! WAAAAAH! DIZIZIT!
pagkahila ng prinsipe ko sa buhok ko.. nakalbo daw ako! nabunot mula anit ung buhok ko! pagtingin ko sa baba ng tore si marky porky ung nakita ko.. NOOOOOO!
namalayan ko nalang nakatulog pala ako.. pagtingin ko sa orasan 6:45am na...
"HAYYYYY NAKO DEISA KELAN KA BA HINDI MALELATE?!!!" bago ko pa tuluyang awayin ang sarili ko, dumerederecho na ako sa pag-aayos sa sarili ko at pagpasok..
-------------
*school*
"Hahhaa Deisa ang-aga mo pa para bukas..." sabi ni jhona .
tumango naman tong si Dianne... parang may kaka-iba ngayon dito kay dianne.
"yan, may problema ba?" tinanong ko agad si dianne kesa naman tanungin nila ako bakit ako nalate. Ano sasabihin ko? na na-late ako kasi napanaginipan ko si marky? NEVER!
"ah wala" tapos yumuko na siya..
nagtinginan kami ni jhona kakaiba kasi kinikilos nila eh.
"napano un?" tanong ko kay jhona na nagkibit-balikat nalang..
"baka may kaaway?" tanong ko ulit.
"hahhahaha ewan ko nga kulet!" bakit kaya si dianne sobrang lungkot tapos tong si Jhona parang baliw naman ????
---------------
*Dianne's pov*
flashback ng kaninang umaga bago magsimula yung klase
papunta na akong school, maaga ako pumasok kasi madami kaning ginagawa ngayon, mga activities at kung anu-ano pa.. kaka-start palang ng klase pero hapit na agad mga gagawin hays..
nakalimutan ko i-text sila jhona at deisa, si jhona yung kaibigan ko mula pa nung 1st year highschool, para na nga kaming kambal nun eh tapos si deisa naman new friend lang namin yan pero parang mataagal na namin kakilala.. masaya kaming tatlo kapag magkakasama kami kasi baliw kami hehehhe
kukunin ko palang sana sa bag yung cp ko nung may nakabangga akong lalaki.
"ouch!"
"aw, sorry miss... dianne ikaw bayan?" OH EM! Si "someone who must not be named"
"ah sige mauuna na ako.." tinatawag pa niya ako pero di ko na siya nilingon.. tuloy-tuloy nalang ako sa paglakad ko ng mabilis... buti nalang di na siya sumunod... naaalala pa pala niya ako... hay ewan! may mga tao talagang pa-fall pero wala naman pala sa kanila yun...
sa pagmamadali ko mas lalo pa tuloy ako napa-aga sa school.
"DIANNE!" oh sino nanaman tumawag sakin.. wala pa sigurado yung si jhona at deisa.. late lagi pareho yun eh..
nakita ko nalang yung lalaking papalapit sakin... "oh ikaw pala daniel.. bakit?" nginitian niya lang ako... hala baliw na ba yun... tapos tumakbo na papalayo.. weird...
pagdaan ko sa garden. naalala ko lahat ng pinagsamahan namin ni "someone who must not be named" nakakamiss siya at lahat ng mga pinagsamahan namin... darating din ang araw na masasabi ko na "I can still remember the face but not the feelings anymore."
----------------
sino kaya si "someone who must not be named?"
BINABASA MO ANG
My 200 Pound Prince
Humor"Love is blind" sabi nila pero sabi ko "Love makes you see everything clearer." Know why? kasi dahil sa love mas nakikita natin ung tunay na nilalaman ng puso kesa sa gusto lang makita ng mata.. Tall,Dark and Handsome.. Huwaw! Dreamguy ng lahat ng m...