─────────────────────
March 22, 2024
Tatlong araw na akong nasa bingit ng pagkaubos ng sanity. Hindi ko na kayang ilayo ang sarili ko mula sa Echo. Nagsimula na itong maging bahagi ng bawat galaw ko—bawat minuto, bawat segundo. Parang humihigop ito ng bawat himaymay ng pag-iisip ko. At sa bawat pagsilip ko sa app, may mga mensaheng nagpapagulo sa isip ko.
Nagising ako ng madaling araw dahil sa tunog ng phone ko. Isang unknown user na naman ang nagpadala ng mensahe sa akin galing Echo. Bakit sa ganitong oras siya nag-send ng message? 3:00 AM?
Unknown :
Gising ka ba? Malapit ka nang makahanap ng sagot. Sundan
mo ang mga anino.Napabangon ako mula sa kama, ang ilaw mula sa phone ko ay tanging nagbibigay liwanag sa kwarto. "Sundan ang mga anino?" Paulit-ulit kong inisip ang mensahe niya habang nakatingin sa screen. Pinilit kong hindi bumigay, pero parang mas lalo akong hinihila pababa ng bawat mensaheng natatanggap ko. Parang isang rabbit hole na walang katapusan.
Lumabas ako ng kwarto, dala ang phone ko at naupo sa sala. Tahimik ang bahay. Walang ingay kundi ang mahina kong paghinga at ang tunog ng pag-scroll sa screen. Nag-search ako ng forums tungkol sa Echo, at natagpuan ko ang ilang anonymous posts ng mga tao na parang dumaan din sa parehong sitwasyon na nararanasan ko ngayon.
anonymous (11:48 pm)
It's not just an app. It's watching us.anonymous (12:17 am)
They know everything.Mabilis akong bumalik sa mismong app ng Echo nang may bagong mensahe na naman akong natanggap.
Unknown :
Are you ready to dive deeper?Napalunok ako. Isang sagot ang bumabagabag sa akin—oo, gusto kong malaman ang katotohanan, pero hindi ko alam kung kaya kong harapin ito. Hinawakan ko nang mahigpit ang phone ko, parang ito na lang ang nag-uugnay sa akin sa mundong ito.
{ • }
Pagdating sa school, mas naging malala ang pakiramdam ko. Lahat ng tao sa paligid ko, parang nagbubulong-bulungan. Hindi ko alam kung totoo ba o guni-guni lang ng utak ko. Pero parang may tinatago silang lihim na ako lang ang hindi nakakaalam.
Nakita ko si Luna sa hallway, nagsabay kaming maglakad. "Kira, ang weird mo na these days," sabi niya habang nakatingin sa akin. "Hindi ka na nagcha-chat sa group chat natin. Ayos ka lang ba talaga, ha?"
"Okay lang ako. Pasensya na kung hindi ako nakakapag-chat," sinubukan kong ngumiti. Pero alam kong hindi ako mukhang okay. Ang bawat araw ay parang nagiging isang malalim na bangungot na hindi ko matakasan.
"Hmm, okay. Basta kapag kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako," sabi niya at dumiretso siya ng daan sa kanyang locker.
Pero bago pa siya makalayo, naglakas loob akong nagtanong. "Luna, nagamit mo na ba ang anonymous feature ng Echo?"
Tumigil siya sa paglalakad at lumingon. "Hindi pa. Bakit mo natanong?"
"Wala lang. Parang may mga kakaibang nangyayari kapag ginagamit mo 'yon," sabi ko. Napansin ko ang pagbabago sa expression ni Luna, tila nag-aalinlangan.
"Just be careful, okay? Sabi ko nga, baka hindi lahat ng nagpo-post doon ay totoo," paalala niya.
Ngunit kahit na sinasabi ko sa sarili kong mag-iingat ako, hindi ko maiwasang mabighani ng misteryo.
{ • }
Pagdating sa bahay after ng nakakatamad na klase, nag-dive agad ako sa Echo. Bawat kasing oras na hindi ako nakaka-log in, parang maraming oras ang nasasayang.
Hanggang sa nakatanggap na naman ako ng bagong mensahe. As usual, galing na naman sa uknown user ulit.
Unknown :
Malapit ka na. Just click this link.
sent a crypted link.May kasamang link ang message niya. Agad kong pinindot ang link at bumukas agad sa browser. Tumambad sa akin ang isang encrypted site, mukhang luma at primitive ang design nito, pero may kakaibang pakiramdam na bumalot sa akin habang naglo-load ito. Puno ng mga anonymous na post, halos walang pangalan o pagkakakilanlan ng sinuman.
"What is this..."
Habang binabasa ko ang mga posts, napagtanto kong ang Echo ay hindi simpleng app. It was more than just a social media platform. Isang paraan ito para subaybayan ang bawat galaw ng mga tao. At ang mga tao sa likod nito ay hindi basta-basta.
Parang may invisible na pader sa pagitan ng reality at virtual sa mundo. At ngayon, ramdam ko na papalapit ako sa isang bagay na hindi ko na kayang takasan.
BINABASA MO ANG
Echoes of the Void
Science FictionEchoes of the Void follows Kira Tanaka, a high school student who uncovers a hidden online community filled with dangerous secrets. As she delves deeper, she receives cryptic messages, unraveling a conspiracy that blurs the line between reality and...