Dispatch 2 : Echoes of Fear

13 7 1
                                    

─────────────────────

March 16, 2024

Umaga na naman at hindi ko na maalis ang kaba sa dibdib ko. Kahit anong gawin ko, naiisip ko pa rin ang mensahe galing sa Echo. "Anong pakiramdam ng maging invisible?" Ang tanong na 'yun ay parang echo na bumabalik sa isip ko, nagsasanhi ng takot na hindi ko maipaliwanag.

Pagdating ko sa school, mas maraming estudyante ang nag-uusap tungkol sa Echo.

"May nakita ka na bang mga posts sa app?" tanong ni Aiden habang sabay kaming naglalakad papunta sa classroom.

"Uh, wala pa," sagot ko, kahit sa loob ko merong pag-aalinlangan. "Busy ako sa... mga assignments." Pero ang totoo, nahihiya akong ipaalam ang totoo kong nararamdaman.

Habang nag-uumpisa na ang klase, nakaupo ako sa likod, nakatuon ang isip ko sa mga natanggap kong mga messages nung nakaraan.

"Alam mo, Kira, I think I'll try Echo too. Nakakatuwa raw eh!" sabi ng kaklase kong si Julie. Ang ngiti niya puno ng saya, pero hindi ko maalis ang takot na lumapit sa akin.

"Ang saya nga, di ba? Parang all-in-one na social media platform!" sabi ni Aiden. Ang kanyang masiglang tono ay nagsisilbing pampatanggal takot, pero sa likod ng aking isipan, ang mensahe mula sa unknown sender ay nag-aalab pa rin.

{ • }

Pagkatapos ng klase, nagpunta kami sa library para mag-aral. Doon, nagdesisyon akong mag-log in sa Echo. As soon as I opened the app, nag-spark ang isang new notification. Ano na naman kaya 'to?

You have a new message. Isang tingin pa lang ay nag-umpisa na naman ang takot sa akin. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko na i-check ang mga ito.

Unknown :
Alam ko ang totoo mong pangalan.
Alam ko ang mga sikreto mo.

Ang mensahe niya ay parang tinig na umaabot sa puso ko, nagpapataas ng mga katanungan.

"Wala akong sikreto," bulong ko sa sarili ko. Pero sa likod ng isip ko, alam kong hindi totoo ang sinasabi ko.

"Okay ka lang, Kira?" tanong ni Luna mula sa tabi ko. Nagulat ako at napatingin sa kanya.

"Uh, yeah. Just... thinking about schoolwork," sabi ko. Ang mga mata niya ay parang puno ng pag-alala.

"Baka dapat mo nang ikwento 'yan," sabi niya, mas nag-aalala pa siya. "Laging mas mabuti ang may kausap, tandaan mo 'yan."

Tama siya. Pero paano ko ikukuwento ang takot na nag-aalab sa akin? Sinubukan kong kalimutan ang new message na na-receive ko habang nag-aral kami, pero palaging bumabalik ang mga 'to sa aking isip. Ang echo ng aking takot ay parang nagbibigay ng buhay sa mga anino sa paligid ko.

Sa gitna ng aming pag-aaral, napansin kong may lumapit na grupo ng mga estudyante. Ang tawanan nila ay nakakahawa, pero may isa sa kanila, si Marco, ang tanging nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay parang may sinasabi na hindi ko maunawaan.

"Hey, Kira! Are you joining Echo?" biglang tanong niya, ang ngiti niya ay parang may halo ng pang-uudyok.

"Ah, um, I'm still thinking about it," sagot ko, pilit ako na ngumiti. Pero sa totoo lang, gusto ko nang umalis. Ang pressure ng mga tingin nila ay nagpapalalim sa aking takot.

"Dude, you should! Marami nang nag-i-enjoy doon!" sagot ni Aiden, pero sa likod ko, parang naririnig ko ang mga tinig na humihimok na 'wag sumali.

{ • }

Pagbalik sa bahay, nag-log in ako sa Echo. "Bakit parang nagiging obsessed ako dito?" tanong ko sa sarili ko. Biglang may tumunog na notification, meron na naman akong na-receive na message. I didn't hesitate again to view it.

Unknown :
Kilala kita. Hindi mo
maitatago ang mga lihim mo.

Nagsimula akong manginig.

I closed the app, nag-panic, at sinubukan na lang matulog, hoping na ang takot na ito ay maglalaho rin. Pero habang unti-unti akong bumababa sa mundo ng mga pangarap, alam kong hindi ito katapusan.

May isang bagay na nag-aantay sa akin, and the echoes of my fears would only grow louder.

Echoes of the VoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon