─────────────────────
March 26, 2024
Ang lahat ng bagay sa buhay ko ay para bang naging isang malalim na dilim. Pagkatapos ng nangyari kagabi, hindi ko alam kung sino pa ang dapat kong pagkatiwalaan, o kung ligtas pa ba ako kahit nasa sariling kwarto ako. Hindi na lang ito simpleng app, hindi na lang ito laro—isang lihim na sistema ang gumagalaw sa ilalim ng radar, at nadamay ako.
Hawak-hawak ko pa rin ang USB na iniwan sa akin ng batang babae. Parang mabigat 'to sa aking kamay, hindi dahil sa laki o bigat, kundi dahil sa laman nitong maaaring magdala ng kapahamakan o katotohanan. Bawat paghawak ko rito, parang may malamig na agos na dumadaloy sa katawan ko, isang paalala na nasa kamay ko na ang susi para mailantad ang Echo at ang mga taong nagpapatakbo nito.
Naglalakad ako sa pasilyo ng school, pero parang ibang mundo ang aking kinatatayuan. Ang bawat estudyante ay parang nagtatago ng lihim. Ang mga usapan nila ay parang simpleng tunog lang sa aking mga tenga. Hindi ko na makontrol ang paranoia—lahat ng tao ay nagiging potensyal na kalaban.
{ • }
Pagkatapos ng klase, sinubukan kong huwag pansinin ang mga kilabot na nagbabanta sa paligid. Kailangan ko na 'tong matapos. Kailangan kong malaman ang totoo. Huminga ako nang malalim at nagtungo sa isang tahimik na internet café na walang masyadong tao.
Nang makaupo ako sa isang sulok na cubicle, inilabas ko ang USB drive. Pinakikiramdaman ko pa rin ang paligid, sinisiguro na walang nagmamasid sa akin. Agad kong kinonekta ang USB sa computer. Tumunog ang pag-connect nito, at lumabas ang isang folder na walang pangalan at walang label.
Bago ko pagdesisyonan na buksan, huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung ano ang lalabas. Pwedeng mga simpleng files lang, pero pwedeng mga malalim na sikreto. Bawat click ko ay parang pagsulong sa isang mundo ng mga anino.
Sa loob ng folder, mayroong tatlong subfolders: Surveillance, Project Echo, at Participants. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nanginig ang mga daliri ko sa ibabaw ng mouse, alam kong isa lang sa mga ito ang magbibigay sa akin ng mga sagot.
Pinili ko ang Surveillance at binuksan ito. Nag-flash sa screen ang libu-libong video files, mga label ng oras at petsa. Hindi ko alam kung alin ang una kong buksan, kaya random akong pumili. Agad na nag-play ang isang video—isang grainy footage ng isang kwarto, sa loob ay isang estudyante na hindi ko kilala, nagsasalita sa kanyang telepono.
"Hindi mo na ito pwedeng iwasan, Nate," sabi ng boses sa kabilang linya. "You're already in too deep."
Napakunot-noo ako. Sino si Nate? At sino ang kausap niya? Tinapos ko ang video at lumipat sa iba pang file. Pare-pareho silang nagpapakita ng mga estudyante, iba't ibang tao sa iba't ibang lugar, pero lahat sila ay nasa parehong sitwasyon—natatakot, nagtatago, at parang hinahabol ng hindi kilalang mga tao.
Nag-click ako sa sumunod na folder, Project Echo. Pagbukas ko, nagpakita ang isang text document na pinamagatang Founders' Log. Binuo ito ng mga journal entries, parang mga diary logs mula sa mga taong nagpaumpisa ng Echo. Una kong binasa ang unang entry:
March 1, 2021
Ang Echo ay higit pa sa isang app. Ito'y isang eksperimento. Gusto naming malaman kung paano mapapabagsak ang social barriers, paano magagamit ang anonymity upang masubok ang tunay na intensyon ng mga tao. The goal is control, not just surveillance. If we can control their decisions through the illusion of freedom, we can create a new world. We can rule it.Napatigil ako sa pagbabasa. Sino ang "we"? Sino ang nagpapatakbo nito? Ang pag-ikot ng isip ko ay parang sumasabog sa dami ng tanong na biglang sumusulpot. Hindi lang ito laro ng pagkontrol. May mas malaking plano ang Echo. At tila lahat ng gumamit ng app na 'to ay nagiging kasangkapan sa layunin nila.
