Chapter 7

228 25 0
                                    




After naming kumain sa Pizza Hut ay gusto nilang manood ng movie sa Cinema at napagka-sunduan ng lahat na horror movie ang papanoodin. My tongue curled inside my mouth and didn't say a thing, I badly wanted to blur out that I'd rather watch the new Avengers movie.

Hindi naman sa ayaw kong manood ng horror dahil nakakatakot, mas lover lang ako ng action, superhero, adventure, fantasy, science fiction, romance and more. Nasa huling list ko ang horror but since the majority agreed on the Insidious one, makikisama nalang ako.

"Ayaw ata ni Leigh sa Insidious, guys," Diego interfered with their talk about the movie they chose to watch. Mula sa pagtingin ko sa mga posters ng bagong movies sa dingding ng lobby dito sa Cinema, ay namimilog ang mga mata kong bumaling kay Diego sa tabi kong nangingiti.

"Huh? Wala akong sinasabi, ah?"

His hooded and expressive eyes were looking at the Avengers glass poster case, napansin ata niya na tumagal ang titig ko ro'n nang pipila na kami para bumili ng tickets. Kaka-alis lang nila Theo, Kalix at Cayla patungo sa washroom, kaya sina Basti nalang ang bibili ng tickets nila.

Of course, they responded with diverse reactions. Gusto ko nalang tuloy mapa-irap.

"Ano? Bakit naman?"

"Clearly, we have not asked anyone's opinion about choosing what movie to watch, Eya. Ikaw lang naman ang nag-push sa amin na manood ng Insidious," Athena snorted.

Lumabi si Aiah, naka-hawak siya sa braso ng kaniyang boyfriend na si Marcus, he's studying from Ateneo and two years older than us. "Honestly, napanood na namin ni Marcus ang Insidious last week." Pagtatapat niya.

Ngumiti naman agad siya. "Pero dahil hindi niyo pa napanood, sasamahan nalang namin kayo." She giggled softly as she caressed her boyfriend's bicep. Tumango naman si Marcus sa amin habang nangingiti.

First-year college na siya, nalimutan ko nga lang kung anong course niya dahil masiyadong maingay sina Basti, Diego at Theo, na dinadaldal ako kanina habang nagki-kuwento si Marcus.

I don't want to be rude to them kaya sa kanila ko nalang itinuon ang atensyon ko, kahit na mas gusto kong makinig kay Marcus kasi nae-engganyo ako sa buhay and experiences niya as a college student. Mas mature din siyang mag-isip kaysa sa mga kasama naming lalaki kahit na siya ay nineteen years old pa lang.

Mabilis din niyang naka-sundo ang mga boys. May mga common hobbies sila gaya nang paglalaro ng computer games at basketball, or any related to sports.

Kleeya rolled her eyes and crossed her arms below her chest. "But you all agreed to my suggestion, didn't you? So ano ba talaga ang papanoodin natin?" Mataray na tumaas ang kaniyang kilay.

Basti grinned naughtily at me. "Are you afraid ba, Leigh? Katabi mo naman si..." Mapaglaro siyang tumingin kay Diego sa tabi ko. "Boy friend mo—" Natatawa siyang pinutol ni Diego.

"Dude, what the hell are you talking about? I'm not her boyfriend—"

Lalong lumapad ang ngiti ni Basti at tumaas ang noo. "So you're not a boy? What are you then? Are you gay? And what, bro? You aren't friends? I said, Boy friend. You—" Malakas siyang hinampas ni Kleeya sa braso.

"Oh, shut up, Cebastian." Mataray na sita ni Kleeya bago ako tiningnan. "Anong movie ba ang gusto mong panoodin, Leigh?"

Uminit ang mga pisngi ko, naka-tingin na silang lahat sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

"Gusto kong manood nung Avengers, but I'm good with Insidious too." I answered her question truthfully before shrugging my shoulders.

Athena snapped her fingers and smiled. "Ganito nalang, what if manood nalang tayo ng gusto nating movie? For sure others want to watch Insidious, tapos 'yung iba Avengers. Why don't we just divide into groups?" As expected from the Class President, her leadership is leading to her senses.

Rebel Kisses (Forbidden Flame Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon