─────────────────────
April 1, 2024
Gabi. Tahimik ang buong paligid habang nakatayo kami sa tabi ng isang kalsada. Dito nagsimula ang lahat—ang lugar kung saan ako at si Nate unang nagkita. Sa simula pa lang, walang katiyakan ang lahat, pero ngayon, mas malinaw na sa akin ang mga bagay-bagay. Kung sino ako. Kung ano ako.
Hindi pa tapos ang lahat.
Pero handa na ako.
Nakatitig lang si Nate sa akin, hawak ang mga sugat na nakatakip sa kanyang balikat mula sa nangyaring pagbagsak ng pasilidad. He looked tired, beaten, but his eyes still held that fire of determination.
"Hindi ka nag-iisa, Kira," he said quietly. "Kahit ano pa ang totoo—kahit clone ka man o hindi. Sa akin, ikaw pa rin si Kira na nakasama ko."
Pilit akong ngumiti. Pero ngayon, iba na ang takbo ng isip ko. Iba na ang pananaw ko sa sarili ko. Hindi ko na kailangan ng validation mula sa iba para malaman kung sino man ako.
"Hindi ako clone," sagot ko, mas malalim ang boses ko ngayon kaysa dati. "Ako si Kira. Clone man ako o hindi, ako pa rin ito. At ako ang pipili ng landas na tatahakin ko."
Tumahimik si Nate, pinagmamasdan ako. Then, slowly, he nodded, as if understanding something beyond words.
"Anong balak mong gawin?" tanong niya.
Tumingala ako sa kalangitan—madilim, walang buwan, pero puno ng bituin. "Tatapusin ko ang sinimulan ni Malverick."
{ • }
Habang naglalakad kami pabalik sa lungsod, tahimik lang si Astrid, sumasabay sa aming mga hakbang. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang impact ng nalaman niya—na may dalawang Kira. Pero hindi na 'yun mahalaga ngayon. Hindi na mahalaga kung ano ang nasa isip ng iba.
Ang mahalaga ay kung paano ko babaguhin ang kasaysayan ko.
"You really plan on facing her again, don't you?" Astrid finally spoke, breaking the silence. "Ang original Kira. Hindi pa siya tapos sa 'yo."
I nodded. "She wants her life back, and I get that. Pero hindi ko na hahayaan pang kontrolin ako ng mga alaala ng nakaraan. Clone man ako, may sarili akong kwento."
Ang mga mata ni Astrid ay puno ng awa, pero kita ko rin ang paghanga sa kanya. She understood the weight of my decision.
"I'm with you," she whispered. "No matter what."
{ • }
Nasa rooftop kami ng isang gusali malapit sa gilid ng lungsod. Nakaabang kami, naghahanda sa hindi maiiwasang muling pagkikita namin ni Kira—the original Kira. Hindi ko alam kung paano ito matatapos, pero alam kong isang sagupaan ang hindi namin maiiwasan.
Nate stood at my side, his grip tight on his weapon. "This is it."
Lumabas siya mula sa dilim, tila isang anino ng aking nakaraan. Ang orihinal na Kira, nakasuot ng itim, at sa bawat hakbang niya, ramdam ko ang bigat ng kanyang galit at determinasyon. Ang mga mata niya ay nanlilisik, puno ng poot at paghihiganti.
"Alam mo bang hindi ka dapat nabubuhay ngayon?" she hissed. "I should be the one standing there, with my friends, with my life. Ikaw ang nakaw."
In that moment, I understood everything. This wasn't just about survival. It was about claiming an identity. And both of us were fighting for that.
"I'm not you," I said, standing my ground. "Hindi ako ang gusto mong maging. I'm my own person."
"Sinungaling!" she screamed, rushing toward me with deadly speed.
Nagkaroon ng matinding bakbakan, ang mga kamao namin ay tumatama sa isa't isa, walang kapatawaran. Bawat suntok, bawat sipa, may kasamang galit, sakit, at hinanakit mula sa mga taon ng pagtatago at panlilinlang.
But as we fought, I felt something shift inside me. Parang lahat ng mga tanong, lahat ng mga alinlangan, unti-unting nawawala. Hindi ako clone. Hindi ako isang pagkakamali. I was real—my own person.
"Kira, stop!" Nate shouted, trying to intervene, pero hindi ko siya pinansin. This was something I had to finish on my own.
The final blow came when I managed to disarm her. She fell to the ground, breathing heavily, staring up at me with disbelief in her eyes.
"P-paanong..." she whispered. "How can you be stronger than me? I'm the original!"
I knelt beside her, catching my breath. "Because I'm not fighting to be you. I'm fighting to be me."
For a moment, she was silent. Then, with a broken voice, she asked, "W-what will you do now? Kill me?"
I shook my head. "No. I'm not you. I'm not Malverick. Hindi ako mamamatay-tao."
With those words, I stood up and turned away, leaving her behind. Nate and Astrid quickly followed, and we walked into the fading darkness.
Habang naglalakad kami papalayo, alam kong hindi pa tapos ang lahat. Pero para sa akin, ang pinakamahalagang laban ay natapos na. Hindi tungkol sa kung sino ang clone o sino ang original, kundi kung paano ako mabubuhay mula rito.
"I'm Kira," I whispered to myself, finally accepting who I was. "And I'm ready for whatever comes next."
BINABASA MO ANG
Echoes of the Void
Science FictionEchoes of the Void follows Kira Tanaka, a high school student who uncovers a hidden online community filled with dangerous secrets. As she delves deeper, she receives cryptic messages, unraveling a conspiracy that blurs the line between reality and...