Biglang tumunog at nag-vibrate ang cellphone ko. Si Rory. Siya ang tanging pinagkakatiwalaan ko sa panahong 'to. Siya ang matalik kong kababatang kaibigan, mas timbang ang pagkakaibigan namin kumpara kina Aiden at Luna. Pero kahit siya, hindi ko na alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan.
Hindi kami nagkausap nitong nagdaang bagong school year. Ang alam ko na-busy siya pagiging Student Council Secretary.
Pero.. bakit ngayon lang siya nagparamdam?
"Kira, where are you? Kanina pa kita hinahanap, you know why? Bali-balita ka sa campus, tumalon ka raw sa bintana kagabi, totoo ba 'yun?" Halata sa boses niya ang pagkabahala.
Tama nga ang pakiramdam ko, may mga nakamasid talaga sa akin. Lalong-lalo na ang mga estudyante sa St. Gabriel. Majority na sa mga students ay user ng Echo.
"Okay lang ako. Hindi mo na kailangan malaman ang lahat, Rory," mabilis kong sagot. Hindi pa ako handang sabihin ang lahat, kahit sa kanya.
"Kira, anong ibig mong sabihin? Ano bang pinagtatrabahuhan mo lately? Pansin ko na hindi ka na nagpapakita masyado sa school." Sinubukan niyang ipilit.
Napatingin ako sa USB sa harap ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ibahagi 'to. Pero bago pa ako nakasagot, may kakaibang tunog akong narinig sa background ni Rory—parang static, parang may sumingit sa linya.
"Rory?" Napahinto ako. "Rory, naririnig mo ba ako?"
Biglang nawala ang boses ni Rory at napalitan ng mababang boses ng isang lalaki.
"You're getting too close, Kira."
Napaurong ako sa kinauupuan ko. "Sino ka?" tanong ko, pero bago pa ako makakuha ng sagot, biglang naputol ang linya.
Parang bumagsak ang buong mundo ko sa isang iglap. Hindi ko na kayang balewalain ang mga palatandaan. Nahanap na nila ako. Ang Echo ay hindi na lang isang app sa cellphone ko, ito na ang nagpapatakbo sa lahat ng kilos ko, bawat galaw ko ay nakikita nila.
Lumabas ako ng café, nanginginig at hindi mapakali. Sa kanto, napansin kong may dalawang lalaking nakasunod sa akin. Hindi ko pa sigurado kung kanino sila konektado, pero hindi ako nagdalawang-isip. Tumakbo ako.
Habang tinatahak ko ang masikip na eskinita, naririnig ko ang yabag nila sa likod ko, mabilis at nagmamadali. Hindi ko alam kung saan ako papunta, basta ang alam ko lang, kailangan kong makatakas. Pero habang tumatakbo ako, lalo lang lumalalim ang takot ko—parang hindi na ako makakawala.
Pagdating ko sa isang madilim na daan, napilitan akong pumasok sa isang bakanteng gusali. Nanginginig ang katawan ko, pero kailangan kong itago ang sarili ko. Huminga ako nang malalim, pilit na pinipigilan ang mabilis na tibok ng puso ko.
"Find her. She can't be far," sabi ng isang lalaki mula sa labas. Narinig ko ang bigat ng yabag nila na naglalakad malapit sa pintuan ng gusali.
Nakatago ako sa likod ng mga kahon, halos hindi humihinga. Nakapikit ako, nagdarasal na hindi sana nila ako makita. Bawat tunog, bawat galaw ay parang hudyat na tapos na ang laro.
At bigla, ang buong paligid ay natakpan ng tahimik. Pagkalipas ng ilang minuto, wala nang yabag na naririnig. Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko, tahimik, at dahan-dahang naglakad palabas ng gusali. Pero bago pa ako makalayo, may kamay na biglang humawak sa braso ko.
"Kira," bulong ng boses. Napalingon ako. Si Rory?!
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, shocked at confused. "Paano mo ako nahanap?"
Tumingin siya sa akin nang malalim. "Akala mo ba hindi ko alam? Matagal ko nang alam ang ginagawa mo. Pero ngayon, wala ka nang ligtas na lugar, Kira. They're coming for you."
![](https://img.wattpad.com/cover/377898857-288-k169907.jpg)
BINABASA MO ANG
Echoes of the Void
Science FictionEchoes of the Void follows Kira Tanaka, a high school student who uncovers a hidden online community filled with dangerous secrets. As she delves deeper, she receives cryptic messages, unraveling a conspiracy that blurs the line between reality and...