Chapter 12

155 20 0
                                    




Inakbayan ako ni Diego habang naglalakad kami patungo sa canteen. Hinayaan ko siya, hindi naman mabigat ang braso niya kahit na maskulado siya.

Actually, ako lang naman ang pupuntang canteen para bumili ng bottled water dahil naiwan ko ang hydro flask ko sa bahay, kaya ayon nagka-salubong kami kanina dahil pababa siya sa hagdan ng STEM building.

Papunta naman siya sa washroom pero gusto niya munang samahan ako, may washroom naman sa canteen kaya dun nalang daw siya gagamit.

"Ayaw mo ba talagang subokan LDR, Rei?" He asked, I could sense the genuineness in his tone seeping through my bones, that he wanted us to make an effort of our long-distance relationship work. Humalukipkip ako at tiningala siya, he was smiling cutely without showing his teeth, but revealing the charming dimple he has.

"Ayaw ko nga, Diego." Umirap ako at tinuon ang mga mata sa harap. I heard him giggling, his fingers then played the strands of my short hair.

"Don't you trust me? Hindi naman ako magchi-cheat, I swear. We've been in a secret relationship for almost two years. I stayed loyal naman, ah? I never cheated on you," His forefinger poked my cheek.

I felt embarrassed by what he said. Siguro, spur of the moment ang pakikipag-breakup ko sa kaniya.

"Hindi naman sa gano'n, I just don't think long-distance relationships can work out, you know? Most people who have been in a long-distance relationship fail, they don't work out. I'm sure you know that." I said matter-of-factly. He snorted and sighed.

"Kakakilala pa naman ng parents mo sa akin, paano na bukas sa party mo? They are going to expect us to be sweet and cuddly since we are legal to them," Aniya kaya ngumiti ako.

"We can just pretend that we're still in a relationship while you're still here in the Philippines naman," I suggested.

Pinakita niya sa akin ang lukot niyang mukha kaya natawa ako at tinulak ang kaniyang pisngi gamit ang aking hintuturo. Although there was a hint of amusement displaying in his dark brown eyes.

"Don't look at me like that—"

"Weren't you hurt? I'm your first boyfriend."

Napa-isip naman ako. "I'm not—"

He groaned. "So you don't love me then? You're just attracted to me? Dahil ba guwapo ako at mabango tapos malaki ang katawan?"

Tumaas ang kilay ko sa kahanginan niya, parang si Kalix siya kung umasta pero mas mahangin naman 'yon. Pero totoo naman, guwapo siya, mabango tapos malaki ang katawan. God, grabe naman kasi siya mag-gym.

Ngumiwi ako nang maisip ko na naman si Kalix, ang stepbrother kong baliw. Nabagok ata siya nung nahulog siya sa kama tapos nauntog.

Nahihibang na siguro ang bobong 'yon, because he can't like me. He shouldn't like me. Baka kailangan ko ulit siyang i-untog?

He doesn't entertain his feelings for me, he was restraining himself which is good but his actions were not good. His actions speak otherwise. Kung anong pigil niya sa kaniyang sariling isip na magka-gusto sa akin, iba ang sinasabi ng mga kilos niya.

Sa kaniya na ako sumabay kaninang umaga papasok sa school. There's no point in me trying to ignore him, ayaw kong makahalata siya na alam kong may nararamdaman siya sa akin.

"Bakit? Mahal mo ba ako?" Siya naman ngayon ang natahimik at biglang napa-isip. Hinaplos niya ang kaniyang leeg at umiwas ng tingin sa akin. I giggled and poked his cheek.

"Hindi pa naman 'di ba? I guess we're just attracted to each other but we don't have the deep connection between us that we can say we're in love,"

Rebel Kisses (Forbidden Flame Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon