Dispatch 3 : Behind the Screens

15 5 0
                                    

─────────────────────

March 17, 2024

Kakaibang sakit sa ulo ang dulot ng walang tulog sa gabi. Parang ang bawat pag-sara ng mata ko ay sinasamahan ng mga mensaheng bumabalik-balik sa isip ko. Nag-umpisa na akong makaramdam ng paranoia. "Kilala kita. Hindi mo maitatago ang mga lihim mo." Nakatambay ang mga salitang 'yan sa likod ng isipan ko, nagiging echos na sa mga anino sa paligid.

Pagdating sa school, ang mga studyante ay abala sa pag-uusap tungkol na naman sa Echo. Halos lahat ay may mga bagong posts, at mukhang masayang-masaya sila sa app. Isang parte sa akin ang naglalaban—gusto kong sumali, pero takot akong lumantad.

"Baka makahanap ako ng mas masayang buhay kung hindi ako kasama sa mga mundo nila," bulong ko sa sarili ko.

Dumating ako sa classroom, at nakita ko si Aiden at Luna na nag-uusap. "Kira! Halika, tingnan mo 'to!" sabi ni Aiden na may hawak ang cellphone niya. "May bagong feature ang Echo. Pwede ka nang gumawa ng anonymous posts!"

"Baka maging mas masaya ka sa app," dugtong ni Luna, na nag-uudyok na naman sa akin. Sa kabila ng saya nila, hindi nila alam ang aking takot ay nag-uumapaw na.

"I don't think so.. parang ang daming drama ang mga nangyayari d'yan," sagot ko, pilit na lumalaban sa takot. "What if may mangyaring masama sa akin d'yan?"

"Wala namang masama kung susubukan mo! Minsan, kailangan mong lumabas sa comfort zone mo," sabi ni Aiden, na parang tamang tao kung magsalita.

Habang nasa klase, nakaupo ako sa likod at nag-aral, pero ang mga mata ko ay patuloy na bumabalik sa mga mensahe sa Echo.

"Baka kailangan kong lumabas sa shell ko," sabi ko sa sarili ko. Kaya nag-decide akong subukan ang new anonymous feature na sinasabi nila.

Maya-maya, nag-log in ako. Ang mga newsfeed ay puno ng mga kwento at mensahe mula sa mga anonymous accounts.

anonymous (10:11 pm)
Ikaw ba ay nandiyan?
Pakiusap, tulungan mo ako.

anonymous (1:00 am)
Alam ng lahat ang mga sikreto mo.

Ang dalawang anonymous post na nakita ko parang naglalaban sa bawat isa. Bumalik ulit ang takot ko. Agad akong nag-panic at nag-leave sa app.

"Kira, anong nangyayari sa'yo?" tanong ni Luna nang makita ang mukha kong nanginginig. "Hindi ka mukhang okay."

"Hindi ako makapag-focus," sabi ko. "Kaya nag-log in ako sa Echo, pero... ang daming weird na post."

"Gusto mo bang i-report ko 'yan?" tanong ni Luna, may pag-aalala sa boses niya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot. "Hindi, okay lang. Siguro magpapahinga lang ako," sagot ko, pero alam kong hindi ko matatakasan ang takot na ito.

{ • }

Pag-uwi ko, nagdesisyon akong i-check ang Echo app ulit. "Bakit parang kailangan kong malaman kung sino ang nagpapadala ng mga messages sa akin?" tanong ko. I clicked on the app, at nag-scroll ako sa message option.

Unknown :
Nakikita mo ba ang mga anino?
Nandiyan sila sa paligid mo.

Isang bagong message na naman mula sa isang unknwon user. Agad akong kinabahan dahil dito.

Nagsimula akong mag-research tungkol sa app. Madali lang pala, at habang nagbabasa ako, lumabas ang mga kwento ng ibang tao na nakaranas ng katulad sa nararamdaman ko.

anonymous (5:47 pm)
Hindi ka nag-iisa.

Isang anonymous post ang nagpasiklab ng pag-asa sa akin. Pero ang sumunod na post ay parang nagdudulot na naman ng mas matinding takot.

anonymous (5:49 pm)
May mga anino sa likod ng screen.

"Anong ibig sabihin ng mga ito?" tanong ko sa sarili ko. Dahan-dahan, bumangon ako at naglakad-lakad sa kwarto ko. "Kailangan kong malaman ang totoo. Hindi ako puwedeng matakot," bulong ko sa sarili ko.

Agad akong bumalik sa app at nag-post.

anonymous 'you' (5:55 pm)
May nakakaalam ba kung anong kakaibang nangyayari dito sa app na 'to?
Ano ang mga anino?

Sinabi ko ang lahat, umaasang makakakuha ako ng sagot. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko, isang bagong notification. Nakatanggap ako sa wakas ng isang comment, pero nagpalakas ito sa takbo ng aking puso.

anonymous (5:59 pm)
Hindi ka nag-iisa. Nandiyan lang
ang sagot sa likod ng Echo.

Dumapo ang takot sa akin, ngunit sabay din akong nadala ng excitement. Baka nandirito lang talaga ang mga sagot na hinahanap ko. Sa kabila ng lahat, ang mga anino ay tila nagiging parte na ng buhay ko. At habang ang mga mensahe ay patuloy na dumadaloy, alam kong hindi na ako makapagpapa-back out pa.

Echoes of the VoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon