Dispatch 9 : Treading the Line

14 6 0
                                    

─────────────────────

March 27, 2024

"Rory... bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko, nanginginig pa rin sa takot. Ang kamay ko ay hawak-hawak pa rin ang braso niya, ramdam ko ang malamig niyang balat na parang may tinatago. "Bakit mo ako tinulungan?"

Pero bago pa siya makasagot, isang mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. Tinitigan ako ni Rory nang malalim—hindi ko mabasa kung galit ba, takot, o lungkot ang nakasulat sa kanyang mga mata. Ang Rory na kilala ko ay parang ibang-iba na ngayon, parang isang estranghero sa harap ko.

"Hindi ganun kasimple, Kira," bulong niya, mas mababa pa kaysa sa normal niyang boses. "Akala mo ba lahat ng ginagawa ko ay para protektahan ka?"

Nanigas ako. "Ano bang ibig mong sabihin?"

Humikbi siya, pero hindi ko alam kung totoo o isa na namang pagkukunwari. Humakbang siya palapit sa akin, inilapit ang mukha niya hanggang halos magkalapit na ang mga ilong namin.

"Akala mo ba walang kapalit ang lahat ng impormasyon na ibinibigay ko sa'yo?"

Napaatras ako. Ang mga salita niya ay parang mga kutsilyo na tumatarak sa isip ko. "Rory... you've been lying to me this whole time? Well, no wonder bakit hindi ka na nagparamdam sa akin."

"Hindi mo naiintindihan," aniya, bahagyang tumalikod. "Sa Echo, walang totoong kaibigan. Walang makakawala. Lahat tayo ay mga pawn lang sa laro nila."

Halos.. nasaksak ako sa mga sinabi niya. Hindi na siya ang matalik kong kababatang kaibigan. Hindi na siya ang Rory na kilala ko, kinain na siya ng sistema ng Echo.

Sa gilid ng mata ko, napansin ko ang paggalaw ng mga anino mula sa malayo. Alam kong sinusubaybayan pa rin kami. Ang dalawang lalaking sumunod sa akin ay nasa paligid pa rin. Tumahimik ang mga yabag nila, pero alam kong nariyan lang sila—nag-aabang, nagmamasid, naghihintay ng tamang pagkakataon para kumilos.

"Rory, kailangan na nating umalis dito," sabi ko, sinusubukang kontrolin ang panic sa boses ko. Pero hindi siya gumalaw. Parang natigil ang oras sa pagitan namin, at naramdaman kong wala na akong oras para makapagpaliwanag o mangumbinsi. Hinila ko siya, pilit na inaakay palabas ng eskinita.

"Hindi mo ako naiintindihan, Kira!" sigaw niya, nag-aalab ang mga mata sa galit at takot. "You're not the only one trapped in this mess. Hindi lang ikaw ang nasa peligro!"

Napatigil ako sa paghila sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Matagal na akong nasa ilalim ng kontrol ng Echo. Mas matagal pa kaysa sa alam mo," bulong niya, hawak ang dibdib na parang nasasakal ng bigat ng katotohanan. "They have something on me, Kira. A secret that I can't let out, or they'll destroy me."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Ang bawat pag-amin niya ay parang nagiging dagok sa akin. "Rory, bakit mo ako idinamay dito?" Naramdaman kong may lumalabas na luha sa mga mata ko, ngunit hindi ko na ito mapigilan. "Akala ko ba magkaibigan tayo?"

Bumuntong-hininga si Rory. "I'm sorry... pero kailangan ko ring mabuhay."

Sa gitna ng pag-uusap namin, dumaan ang malakas na ugong ng motor mula sa kalye. Bigla kaming napatingin at nakita ko ang dalawang lalaking kanina pa sumusunod sa akin. Nakatingin sila diretso sa amin, at sa isang iglap, bumunot sila ng baril mula sa kanilang mga jacket.

"Rory, takbo!" sigaw ko.

Hinila ko siya palayo habang umaalingawngaw ang mga putok ng baril sa paligid namin. Tumama ang mga bala sa pader, humahampas sa kongkreto at nagpapaulan ng mga debris. Takot na takot akong makorner kami, kaya't pilit akong tumakbo nang mas mabilis. Hinigpitan ko ang hawak kay Rory, kahit nararamdaman kong gusto niyang bumitaw.

Sa isang sulok, pumasok kami sa isang masikip na eskinita, ang mga hagdan na bakal ay nagtutulak sa amin pataas patungo sa rooftop. Nang makarating kami sa itaas, huminto ako saglit para huminga, pero ang boses ni Rory ang gumulantang sa akin.

"Kira, this is pointless. They're everywhere."

Tumigil ako at humarap sa kanya. Pagod na pagod ako, at ang init ng katawan ko ay parang nag-aapoy. "Ano bang gusto mong gawin? Let them catch us? Let them kill us?"

Ngumiti siya, isang ngiting hindi ko inasahan mula sa kanya. "No. But I know something you don't."

Bago pa ako makapag-react, dinukot niya ang kanyang cellphone at nag-type ng ilang numero. Bigla niyang itinapat ang telepono sa tenga niya. "She's here," mahinang sabi niya.

"Send backup."

Bago pa ako makasagot, narinig ko na ang papalapit na tunog ng mga motorsiklo. Ngunit hindi ito mula sa mga humahabol sa amin. May tatlong itim na motor ang pumarada sa baba ng gusali, at nakita ko ang mga lalaking naka-helmet na bumaba mula rito.

"Rory, sino sila?" tanong ko, kinakalabit na ng kaba ang dibdib kong nanlalambot na sa mga nangyayari.

Ngumiti ulit si Rory. "I told you, Kira. I'm not just a victim here. I'm playing both sides. Akala mo ba gusto kong mamatay nang ganito kadali?"

Sa oras na 'yun, nalaman ko ang isang matinding katotohanan: Si Rory ay hindi lang basta kasabwat, isa siya sa mga nasa loob ng sistema. At ako, ako na lang ang natitira na hindi pa nila tuluyang hawak.

Tumakbo ako pababa ng hagdan, iniwan si Rory sa rooftop. Hindi ko na siya pwedeng pagkatiwalaan, at alam kong hindi na rin ako ligtas sa kamay ng mga taong kasama niya. Wala na akong ibang pagpipilian kundi magtago. Pero saan ako pupunta? Meron pa ba akong mapag-kakatiwalaan?

Paglabas ko sa eskinita, bigla akong napahinto nang makita ko si Nate—oo, si Nate mula sa mga surveillance videos. Nakatayo siya sa kalsada, hawak ang cellphone niya at nakatingin diretso sa akin. Nakasuot siya ng isang hoodie, at may kakaibang ekspresyon sa mukha niya na parang naghihintay siya ng aksyon mula sa akin.

"Kira," bulong niya, habang papalapit. "Come with me if you want to survive."

Hindi ko alam kung dapat ko siyang sundan. Pero wala na akong oras. Narinig ko na ang mga yabag ng mga papalapit na motor mula sa likuran ko. Saka ko lang napagtanto na may isa na lang akong direksyon na pwede kong puntahan.

Sumama ako kay Nate.

Sa bawat hakbang palayo sa lugar na 'yun, nararamdaman kong palapit na ako sa isang mas malaking gulo. Ang Echo ay hindi lang basta sistema ng kontrol at pagmamanman. Isa itong pwersang hindi ko lubos na nauunawaan, at lahat ng tao sa paligid ko ay nasa ilalim na ng anino nito.

Habang tinatahak namin ang makipot na daanan papalayo sa school, tumigil si Nate at tumingin sa akin. "You have no idea what you've gotten yourself into."

Huminga ako nang malalim at sumagot. "Siguro tama ka. Pero may pakiramdam akong malapit ko nang malaman."

Echoes of the VoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon