Chapter 3

214 22 0
                                    




I rolled my eyes as I washed my hands at the sink. Edi umalis siya nang wala man lang sinasabi, so what? Nagsawa na siguro siya na magpa-paalam na uuwi na siya pero hindi ko siya pinapansin dahil tinatarayan ko lang siya at dine-deadma, baka iniisip na niyang nagmu-mukha siyang tanga.

Or maybe he's with that girl? The girl from the STEM strand. I don't recall her name but naaalala ko siya. Siya 'yung best friend ng kapatid kong inakala kong tomboy, palagi siyang tumatambay sa bahay noong junior high school palang kami. One of the boys siya kumbaga, well, not just her. Tatlo silang babae na palaging kasa-kasama nila Kalix.

And that STEM girl used to be a tomboy, siga at magaslaw kung kumilos. Maangas din ang paraan ng pananalita niya. But now? She's so different! Really different. And it stumped me. Ibang-iba na ang kilos niya kumpara noon.

Modest, very feminine and soft-spoken. Marunong na rin mag-ayos sa sarili, hindi na siya 'yung walang pakealam sa kung ano ang itsura niya.

Baka siya ang bagong nagugustohan ng kapatid ko? I mean, hindi naman sa ayaw ko siya bilang maging girlfriend ni Kalix.

Madalas ko naman siyang mahuli na may kausap na babae sa phone niya pero hinahayaan ko nalang, dahil sanay na naman ako. And I don't want to meddle with his love life, that's his choice, I support him all the way.

Oh my gosh? Baka siya nga? Hindi ko lang na-recognize ang boses kasi nga, nagbago na siya! Right!

Hindi pa naman ako uuwi. Tsk.

Bakit ko paba iniisip 'to? Bakit parang ako pa 'tong bothered sa aming dalawa?

I shrugged my irrelevant thoughts away and minded my own business. Tinapos ko nalang ang paghuhugas ng mga kamay ko at itinapat 'yon sa hand dryer.

Agad akong natigilan nang makita ko si Kalix na naka-sandal sa dingding, he three meters away from me nang lumabas na ako ng washroom.

"See? I saw her going here, eh. Hi, Leigh!" He was with the STEM girl who gave me a sweet smile when our eyes interlocked. At dahil friendly ako ay ngumiti ako sa kaniya pabalik at bumati, hindi ko masisisi ang kapatid ko kung nagugustohan man niya 'to.

"Hello!" Gosh, I don't remember her name!

Inilipat ko na ang mga mata ko sa kapatid ko na umahon na mula sa pagkaka-sandal sa dingding at tiningnan ako, seryoso ang kaniyang mukha habang nagkaka-titigan kaming dalawa. I reciprocated the same fuel he was giving me, not minding his best friend standing beside him.

"I have to go na, Reeve. Our friends way back in junior high are probably waiting for me sa Mall. Maiwan ko na kayo rito ng kapatid mo since hindi ka makakasama sa amin," Paalam nung STEM girl na muling ngumiti sa akin ng matamis, pero nababasa ko ang dismaya at lungkot sa likod ng kaniyang mga mata.

I waved my hand at her as a bid goodbye. Binalingan siya ng kapatid ko at tumango, na may tipid na ngiting naka-ukit sa kaniyang labi.

"Yeah... appreciated your company, Cayla." Cayla? 'Yon pala ang name niya. Tumawa si Cayla at kitang-kita ko na medyo pumula ang kaniyang mga pisngi sabay iwas ng tingin, sa pasimpleng paraan. Oh... my gosh! Don't tell me na...

"Sayang talaga, it has been a while since we hanged altogether. Alright, I'll go—"

"Oh? He should definitely come with you, may lakad din kasi ako with a friend. Hindi pa ako naman uuwi, nag-paalam na ako kay Dad." My intrusive thoughts won over me. Marahas na humarap sa akin si Kalix, umuusbong ang kakaibang galit at iritasyon sa kaniyang mga mata, I could literally see the blazing fire foreshadowing in his orbs that hell is about to break loose.

Rebel Kisses (Forbidden Flame Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon