Hi everyone! This is "BASED" , I repeat "BASED" lang ah sa isang TRUE story.
Itago niyo nalang ako sa pangalang "Deisa" ..
My life is a series of unfortunate events..
Baby palang ako nung iwan ako ng "biological" mother ko.. And dahil bata pa naman ang father ko natural lang na maghanap siya ng tatayong nanay ko.. try and try until you succeed sabi nga nila di ba? Kaya ayon dumaan si una,pangalawa,pangatlo,pang-apat at pang-lima pero wala eh.. walang tumatagal sa mga "chronological" motherS ko..
Sino nga ba naman gusto magpakahirap sa isang batang hindi naman nila ka-anu-ano diba? Nung grade 3 na ako nagdecide ang papa na magtrabaho sa ibang bansa.. kaya lola ko nalang nag-alaga saken.. tsaka mga tita ko.. yung mga tita ko naman, ung isa nag-asawa na lumipat na ng bahay.. ung isa naman nagtrabaho na abroad.. tapos after ilang years pa namatay yung lola ko.. kaya nakikitira nalang kami ngayon sa tita kong nag-asawa na..
Bakit ko nakwento? wala namang nagtatanong diba? well para alam niyo lang pinag-huhugutan ko..
Takot ako sa commitment.. naniniwala ako na "nothing is permanent,except change itself!" tsaka "nothing is ment to last.." heleer! sabi nga ng kaibigan ko.. "mas matagal pang ma-expire ang sardinas na delata sa forever niyong mag-syota noh!" which is true diba?
Kaya siguro ganito attitude ko, I never settle to one, mabilis magsawa at I never put my interest to one stuff at a time... kasi I am always left ALONE.. Ayoko mapamahal sa kahit na ano or kahit na sino.. I am tough, Kayang kaya ko makipagsuntukan sa lalaki para ipagtanggol sarili ko.
But I always get what I want dahil na din sa pagsisikap ko, I trust myself.. at ako lang ang pinagkakatiwalaan ko.. Realtalk? ako lang ang hindi mang-iiwan sa sarili ko..
Anyways Dito sa school namin ako ang panglaban sa lahat ng klase ng contest na pwedeng imbentuhin para lang mawalan ng klase. LAHAT na yata nasalihan ko na.. Kapag kumakanta nga ako sa stage pati ako nauumay na sa mukha ko.. -____- nanalo kasi ako last-last year ng singing contest dito.. Eto na nga lang ata reason bakit di pa ako nakikick-out sa school kahit lagi ako naga-guidance. Pero clear ko lang di ako warfreak I just stand-up to my decisions, views and to what I believed in Minsan nga lang nayayamot ako sa mukha ng kausap ko kaya sinusuntok ko nalang sila.
Third year highschool na ako.. last year may nakilala akong guy.. This is my first time to actually try to trust someone.. His name is Dean , gitarista siya ng banda namin, naging friends kame, naging crush ko siya, nanligaw siya then POOF! naging boyfriend ko na siya.. (pang-unawa ang Poof po ay nangangahulugan ng "bigla nalang." hindi po ako umutot.. thanks.")
One week after valentines day naging kami :) 5 months na kami.. tapos eto na feeling ko eto na un! haha kasi diba crush mo eh! tapos ngaun bf mo na! haha
But then again 2 days after nung monthsary namen, HE BROKE UP WITH ME! Tae! sabi na eh! WALANG FOREVER!!
*flashback*
Canteen - umaga.
"Deisa! kanina pa kita hinahanap ah!" sabi ni aika, classmate ko last year.
"Bakit?" pagkaka-alala ko wala naman akong utang.. hmm..
"Sabi ni Dean, Break na daw kayo.."
"Ok." yan lang ung sinagot ko pero tae talaga eh! MASHAKET! Ung pumunta ung inner tao ko sa sulok ng kwarto tapos nakinig ng..
~so what's the point of all this, when you will never change.. should i be sorry?~
bumalik nalang ako sa room, nawala appetite ko.. Totoo ba Dean? totoo bang iiwan mo na ako? bakit?
*end of flashback*
grabe kaya ang ginawa ko nun.. ayun tinanong ko bakit..
*flashback ulit*
-sa basement- lunch time
"Dean, bakit? bakit ka nakikipaghiwalay? Bakit pinasabi mo pa sa iba? Bakit ngayon pa? kakastart palang ng pasukan! dahil ba nalipat ako sa 2nd section tapos ikaw nagpalipat sa 3rd section? BAhket?" tumutulo-tulo pa mga uhog ko.. MGA UHOG ok? kasi madami..
"Simple lang, Ayoko sa pagiging IMMATURE mo.." tapos tumalikod na siya at iniwan ako..
hanggang sa panaginip ko paulit-ulit ang salitang un..
*flashback sa flashback *
"Simple lang, Ayoko sa pagiging IMMATURE mo..
IMMATURE
IMMATURE
IMMATURE
IMMATURE
IMMATURE
WAAAAAAHHH!
*end of flashback sa flashback.*
*end of flashback.*
BINABASA MO ANG
My 200 Pound Prince
Humor"Love is blind" sabi nila pero sabi ko "Love makes you see everything clearer." Know why? kasi dahil sa love mas nakikita natin ung tunay na nilalaman ng puso kesa sa gusto lang makita ng mata.. Tall,Dark and Handsome.. Huwaw! Dreamguy ng lahat ng m...