Dispatch 18 : Synchronicity

12 5 0
                                    

─────────────────────

May 1, 2024

Eksaktong isang buwan na ang lumipas mula noong hinarap ko ang orihinal na Kira. Ang mundo ay tila bumalik na sa normal, ngunit sa loob ko, alam kong marami ang nagbago. Marami pa akong hindi inaasahan—pero ngayon, may mas malalim na pag-unawa na sa aking pagkatao. Pero ang isang tanong na matagal kong iniiwasan ay kailangan kong sagutin: Ano na ang nangyari sa kanya—sa orihinal na Kira?

Sa isang mapanglaw na hapon, natagpuan ko ang sarili ko sa gilid ng isang maliit na parke. Tahimik. Malayo sa ingay ng lungsod. Nandito siya, nakaupo sa isang bench, tila naghihintay. Ang orihinal na Kira.

Paglapit ko, tumigil siya sa pagbabasa ng maliit na journal na hawak niya at tumingala sa akin. Hindi na siya galit. Wala na ang poot sa mga mata niya, tanging lungkot ang natira. Parehas kaming nasaktan, pero sa iba't ibang paraan kami nakahanap ng paghilom.

"Kira," bulong ko, halos hindi ko marinig ang sarili kong boses.

Ngumiti siya, malungkot pero totoo. "Hindi ko na alam kung sino sa atin ang tinatawag mo."

Umupo ako sa tabi niya. Ilang sandali kaming walang imikan, parang may isang hindi nakikitang pader na matagal nang nakaharang sa pagitan namin. Pero ngayon, parehas na kaming handang sirain iyon.

"Naalala mo noong una tayong nagkita?" tanong niya, boses niya'y puno ng alaala. "Akala ko, papalitan mo ako. Akala ko, ikaw ang kukuha sa lahat ng mayroon ako. Pero ngayon... naiintindihan ko na."

Hindi ko alam kung paano magsisimula. Ang daming emosyon na gustong kumawala—galit, lungkot, pagsisisi. Pero higit sa lahat, naroon ang pag-uunawa.

"Kira, hindi ko hinangad na maging ikaw," sagot ko. "Sa lahat ng oras na 'yun, hinanap ko lang kung sino ako. At sa proseso, nasaktan kita. Akala ko, ang pagkakakilanlan ay base sa kung sino ang nauna. Pero hindi ko naiisip na parehas tayong nag-aagawan para makahanap ng lugar sa mundong 'to."

She let out a soft sigh, her eyes misty but clear. "Mahirap tanggapin noong una. Pero siguro tama ka. Hindi ito tungkol sa kung sino ang orihinal. Hindi tungkol sa kung sino ang mas totoo. We are both real, Kira.

Napatingin ako sa kanya. Pareho ang mukha, pero ngayon, parang ibang tao na siya sa akin. Isang bahagi ko. Isang bahagi ng kwento ko na minsan ay inakala kong kalaban.

"Hinihiling ko na sana.. hindi tayo naging magkalaban noon," she continued, her voice cracking. "Na hindi ako nagalit nang malaman kong may katulad ako. Sana nakita kita bilang kapatid, bilang kasama."

Hindi ko mapigilan ang mga luha na biglang dumaloy sa mga mata ko. Hindi dahil sa galit, kundi dahil sa katotohanang parehas kaming nawalan. Parehas kaming natakot. At ngayon, parehas kaming bumitaw sa nakaraan.

"Kira..." boses ko'y halos bulong na. "Patawad. Hindi ko alam kung paano ko ito itatama, pero alam ko na ngayon—hindi na natin kailangang maging magkalaban."

Biglang tumulo rin ang mga luha niya mula sa mga mata niya. "Hindi mo na kailangang itama, Kira. Pareho tayong nasaktan. Pareho tayong nagkamali. Pero kung kaya nating magpatawad, siguro.. kaya rin nating magsimula ulit."

Dito, sa gitna ng tahimik na parke, hinayaan naming maging malaya ang aming mga puso. Walang galit, walang poot. Nagyakapan kami, hindi bilang magkaribal, kundi bilang dalawang tao na parehong lumaban para sa kani-kanilang buhay. Ang hirap ng mga pinagdaanan namin ay hindi na mahalaga sa puntong ito. Pareho kaming bumitaw sa mga multo ng nakaraan.

"Ito na ang huling pagkakataon na magkikita tayo," bulong niya habang yakap ko siya.

"Bakit?" tanong ko, natatakot sa sagot.

She pulled away her hug gently, looking at me with eyes that held a quiet peace. "You need to move on, Kira. Parehas tayong may karapatan sa sarili nating buhay. Pero hindi tayo pwedeng manatiling magkasama. You have your own story to write. I have mine."

Tumango ako, kahit masakit tanggapin. Alam ko na tama siya. Hindi na namin kailangan ang isa't isa para malaman kung sino kami. Pero hindi ibig sabihin na hindi na namin pahalagahan ang pinagsamahan namin.

"Goodbye, Kira," she whispered.

"G-Goodbye," sagot ko, mga luha ko muling bumabalong sa mga mata ko. Basang-basa na ang mga pisngi ko kakaiyak. Ang sakit, ang lungkot.. pero maginhawa na ulit ang lahat.

Habang papalayo siya, ramdam ko ang kakaibang katahimikan sa puso ko. Hindi na ako natatakot. Hindi na ako nag-aalinlangan. Sa wakas, malaya na ako. Malaya na kami pareho.

•••

Ang tunay na pagkakakilanlan ay hindi sa kung ano ang ibinibigay ng mundo sayo, kundi sa kung paano mo pipiliing isulat ang sarili mong kwento. Sa huli, hindi mahalaga kung sino ang clone o sino ang orihinal. Ang mahalaga ay kung paano mo tinatanggap ang sarili mo, at kung paano mo pipiliing mabuhay nang may kapayapaan.

Echoes of the VoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon